Hindi ako makatulog kagabi nang maayos dahil maraming bumabagabag sa isip ko, nakatulogan ko na nga lang ito dahil sa pag-iyak. Kagabi ko pa 'to pinag-isipan ng maigi, alam kung hindi tama tong gagawin ko pero gagawin ko pa rin.Huminga ako nang malalim bago tinignan ang repleksyon ko sa whole body mirror, nakasuot ako ng isang silk longsleeves na kulay maroon then tinernuhan ko ito ng highwaist black jeans at nag-flat shoes lang. Nakaponytail ang buhok ko na natatabunan sa suot kung sombrero at itim na mask para walang makakilala sa'kin, ba'ka mamaya dumugin pa ako ng mga tao dahil sa nangyari at ba'ka madamay pa ang anak ko, hindi ako makakapayag kung ganon.
Kinuha ko na ang sling bag ko at chineck kung nandun na ba lahat ng gamit ko. Nang masigurado ay nagtungo na ako sa pinto at dahan dahan 'yung binuksan, takot na ba'ka magising sina Manager at Ara, tiyak na hindi nila ako papayagan sa gagawin ko. Kailangan ko 'tong gawin para sa ikakapanatag ng kalooban ko.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at tinignan kung may tao ba,nakahinga ako ng maluwang ng mapagtantong wala. Mabilis akong kumilos at sa awa ng diyos ay nakalabas rin. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad upang maghanap ng taxi. Magko-commute lang kasi ako. Wala kasi 'yung driver namin dahil inutusan ko muna.
Mabuti naman at hindi na ako naghintay ng ilang minuto dahil may nahanap rin ako agad. Sinabi ko na sa driver ang lugar ng pupuntahan ko. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana habang tinitignan ang mg tanawin sa labas. Tirik na ang araw dahil mag-aalas otso na ng umaga. Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng bigla tumunog ang isang pamilyar na kanta na nagpatigil sa'kin sa pagmumuni.
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I loved you for a thousand moreMapait akong napangiti. Themesong yan namin nung kasal namin, na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Wala sa sariling napatingin ako sa daliri ko, ngayon ko lang naalala na wala pala sa'kin ang singsing. Kay Romeo na sakanya pa kaya?
"Shit..Na kay Iden pala 'yun, kailangan kung kunin 'yun."bulong ko sa sarili bago huminga ng malalim.
"Ano po maam?"tanong nong manong.
Mabilis akong umiling."Wala ho."peke akong tumawa bago tumingin uli sa labas. Maya maya pa ay huminto na ang sinasakyan ko kaya agad akong nagbayad at lumabas na. Napatingala ako dahil sa matayog na estraktura.
Pumunta muna ako sa gilid ng entrance para sumilong dahil grabe na talaga ang init ng panahon, para ka'ng iniiihaw. Pinaypay ko muna ang sarili ko gamit ang kamay bago nagpalinga linga.
Bzztt..Bzztt..
Napatigil ako sa pagpaypay sa sarili ng tumunog ang telepono ko. Kinuha ko 'yun mula sa sling bag ko at tinignan.
From Mang Isko:
'Maam,nandito na po ako.Nasan na po kayo?'Mabilis akong nag-reply.
To Mang Isko:
'Nasa may gilid po ako ng may entrance manong,dito sa may halamanan.'Hindi na nagreply si Manong Isko kaya alam ko nang alam na niya kung nasan ako. Maya maya pa ay..
"Maam.Sorry po, kanina pa po ba kayo dito?"yun kaagad na bungad sa akin ni Mang Isko pagkalapit niya sa'kin dala ang pinapabili ko sa kanya.
Ngumiti ako sa ilalim ng mask at umiling."Hindi po."magalang na sagot ko at kinuha ang dala niya pero iniwas niya 'yun.
"Ako na po magdadala nito sa loob maam, mabigat po kasi."pagbobuluntaryo niya.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomanceAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...