Chapter 12

582 15 0
                                    

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL."sigaw nila ng makarating kami sa baryo namin.Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti.Sa munisipyo lang ang kasal namin pero sobrang saya ko pa rin dahil ikinasal ako sa taong mahal ko.

"Maraming Salamat."masayang tugon ko.

"Masaya ka ba?"biglang tanong ni Romeo kaya tumingin ako sa kanya bago nakatinging tumango.

"Sobra."sensirong saad ko."Salamat."

Ngumiti siya bago hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Sobrang pinasaya mo rin ako,kaya maraming salamat rin."aniya kaya lumawak pa ang ngiti ko.

Sinipat ko ang singsing sa daliri ko.Ito yung binili ko para saming dalawa.Mabuti na lang at nagamit.

Mahina akong natawa ng makita sila bakla at ang kababaihan sa amin na parang bernis santo ang mga mukha.

"Anong mukha yan?"natatawang tanong ko.Inirapan ako ni bakla.

"Mga mukha ng heartbroken."nakasimangot na aniya.Kaya muli akong natawa sa'ka napa-iling.

"Ba't ka ba nagpakasal pogi?"tanong ni bakla,nag-ingay naman ang iba.

Tinignan ko si Romeo.Tumingin rin siya sa'kin at ngumiti bago bumaling sa kanila.Nabigla pa ako ng bigla niyang hapitin ang beywang ko.

"Mahal ko siya eh."ngiting tugon niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang ngiti.Ano ba yan,kilig na naman ang lola niyo.Harhar!

"Naku,wala na talaga tayong pag-asa."ungot ni bakla.Mataray niya akong tinignan."Maganda pa rin ako sa'yo."dugtong pa niya.Kaya napa-iling na lang ako.

"Tara na,mga aliados!"anito bago nagmartsa na palayo.

"Let's go,at nakahanda na ang pagkain."aya ni Romeo sa'kin kaya tumango ako.

Pagdating namin sa aming palasyo ay naroon na ang ibang kapit bahay namin.May nakahandang letchon kaya natuwa ako.

Luminga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita si Iden pero wala siya kaya bumuntong hininga na lang ako.

Nasan na kaya yun?Hindi man lang pumunta rito.

"Ba't malungkot yang mukha mo?"nag-aalalang tanong ni Romeo kaya agad akong napatingin sa kanya bago nagpilit ng tingin.

"Ah,wala."agap ko.

Nakangiting lumapit si Aling Marta sa amin.

"Congrats sa inyong dalawa."masayang anito.Kaya ngumiti ko.

"Maraming Salamat po Aling Marta."

"OH!BAGONG KASAL HALIKA KAYO RITO."sigaw ni Mang Kording kaya napatingin kami sa kanya.Tapik tapik nito ang dalawang upuan sa may gitna.

Hinapit ni Romeo ang beywang ko bago inigaya papunta sa may upuan.Tinulungan niya akong umupo kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Napansin kung may hawak si Mang Kording na dalawang puting kalapati kaya nagtaka ako.

Para san yan?

Lumapit ito sa'min.

"Itong dalawang kalapating ito ang simbolo ng walang hanggang pagmamahalan ninyo.Na kahit saan man kayo magpunta ay dala dala niyo pa rin ang pagmamahal ng isa't isa."nakangiting saad ni Mang Kording bago iniabot ang dalawang Kalapati sa amin kaya agad ko itong tinanggap.

Tig-iisa kami ni Romeo.

"Tandaan mo,kahit saan man tayo dalhin ng ating kapalaran ay ikaw pa rin ang mamahalin ko.Mahal na mahal kita,my Juliet."nakangiting sambit niya kaya napangiti ako.

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon