Namumulang tinignan ng binata ang tinahak na daan ng dalaga kanina.Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan na hindi mapangiti."Damn girl you really know how to make my heart fluttered."he muttered under his breath.
"Pwede ba'ng maki-upo rito?"naputol ang pagmumuni niya ng may nagsalita sa kanyang harapan.Tinignan niya ito.
"Hindi pwede."iritadong sagot niya.
Tumawa naman ito.
"Makiki-upo na ko ha,"natatawang saad ni Iden.Sinamaan niya ito ng tingin.
"Sinabi ng hindi ka pwede umupo diyan."asik niya dito.
"Hindi naman ako babae kaya okay lang.Hindi naman magagalit si Juliet."
Nagpapasintikuhang tumingin siya dito.
"How did you know na siya ang may gawa nito?"takang tanong kaya muli itong natawa.
"Ginagawa niya rin to noong mga bata pa kami.Ayaw n----"
Nag-init bigla ang ulo niya.
"Enough."galit na sambit niya.He glared at him."Ano ba talagang pakay mo sa kanya?"
Sinamaan rin siya ng tingin ni Iden.
"Diba,ako dapat ang magtanong niyan sa'yo?Sino ka ba talaga?At anong intensyon mo kay Juliet?"galit na tanong ni Iden say kanya kaya saglit siyang natigilan .
"Asawa niya 'ko."may diing bigkas niya.
Pagak namang tumawa si Iden.
"Asawa?Sa pagkakaalam ko ay hindi pa kayo kinasal at ang sabi sabi ay para ka lang daw'ng kabute na bi----"
Galit na tumayo siya at kwenilyuhan si Iden.
"Kung may kabute man dito,ikaw yun.Kung ako sa'yo bumalik ka na sa pinanggalingan mo.Tang'ina ka."galit na sambit niya dito.
Galit na tinulak siya ni Iden.
"Tang'ina mo ring gago ka.Sabihin mo yan sa sarili mo.Dahil hindi nga namin alam kung san kang lupalop galing."galit na bulyaw ni Iden dito.
Sinamaan muna siya ng tingin ng binata bago padabog na umalis.
NAGSIMULA na ang paligsahan kaya kabadong kabado si Julietta.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang bumuntong hininga.
"Julietta,relax lang."payo sa kanya ni Aling Marta.
Pilit siyang ngumiti at pilit na pinapakalma ang sarili.
"At ang susunod na sasalang sa entablado ay walang iba kundi si,Julietta Naph Rich."rinig niyang anunsyo ng Emcee kaya kumabog ng husto ang dibdib b niya.
"Kaya mo yan, Julietta."nakangiting sambit ni Aling Marta kaya kahit papano ay nabawasan kabang nakaramdam niya.
Humakbang siya papunta sa entablado.Narinig naman niyang naghihiyawan ang mga tao.Tumingin siya sa harap pero nadismaya siya ng makitang wala doon ang asawa.
Nakita niya si Iden na malawak ang ngiting nakatingin sa kanya kaya pilit niya din itong nginitian.
Luminga-linga siya sa paligid pero wala talaga ang asawa.
Nasan na ba yung lalaking yun?
"Hi,Ms.Julietta."bati sa kanya ng emcee.
"Hello din po."magalang na bati niya rin.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomansaAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...