Chapter 39

437 13 1
                                    


Mabilis akong napabangon ng higa dahil para na naman kasing hinalukay ang tiyan ko. Mahigpit akong napahawak sa lababo ng banyo habang walang habas akong sumusuka.

Naluluha na ako dahil parang ayaw nitong tumigil. Noong isang araw ko pa tong nararanasan, kaya nga ginapangan ako ng kaba sa isiping ba'ka may sakit ako.

"Ackkk..Ackkk.."

Nang masigurong wala na akong maiduduwal pa ay agad akong nagmumog ng tubig bago nagpunas at sa'ka nanghihinang napasandal sa pinto ng banyo.

Malalim akong humugot ng hininga bago tumingin sa repleksyon ng salamin na nasa harap. Kita ko ang pamumutla at panghihina sa mukha ko. Muli akong napabuntong hininga bago nagpasyahang lumabas.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?"halos mapalundag ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa gilid ng pader. Gulat na napatingin ako dun at nakita ko ang seryosong mukha ni manager na nakatingin sa'kin habang nakasandal sa pader at nakakrus ang dalawang braso.

Hindi ako halos makatingin nang deretso sa kanya dahil ngayon ko lang kasing makitang sobrang seryoso ng mukha niya,nakakakaba.

"Wala ka ba'ng sasabihin sa'kin?"muli niyang tanong sa seryosong boses.

Kumuno't ang noo ko,ano ba'ng sasabihin ko?

"P..po?"naguguluhang tanong ko.

Huminga ito ng malalim bago umalis sa pader at lumapit sa'kin."Do you think I didn't notice, yang pagsusuka mo tuwing umaga at ang biglaang pagkahilo mo?"

Mas kumuno't pa ang noo ko, dahil wala talaga akong ideya sa mga sinasabi niya o kung ano ang pinipoint out niya. Oo, hindi ko ikinakaila na madalas akong sumusuka tuwing umaga at madalas rin akong mahilo pero hindi ko alam kung ba't ko nararanasan ang mga yun.

"Totoo po 'yun manager, pero hindi ko po al----"

"Are you pregnant?"deretsahang tanong niya na ikinaawang ng mga labi ko.

Ano?Buntis ako?

Mas lalo pang kumabog ang puso ko dahil sa isiping iyon. Ba't ko ba hindi na isip na pwede yung maging dahilan kaya ako nagkakaganito pero kung sakaling totoo nga 'yun, ano kayang magiging reaksyon ko?O di kaya ni Romeo?

"M..manager.."kabadong sambit ko habang naluluha.

"Damn, you're pregnant for pete's sake.."problemadong saad niya na ikinahulog ng isang butil ng luha ko."Pano na 'to?Pano natin lulusutan 'to?Anong sasabihin ko kay boss,at lalong anong sasabihin ng mga tao pag na laman nilang buntis ka?"pabalik balik ng lakad si manager habang hawak hawak ang ulo dahil sa sobrang problemado.

Napahikbi ako dahil hindi ko inaasahang marinig yun sa bibig ni manager, akala ko pa naman matutuwa siya pero sino ba naman kasi ang matutuwa, tiyak na masisira ang career ko dahil lalaki at lalaki talaga 'tong tiyan ko pero hindi ko kayang talikuran ang anak ko para lang mapasaya ko ang maraming tao, kahit pangarap ko pa ang masira, wag lang ang buhay ng anak ko.

Huminga muna ako ng malalim habang marahas na pinunasan ang luha ko."M..manager.."naluluhang tawag ko sa kanya,sandali siyang tumingin sa'kin pero nag-iwas rin ng tingin."Mag..Mag..ququit na po ako.."garalgal na boses na patuloy ko. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Manager habang sinasabi ko yun, parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko 'yun.

Bukas-sara ang bibig niya pero walang isang salita ang lumalabas dito pero kala'unay nagsalita rin siya."You're kidding right?"

Huminga ako nang malalim at buong tapang tinignan siya sa mata."Hindi po. Hindi po ako nagbibiro."seryosong tugon ko.

"What?"hindi makapaniwalang sigaw niya sa'kin kaya napa-iwas ako ng tingin."Ano?Ganon ganon na lang 'yun?Basta basta mo na lang iiwan ang industriyang 'to?Hindi mo man lang ba iisipin ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa'yo?"

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon