Chapter 37

439 14 0
                                    


Nakangiting sinalubong ko ang isa sa paborito kung aso dito sa animal welfare, si Mitchie, aspin siya katulad ni Snow..Kaya nga isa ito sa paborito ko dahil naalala ko si snow sa kanya, sobrang miss ko na kasi ito.

"Aw.."tahol niya habang hinihimas ko ang ulo niya.

"Kamusta ka na mitch?Namiss mo ba ko ha?"nakangiting tanong ko.

Dinilaan naman niya ang kamay ko.

"Aw, namiss din kita.."tugon ko.

"Juliet, let's get inside.."anunsyo ni manager sa likod ko kaya sandali ko siyang nilingon bago kay Mitchie.

"Pasok muna ako ha.."paalam ko, tumahol naman ito kaya nakangiting hinimas ko uli ang ulo niya bago tumayo at sumama na kay manager lyn.

Sa loob ng hall ay nandoon ang mga iba't ibang klase ng mga hayop, like aso, pusa, ibon, at iba pa, puro nakasilid sa may hawla.Mga hayop na walang nag-aalaga kaya dito sila napupunta.

Mahilig talaga ako sa mga hayop dahil sila kasi ang nagpapawala ng stress ko.

Nag-aalala nga ako sa ibang hayop dito kasi ang iba ay  komplikasyon sa iba't ibang bahagi ng katawan, isa din ito sa dahilan kung bakit ako nagdonate dito, upang matingnan rin sila sa doctor ng mga hayop at maipagamot.

Agad akong sinalubong ng organizer ng event na ito.

"Good Morning, Ms.Naph..Maraming salamat at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon.."nakangiting bungad niya sabay lahad ng kamay.

Kinuha ko naman yun at nakipagkamay."Hindi ko naman palalagpasin ang ganitong mga event Ms.Reyes, you know I'm really fond of animals especially dogs.."I replied with a wide smile.

She nodded."Haha, we all know that, and that's why I admired you Ms.Naph.."aniya.

Ngumiti lang ako.

"Let me guide you to your sit Ms.Naph.."bulontaryo niya kaya tumango na lamang ako.Ngunit bago yun ay inilibot ko muna ang paningin ko,upang hanapin si manager.At hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya sa may kabilang table, may kausap na dalawang matandang babae.

Uminom muna ako ng tubig dahil bigla akong nauhaw. Nagsimula na ang event, ang purpose kasi nito ay tulungan ang mga hayop na narito. Pwede kang magdonate, o di kaya mag-alaga ng isa sa mga ito. Maraming na ring tao rito, kadalasan mga mayayamang businessman, artista at iba pa.

Maya maya pa ay lumapit na rin si Manager at umupo sa tabi ko dahil ilang minuto na lang at magsisimula na ang event.

Bahagyang inilapit ni manager ang mukha niya sa'kin at bumulong."May lakad ka mamaya?"tanong niya.

Tumango."Birthday kasi ni Iden ngayon.."tugon ko.

Napatango tango naman siya. Sinilip ko ang cellphone ko sa table. May text yun, at galing yun kay Ara.

Matagal tagal na rin mula ng kami'y magkita.

From Ara:
'Hi,Ms.Naph..I'm a fan po,pwede po ba'ng pa-autograph sa'ka papicture na rin mamaya'

Mahina akong natawa sa'ka napa-iling iling.

Loko ka Ara!

To Ara:
'Sure.As long as your harmless.'biro ko.

From Ara:
'But I'm harmful po..Roar..'

Napakagat ako ng labi upang pigilan ang pagtawa dahil sa reply niya.Parang tanga lang.

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon