Kabanata 14

7.9K 487 111
                                    

Kabanata 14:
Scroll

"Let's go. Hindi pa siya nakakalayo ri---"

"Khaleerine!" pinutol ni Zarco ang akma kong sasabihin. Hinuli niya ang braso ko para pigilan ako sa pagbaba sa puno.

Hindi ako mapakali. Sobra akong tensiyonado at natatakot para kay Anais. I am blaming myself! Kung umabot lang sana akong hawakan siya!

"Hindi pa tayo puwedeng magpadalos dalos sa paggalaw. Do you know what just happened huh? Muntik ka nang mamatay kanina! You are almost eaten by those dogs!"

"Anong gusto mo kung ganoon? Manatili lang tayo rito huh? Huwag nang isipin pa si Anais na nahulog lang naman sa bangin! If we will spent longer to stay here what would happened to her?" I said in panic. 

"Nag-aalala rin ako kay Anais. But how can we save her if we'll all die by doing a reckless decision! Kung mamatay tayo walang magliligtas sa kanya. Hindi natin alam kung may ilan pang mga asong ganoon sa paligid!" aniya at pumikit ng mariin. Nagsilaparan ang ilang uwak na nasa paligid sa pagdagundong ng boses niya.

Bigla akong hindi nakapagsalita dahil roon.

"Fuck!" he cursed.

"I'm sorry for yelling. I was fucking scared to see you almost devoured by those dogs. Idagdag pa iyong nangyari kay Anais. I'm fucking frustrated now! I'm the leader of this team! Tapos pumalpak pa rin ako!" aniya at suminghap kaming apat.

"Zarco hindi ka pumalpak! Kasalanan ko kung bakit nahulog si Anais. If I just reach for her hand immediately, masasagip ko pa sana siya." sisi ko sa sarili ko. Si Lovelace naman ang hindi sumang-ayon sa akin.

"That's not true. Walang may kasalanan ng nangyari!" aniya.

"Pinangako ko sa sarili ko na wala ng mahihiwalay sa atin ngayon. Tapos ito pa rin iyong nangyari. May nawala pa rin. I feel like I'm a fucking useless leader!" Zarco said.

"Itigil niyo 'yan. Kung patuloy kayong magsisihan dalawa walang mangyayari! Hindi niyan masasagip si Anais. Instead of blaming yourself why don't you think of a plan how to save her! Nagsasayang lang kayo ng oras." ani Klein na pinaka seryoso sa aming lahat ngayon. Natigilan kami.

Nag-angat kami ng tingin sa kanya.

"Klein is right. It's no one's fault. Hindi mo kasalanan Zarco dahil alam naming lahat na sobrang galing at responsable mong leader sa aming lahat. Kung wala ka rito, who knows if we're still breathing now? Ikaw Khaleerine. You're the most skilled  and also intelligent member here. Kung s-siguro pinahuli mo ako kaninang umakyat, b-baka pinagkakaisahan na ng mga aso na iyon ang k-katawan ko." Lovelace said. Her voice shake on the last sentence.

Nakatuko ang ulo ko at napaangat ng tingin sa kanya. His eyes are glistening now in threatening tears.

"Kaya walang dapat sisihin sa nangyari. Because I know Anais is not blaming you either for what happened!" Lovelace said and I caressed her back and engulfed her in a hug to calm her down.

Lahat kami ay natahimik at huminga lang ng malalim si Klein.

Nalinawagan ako sa sinabi ni Lovelace. I am blaming myself for what happened, but I set aside that thought. Ang kailangan namin ngayon ay hanapin si Anais. But we don't know how to start now in this darkness.

"Let's go. I think the dogs are far from us now. Hindi na nila tayo hahabulin." ani Klein at tumango kaming lahat sa kanya. Inayos namin ang sarili at dahan dahan muling bumaba doon sa puno.

Naging alerto muli kami. Nakakapanibago na maglakad nang wala si Anais sa gitna. Kada mapapalingon ako sa puwesto niya bumibigat ang dibdib ko. Tumatagos iyong parang may kulang sa amin na pakiramdam sa puso ko.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon