Kabanata 26

6.8K 325 55
                                    

Kabanata 26:
Kabalyero

"Do you think what we brought is enough for a week?" Lovelace ask in a worried tone. Maging ako ay nag-aalala rin para roon. Pinuno ko ang bag ng mga pagkain at iba pang kailangan sa likod ko.

Bahagya akong napangiwi ng maramdaman ang bigat noon sa likod.

"Hindi tayo puwedeng magdala ng masyadong maraming pagkain dahil mapapabagal 'non tayo. Kapag may nakaharap tayong kalaban, sagabal iyon sa pagtakbo. Baka mas pillin ma lang natin na bitawan ang bag." si Zarco na inaayos rin ang bag niya.

Huminga ako ng malalim. Ito ang bagay na hindi namin alam kung paano solusyonan. The Death Week is not a joke. We will stay inside the forest for seven days so we really need a food more than enough. The game is  the survival of the strongest.

Alas singko na pasado. Ilang minuto na lang at nagsisimula na ang Death Week. The sun is starting to sank at the horizon. The effect of it is adding chills and thrill to the upcoming hell.

Damn it.

Sumulyap ako sa bintana at may ilan nang grupo roon na nasa baba. Handa na. Lahat sila ay iyong mga bagong salta lamang rito sa paaraalan. They look confuse. Para bang nalilito sa kung ano ang mangyayari. Naawa ako sa kanila kaso hindi ko alam kung paano ko sila masasabihan at mababantaan sa dapat mangyari.

We still need comrades but how we will convince this new people? Kung lahat sila takot magtiwala.

"Kami na lang ni Klein ang magdadala ng mga bag niyo." si Zarco na sinara ang sariling bag nang matapos sa pag-aasikaso roon. Napalingon ako sa kanya.

"Hindi puwede." kumunot ang noo niya sa sinabi ko. He get the bag from my back. Walang kahirap hirap niya iyong itinaas. Para bang unan lang ang binubuhat. Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Mabigat na iyong mga sandata niyong dalawa. Dadagdagan pa ng bigat ng bag namin. What if we encounter an enemy? Babagal ang kilos niyo at magiging hadlang pa kung dalawang bag ang buhat niyo." paliwanag ko sa kanya. Binalik rin sa kanya ang sinabi kanina.

"Hindi sa ayaw kong magbuhat. But Khaleerine has a point." Klein said.

"Lalo ka na Zarco. You're carrying an axe that weight like a rock." sabi ko at tumawa lang siya roon.

"Hindi ko kayo hahayaan na magbuhat ni Lovelace ng ganito kabigat." aniya. Inagaw rin ni Klein kay Lovelace ang dala dala.

"Baka magselos si Fury nito. Kaya ko naman Klein." si Lovelace nang tignan ni Klein ang laman ng bag niya.

"Tss. She won't." ismid ni Klein sa pang-aasar ni Lovelace. Tumawa si Lovelace.

"Halos hiwain nga ako ng buhay non sa talim ng tingin sa akin noong last celebration natin." si Lovelace. Kumunot ang noo ni Klein.

"What?"

"Nevermind. Magaling at mabilis ka namang manuyo di ba?" makahulugang sinabi ni Lovelace. She even wiggled her eyebrow like she's implying something to Klein. Uminit ang pisngi ko ng makuha ang sinabi niya.

Habang si Zarco ay napailing lang. Klein just smirk meaningfully to us.

Tumili si Lovelace at pinalo siya sa braso. Tumawa si Klein roon.

"Naku Klein huh! Sinabihan ako noong kabila na inaagaw mo raw ang leader nila sa kanila."

"Bakit ako ang sinasabihan nila? Si Fury nga itong kusang sumasama sa akin."  aniya at lahat kami ay sinamaan siya ng tingin.

Pinagpapalo namin siyang tatlo habang si Lovelace ay halos sakalin at sabunutan siya. Tumawa kaming tatlo nang mapadaing na si Klein.

"You flirt!" si Lovelace na hindi pa nakontento at hinila ang tenga niya.

"Psh." Klein groaned. Napangisi ako at napailing na lang roon.

Natigil lang kaming apat sa kulitan ng marinig na namin ang tunog ng kampana. Hudyat na kailangan na naming lumabas sa kwarto.

"They are calling us now." si Lovelace.

"Ganito, babawasan na lang namin iyong laman ng bag at ilalagay sa inyong dalawa ni Klein para parehas na hindi gaanong mabigat at hindi tayo babagal lahat." suhestisyon ko at tumango sila bilang pag-sangayon sa sinabi ko.

Finally we solved the problem.

Binilisan na namin ang kilos lahat. I can't really carry heavy things on my back since my weapon is place on it. Dala ko rin iyong sandata ni Anais na nasa likod ko rin nakalagay. And also the arrow containers.

The cold breeze of wind seep across my body when I am walking outside. Iyon ang nagpagising sa natutulog kong balahibo. Nagsisimula nang balutin ng gabi ang buong paligid kaya ganoon na lang kalamig ang hangin na kinikilabutan ako.

Kumpleto na ang lahat na nakatayo sa malawak na kalupaan. Lahat sila ay nakatingala sa isang gusali na may malawak na veranda kung saan karaniwang nakatayo ang lahat ng myembro ng kataas-taasang tanginang konseho. They are always there standing to witness us enter the forest.

Ako lang yata ang hindi nakabaling roon. I am looking at the sun that is slowly hiding at the horizon. Pinagmamasdan ko ang natitirang liwanag mula sa malayo.

"Anong nararamdaman niyong lahat ngayon?" rinig kong may nagtanong noon.

Ano nga ba ang nararamdaman ko. I can't feel fear. Siguro sa ilang beses ko nang pabalik balik sa gubat na iyon ay kusa na lang nawala ang takot. Nasanay na ako sa nakakakilabot noong presensiya na hindi na ako tensiyonado kapag nasa loob.

Walang takot pero halo-halo ang emosyon ko ngayon. We're all uncertain what will happened in the Death Week. Sa tingin ko nga ay itong pagkain na dala namin ay hindi pa rin sapat.

Walang kasiguraduhan sa lahat. I can't guest what will happened even we already formulated a plan.

"There are forty teams in total but only half of the teams will survive." I heard gasped from different direction and I gritted my teeth on hearing that from the speaker. 

"There are twenty scrolls that scattered in the forest. So it means that twenty teams can only escape the Death Week. Hindi ibigsabihin na nakuha niyo na ang scroll sa unang araw pa lang ay magtutungo na kayo sa tore. No, the gate in the tower is still close and will just be opened at 12 in the morning the last day of the week, which is Sunday."

"Gusto talaga nilang magtagal tayo roon ng isang Linggo!" inis na sabi ni Lovelace at kita ko rin ang pagkuyom ng kamao ng ilan roon.

I look at the team of Gemini and Pisces who also look fierce now. Sumulyap rin sila sa amin at nag-usap kami gamit ang mga mata.

Hindi puwede na hindi sila kasama sa binuo naming plano.

"So even you find a scroll, your life is still not promise and assured. You need to take care of it because some team can still steal it from you. You need to survive, hide and be careful for the whole week. Because if you don't.... you will die." ani ng lalaki at may impit nang umiyak roon.

"We will survive this. Hindi lang tayong apat kundi lahat tayo." si Zarco at bumalik na ang tingin ko sa kanilang lahat.

"Saluer!" sigaw nilang lahat at nagbukas na ang malaking harang para sa gubat. Hindi ko na napakinggan ang sinabi ng ilan dahil sa paglutang ng isip ko.

I glance at the veranda and I was surprised to see Zuriel and Verchiel that is both holding the railings and looking at me with their dark expression. Nagtiim bagang si Zuriel.

"Saluer Libra!" sigaw ni Zarco.

"Saluer!" sigaw naming apat bago kami tumakbo patungo sa gubat. I turned my back at the two but I raised my hand that is holding an arrow.

I will end this hell. I swear. I will end this!

Halos makabangga ko pa ang ibang tao sa pagtakbo papalapit sa entrada. I said I am already used to the forest chilling presence but I don't know why it feels that there's something wrong inside the forest.

"Ako lang ba ang nakakaramdam?" tanong ko sa kanilang tatlo. Parang may mali talaga sa loob ng gubat. Hindi ito iyong katulad ng dati. Nakakapanindig balahibo na iyong presensiya ng paligid at iyong lamig ng hangin pero ngayon parang mas lumala pa iyon.

Hindi naging maganda ang kutob ko.

"Iba ang direksiyon ng ihip ng hangin. Hindi ko mapaliwanag pero parang may mali." si Lovelace.

"Hindi ko rin magawang masabi pero pagpasok ko rito parang may nag-iba." si Zarco.

"Isa lang ang ibigsabihin noon, may hindi magandang mangyayari." may kutob na rin ako na ganiyan.

Our mood and expression changed on that.

"Kagaya ng nasa plano, we need to be alerted around us. Doble ang pag-iingat lalo na at marami na tayong kalaban."

"They are not enemies." I said to Zarco.

"Yeah, they are not. Not until they tried to kill us, then we don't have a choice but to defend ourself." si Klein naman.

"Mahirap magkumbinsi na maghanap ng mga kakampi sa ganitong sitwasyon." si Lovelace.

"But we will still try." saad ko at tumango sila sa akin.

"Magpatuloy lang tayo sa paglalakad patungong hilaga. Kailangan nating lumayo sa mga iba pa, bago lumalim ang gabi at dumilim na ang paligid." si Zarco at sumunod kami sa kanya.

Halos hindi na namin makita ang tatapakan dahil kaunti na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw, idagdag pa ang mga anino ng nagtatangkarang puno sa paligid. Mayabong ang mga dahon na tinatakpan noon lalo ang kakatiting na lamang na liwanag. The sound of the crickets is giving me goosebumps.

Aksidente akong nakatapak sa mga maliit na sanga ng puno, nagsibalian iyon at gumawa ng ingay. Lumingon sa akin ang tatlo.

"Sorry, hindi ko napansin." sabi ko at agad na luminga sa paligid. The sound of it feels dejavu. Naalala ko lang iyong araw na nagtangka akong patayin ang sarili at dito ako nauwi sa plano ko na iyon.

"Aaaah!!" agad kaming napatuwid ng diretso nang marinig ang marahas na sigaw mula sa babae. Dumagundong iyon sa buong gubat. I even flinched a bit on that.

"Galing roon ang sigaw." mahinang saad ni Zarco at tumingin sa kanang bahagi namin. Agad kaming naging alerto at hinawakan ang mga sandata. Malakas ang sigaw kaya ibig sabihin ay malapit lang sa amin iyon. I immediately pulled an arrow and put it on my bow.

"Huwag!" panibagong sigaw muli at bumilis ang tibok ng puso ko. Rumiin ang hawak sa pana.

"Ilang minuto pa lang tayong nakakapasok at may nagaganap na agad na patayan." ani Zarco at suminghal. Nagtago kami sa isang malaking katawan ng puno.

My forehead creased when I heard a gallops and whipping of horse footsteps. Bumilis ang takbo ng kabayo at rinig ko rin ang nagkukumahog na hakbang ng pagtakbo.

"Pakiusap! Nagmamakaawa ako---" my chest heaved and I flinched a bit when I heard the sound of releasing a sword. Narinig ko ang marahas na pagwagayway noon, then the scream was nowhere to be heard suddenly. Nasapo ni Lovelace ang bibig nang may marinig kaming pagbagsak ng kung ano sa lupa.

I bit my lower lip hard too to suppress my scream when I had a glimpsed of a horse just ten meters away from us and I saw a beheaded body in the side of the tree. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Habang kumuyom ang kamay nila Zarco at Klein sa hawak nilang sandata.

It's indeed dejavu. Napasapo na ako sa bibig para lang pigilan ng sobra ang sarili sa pagsigaw. Pumikit ako ng mariin.

Tama ang napansin namin na may mali nga sa paligid at ito iyon!

May isang tao na nakasakay sa kabayo. Hindi ko masabi kung babae ba o lalaki dahil nakasuot ng sobrang habang balabal na tinakpan na ang buong katawan. The person is also wearing a mask to hide his or her face. He's holding a long sword and the end of it sparkled, showing how steely the end of it.

It has blood. Kung titignan ang katawan na nasa gilid nito, alam ko na kung ano ang ginawa niya doon sa babaeng sumisigaw kanina.

It was dead now. My breathing turned rapid. I remember the girl who tried to warned me to run from the forest, and she was beheaded right before my eyes. I clamp a hand over my mouth again.

Tangina. Ito na naman ba iyong dinagdag nilang problema para sa amin ngayong Death Week?!

"What the fuck is that?" si Klein sa mariin at mababang boses. Palinga linga iyong tao na sakay ng kabayo sa paligid kaya ganoon na lang ang todo naming pagtago sa puno.

"T-That's the serial killer knight!" sagot ni Lovelace. Nanginginig ang tinig. I think she is affected to on what we just seen! Kahit naman ako.

"Serial killer Knight?" taka pa ring tanong ni Klein.

"Iyong kabalyero sa gubat. He's the one who's deciding about killing or abducting a person to be brought here. Siya rin iyong kumuha sa akin kaya ako narito ngayon." si Zarco.

"He's the one too who abducted me." I said.

"So why is that here?! Hindi ba at nasa gitna ng gubat iyan?"

"Kailangan pa bang sagutin iyan Klein? It's pretty obvious that it is here because they added a fucking twist." si Lovelace sa frustrated na tono.

Nang mapansin ng tao na iyon na walang tao sa paligid ay hinila niya ang lubid para paluin ang kabayo at patakbuhin iyon papalayo.

We both sigh in relief when it was gone.

"Tangina. Isang linggo iyang aaligid rito?" si Klein ng makaalis na iyon. I limped my body on the tree.  Ako rin ngayon, naguguluhan at halos manlumo sa natuklasan.

"Baka nga hindi lang iisa ang bilang ng katulad niya na narito." sagot ko. Napatingin sa akin ang tatlo.

They both cursed.

"We are all skilled now but that person, he's power shouldn't be underestimated. Mahirap kalabanin ang isang iyon."

"Nakakalimutan mo yata Klein na apat na tayong narito. Hindi lang rin apat, dahil may sampung tao pa tayong kakampi." saad ko sa kanya.

"Right." aniya.

Pagkatapos ay natahimik kaming apat at mabigat na paghinga lamang ang naririnig. Pare-parehas na may malalalim na iniisip.

Nang masigurado na wala na iyong tao na iyon ay mabilis kaming kumilos muli para magpatuloy. We are relieved that we didn't encounter that knight again. I can't just forget the woman, her death was horrible. She deserve a proper burial at least but even it, is not given to her.

Nagkita kami ng Pisces at Gemini sa gitnang bahagi na ng gubat. Napagusapan na namin na rito laging magkikita. Kung saan malapit sa ilog. It was already nine in the evening. Wala naman kaming nakalaban pero napagod kami sa kakalakad.

Si Fury ay inilingan pa ng mga kasama, dahil saktong pagkarating rito ay agad na nagtungo kay Klein.

Klein even flinched when Fury suddenly engulfed him in a tight hug.

"Naagaw na nga talaga sa atin ang leader." si Lucho at naghalakhakan ang iba roon. Sinuway lang sila ni Fury.

They sat on the rock too to rest and drink.

"Kamusta? May nakalaban kayo?" si Manuel nang sabay sabay kaming makaupo sa naglalakihang bato. Ngayon lang kami nakapahinga.

I closed my eyes when I sat and leaned on the rock.

We can't make a bun fire since it can be notice by the enemy. Kaya nakontento na lang kami sa liwanang na binibigay ng buwan.

"Wala naman. But we encounter someone that is terrifying." sagot ni Zarco. Kumakain na kami ngayon para mabawi ang lakas. Sumeryoso ako. Tahimik lamang ako dahil hanggang ngayon may iniisip pa rin.

Kumunot ang noo nila.

"Someone?"

"Do you know the person who's riding a horse in the forest? Iyong pag nakalagpas na sa red string." Zarco described it.

"The Knight." si Manuel.

"Kilala namin iyon dahil pinatay ng tao na iyon ang mga kapatid ko." si Stelyn na biglang dumilim ang ekspresyon. I suddenly stop munching my food on what I heard from her.

"Iyon ang nakita niyo?" nanlalaki ang matang sinabi ni Glydel.

"Yeah. He's here. I mean, narito sila sa gubat." sagot ni Zarco. They all look taken aback on it and gasped.

"Iyon iyong pumapatay ng tao sa gubat!" pahisteryang sabi ni Maricon. Some gasped in disbelief.

"Anong ibig mong sabihin na narito siya?"

"I mean we will fight against them." umawang ang labi nilang lahat sa gulat. I couldn't blame their reaction since I am like that a whila ago too.

"Damn it!" si Bernard.

"I face it before. That knight is skilled and fast. Mahirap kaharapin." si Manuel na hindi pa rin makapaniwala.

"Iyon rin ang prinoproblema namin." si Zarco naman.

Natahimik kami saglit roon. Sa tingin ko lahat kami ay nag-iisip ng posibilidad kung ano ang mangyayari sa amin sa mga susunod na araw ngayong may panganib sa buhay namin.

Pinalipas namin ang gabi sa pagpaplano nang mga hakbang namin sa susunod na araw. As usual, Zarco already formulate a plan and he's now saying it to the other team dahil ito lang ang pagkakataon na magawa namin iyon.

It was past eleven when we decided to sleep and rest, so we can prepare again for the another day.

Syempre hindi puwedeng sabay sabay kaming matulog lahat. May maiiwan na dalawa sa bawat grupo para magbantay. Si Klein at Zarco na ang nagpresinta. Habang sa kabila ay si Fury at Lucho, sa Gemini naman ay si Glydel at Bernard.

We will just sleep until three in the morning,  tapos pagkakataon namang matulog ng mga nagbantay mula alas tres hanggang alas sais. Para patas kaming makakuha ng tulog kahit paaano. Even if it's only three hours.

Sa gilid ng mga naglalakihang bato ay may yungib sa likod noon. Tagong bahagi kaya doon namin napiling magpalipas ng gabi. Tago kaya puwede na kaming mag-apoy dahil hindi naman makikita sa labas.

Nilagay ko ang bag sa ulanan para gawing unan iyon. But I sigh when it feels hard and uncomfortable on the back of my head.

Pero aarte pa ba ako? Ito lang ang tanging meron ako.

I closed my eyes when I suddenly feel a hand in my head. Dahan dahang umangat ang ulo ko at lumapat iyon sa malambot na bagay. I open my eyes and to my suprise I was welcomed by Zarco's eyes who's looking at me already.

Napasinghap ako ng mapagtanto na nakaunan ako sa kandungan niya kaya siya nakayuko sa akin.

"Z-Zarco." gulat kong sinabi at namilog ang mga mata.

"It's fine. Just sleep Khaleerine." aniya. Nag-init ang pisngi ko. Komportable na ngayon ang pakiramdam ko pero hindi naman puwedeng manatili ako roon.

"Magbabantay ka pa hindi ba?"

"Klein, Fury, Bernard and Lucho will watch outside. While Glydel and I will stay here inside to watch you. Para magising namin agad kayo kung may kalaban man." ani Zarco at natigilan naman ako roon.

"Matulog ka na. Don't think of something. Magiging ligtas kayo dahil magbabantay kami ng mabuti." aniya at nakita ko na rin si Lovelace na nasa tabi ko.

"We should sleep now Khaleerine. Masasayang ang oras ng pagtulog" aniya at niyakap pa ako. Sumulyap muna ako kay Zarco bago dahan dahang tumango.

"Alright." I said and closed my eyes.

Naging malalim agad ang pagtulog ko. Inaasahan ko na na mabibitin ako sa pagtulog dahil tatlong oras lang naman iyon. Kaya noong magising ay humihikab pa at namumungay ang mga mata. Mainit pa iyon at halos hindi mabukas ng maayos. Pakurap-kurap dahil sa antok.

"Matulog ka na lang kaya ulit Khaleerine. Naantok ka pa." si Zarco sa akin. I shook my head on him.

"This is nothing. Mawawala rin ito mamaya. Ikaw nga ay namumula na ang mata dahil naantok na. It's your time to sleep now." sabi ko. Huminga siya ng malalim bago tumango. Pinatulog na rin namin si Klein.

Mas marami na kami ngayong nagbabantay.

"Ayos lang naman kung matulog pa kayo, sapat na ang bilang ng magbabantay." si Manuel sa amin na kagigising lang.

Zarco make a coffee a while ago. Kaya may naiinom kami ngayon. I waved my hand dismissively on him.

"It's fine. Dito ka na lang sa loob Lovelace, sa labas ako."

"Ha?" ani Lovelace na halatang naantok rin. Humihikab pa.

"Kami na roon Khaleerine." si Stelyn naman na inunat ang mga braso.

"Hindi sasama ako sa inyo."

Mabilis akong makapansin ng mali sa paligid kaya dapat ay sa labas talaga ako pumwesto, para mabalaan ko agad sila.

Hindi na sila nakaangal dahil mapilit rin naman ako.

"Okay." si Lovelace.

Naglakad na kami palabas nila Stelyn. Niyakap ko pa ang sarili ng salubungin ako ng malamig na hangin. Nanginig ng bahagya ang mga kalamnan ko.

Si Manuel, Stelyn, Jayvie, Allen at ako ang nasa labas. Habang si Lovelace, Quinberly at Maricon ang nasa loob.

Pumwesto ako doon sa sampung metro ang layo sa yungib. Pinigilan pa ako ni Manuel dahil masyado na daw malayo iyon pero sinigurado ko na ayos lang ako.

I am also expecting to talk to someone here. Baka kasi maantok lang ako kung titingin sa kalayuan. Tama ang inaasahan ko ng makita si Popoy este Verchiel na nasa gilid ko na. Hindi na ako nagulat.

He quickly smirk at me. Nakahilig ako sa puno. Habang siya ay nasa likod na naman ng bato kaya hindi siya makikita nang mga kasama ko na nagbabantay hindi kalayuan.

"Verchiel huh." I called him by his real name now. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Himala na hindi siya galing sa tubig. He's wearing a white shirt and faded pants. Sa tingin ko ay kanina pa siya naririto.

Ito ang unang beses na makita ko siyang hindi topless sa pagsalubong sa akin.

"Gwapo ng pangalan ko no?" umikot lang ang mga mata ko sa kanya. He chuckled.

"Hindi mo masabi." giit niya pa.

"I don't even care about your name."

"Aww." he pouted. Tamad lang ako na bumaling sa kanya.

"But the truth is you're curious! Kaya nga parang nakahinga ka ng maluwag ng malaman mo ang pangalan ko. Damn Ambriel, she revealed it!" My brows furrowed more.

"What the heck?" I hissed and he chuckled lowly.

"Hindi nga kita pinilit na sabihin iyon sa akin." pagtigil ko sa panunuya niya.

"Kasi hindi ko naman talaga saaabihin sayo. Ambriel just meddle. Damn her." I shrugged on that.

"Madaling araw na at anong ginagawa mo rito?"

"I already told you I am watching everything. Kaya lagi akong gising." kumunot ang noo ko roon.

"Hindi ka rin pala shokoy at kwago rin." humalakhak muli siya sa sinabi ko. I just look at the river. Nawala na ang antok ko dahil sa pag-uusap naming dalawa ngayon. Nakakaaliw rin pala ang isang 'to.

He can be a clown.

"How are you? How's the first day?" tanong niya. I throw a small stone in the water and it made a low sound.

"What do you think? You know that you put the knight here to kill us. Sa tingin mo paano magiging ayos ang unang araw namin." I said in my serious voice. He become serious too.

"Hindi naman ako ang nagdedesisyon tungkol roon Khaleerine. Labas ako ron."

"Talaga?" sarkastiko kong tanong sa kanya. His expression become serious.

"I am saying the truth. I am not deciding about that. Noong araw na pinigilan ko si Ambriel, doon lang rin ako nakabalik sa kanila. I am always here inside the forest."

"Kung ganoon sino ang nagdedesisyon? Si Zuriel?" agad akong lumunok ng dumalas ang pangalan na iyon sa labi ko.

"Hindi rin siya. It was Ambriel." nag-ngitngit ang ngipin ko sa naging sagot niya na iyon.

"Kung ganoon bakit hindi niyo siya magawang pigilan?"

"Magdududa sila kung gagawin namin. They will doubt us and that's when they will start to investigate." umawang ang labi ko sa sinabi niya. I gritted my teeth.

"May malalaman ba sila kung nagimbestiga sa inyong dalawa?"

"Ilang beses ka na bang nakapunta sa kwarto ni Zuriel?" I gasped harshly and my eyes widen on what he said. Pinikit niya lang ang mga mata at hindi ko mabasa ang ekspresyon niya ngayon.

Paano niya nalaman iyon?!

"Huwag kang mag-aalala. Ako lang ang nakakita. I was planning to give you a gift last Christmas kaya lumabas ako rito sa gubat.... kaso naunahan na pala ako." he open his eyes. He smiled at me weakly. I was stunned on what he said.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. I was surprised to see a jar.

"You will use that in the right time. I didn't intend to eavesdrop on your conversation." aniya at nilagay sa kamay ko ang isang garapon. Napatulala ako roon.

"Khaleerine I am a comrade." mas lalo niya pa akong pinagulat sa sunod niyang sinabi.

"A-Ano?" hindi ko maintindihan. Ngumiti lang siya sa akin. He shoved his two hands inside his pocket.

"Their weakness is manipulation." biglang kumunot ang noo ko.

"What?"

"Kung marami kayong kakaharap sa kanya, madali niyo mamanipula at matutumba ang kabalyero. Be safe Khaleerine." aniya bago ako iwan mag-isa roon at napatulala ako sa kadiliman.

"Ang nasa plano namin ay iwasan lang siya hangga't sa maari. If the circumstances will changed then we don't have a choice but to take the risk." ani Manuel.

"You don't need to wait for the circumstances to changed to take a risk, you will really need to deal with him." ani Zarco

"What do you mean?" si Fury. Pinaguusapan namin kung paano patumbahin ang mga kabalyero.

"Because the scroll is inside his cloak. So you don't have a choice but to end him and get the scroll to surive." nalaglag ang panga ko sa narinig mula kay Glydel.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon