Kabanata 6:
MahinaHumalukipkip ako pagkatapos tumalikod ni Zuriel sa akin. Masama ang tingin ko at matalim habang sinusundan siya ng tingin. I have a clear view of his broad shoulder here in my angle. Ambriel fix her stance and throw me a glare. Umismid siya sa akin. Bumalik si Zuriel sa tinuturuan niya.
I can't really get the logic of what they're doing. Parang pinaglalaruan lang rin nila ang sarili nila sa pagtuturo sa amin. They do really want satisfaction and pleasure to kill the students? Iyon ba ang hangad nila kaya nila ito ginagawa? Hindi ko pa rin maintindihan.
I look at the sky. Malapit nang dumating ang tanghali kaya sobrang liwanag na ng langit. Nakita ko pa ang isang puting agila na paikot ikot sa kalangitan. Bigla akong naiinggit sa kanya.
Kaya niyang lumipad nang ganoong kataas. Malaya na lumibot libot sa paligid. Natatanaw niya pa ang lahat ng tanawin rito sa baba. I envy the eagle for being free unlike us who are chained and lock here. Kung may pakpak lang rin ako kagaya niya, baka matagal na akong tumakas rito.
I stared on it flying with his big feathers in the ocean. I can feel the bliss on what he's doing by the movements of his feathers. Kaso nawala ang magandang tanawin na iyon at napasinghap ako ng may palaso na lumipad patungo sa direksiyon niya.
Natamaan siya sa pakpak at mabilis siyang bumulusok pabagsak. Tulala ako ng makita na lang ang agilang masayang lumilipad kanina na sobrang hina na ng lumagapak sa lupa. Bahagya pa iyong gumalaw pero tuluyang nahinto ng may isa pang panibagong palaso na tumama rito.
Kahit rin pala ang agilang malaya, ay pinagkakaitan ring mamuhay ng mapayapa.
I balled my knuckles into fist in rage. I turned who did it, and I saw Ambriel holding a bow and an arrow.
"Oh? Nakatingin ka kasi sa kanya. Ayoko nang may ibang binabalingan ka Khaleerine kaya dapat inaalis ang dahilang ng distraksiyon mo." I gritted my teeth hard that I feel like they will fall from my gums.
Mabubungi yata ako ng wala sa oras pero parang mas may gusto akong unahing bungiin.
"Damn you." akma akong susugod sa kanya ng mabilis na hawakan ng apat ang balikat ko at pigilan ako.
Humalakhak si Ambriel. Mas lalong nagtangis ang bagang ko ng makita na pana niya ang hawak ko.
"K-Khaleerine ang sabi niya hihiramin niya lang daw saglit. H-Hindi ko naman alam na gagamitin. niya pala para ipapatay doon sa agila." si Anais na pinaghawak ko ng palaso kanina.
"Bitawan niyo ako!" reklamo ko sa kanila.
"Khaleerine huminahon ka! You can't kill her!" si Zarco.
"I will get my arrow and bow back!" I retorted. Pero hindi pa rin nila ako pinakawalan. Huminga ng malalim si Zarco at senenyasan si Klein.
"Give it back to her." siya ang lumapit kay Ambriel para hingin iyon pabalik. Nagpumiglas ako sa hawak ng tatlo.
"Gusto kong siya ang kumuha." si Ambriel at ngumisi sa akin. There's a taunting smirk on her lips and I scoffed more.
Nagsalubong ang kilay ni Zarco.
"Ibigay mo na!" si Zarco na nagpumilit pero tinago lang ni Ambriel ang pana sa likod.
"I want Khaleerine to get her weapon back."
"Kung ganoon pagbibigyan kita." pagalit kong sinabi. Napasinghap ang tatlo ng makawala ako. I bump Klein's shoulder who's about to block me on my way. He whimpered in pain in our sudden bump.
"Damn!"
"Khaleerine she's pissing you off on purpose!" sigaw ni Zarco sa akin ng makalapit na ako kay Ambriel.
BINABASA MO ANG
Raven University
Mystery / ThrillerWelcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. This secret and hidden school is built where abducted persons train for combats and play a human dark g...