Kabanata 7

11K 504 21
                                    

Kabanata 7:
Love Bird

"Tss. Damn him. Ako pa ang hinamon." inis kong sinabi at humalukipkip. Sinipa ang mga bato na nakaharang sa daraanan ko sa sobrang iritasyon. I closed my eyes hard when I remember what happened. Sumigaw ako. Parang gusto kong bunutin lahat ng damo na nasa paligid para lang ilabas lahat ng inis.

Tinanggal ko sa pagkakahalukipkip ang mga kamay at ginulo ang buhok. Tumigil sa pagsipa sa paghinto sa paglalakad. I groaned when what happened cross my mind once again.

Pagkatapos niyang mapalunok sa sinabi ko ay matalim siyang tumingin sa akin. Hindi ako natinag roon at pinantayan lang ang tingin niya.

"You're saying that to me without noticing that you wear the shirt wrong. Baliktad ang damit Khaleerine. Naliligaw ka ba?" may pang-uuyam sa tinig niya at napasinghap ako roon. Mabilis ko siyang natulak at tinignan ang damit.

Nag-init ang pisngi ko ng makita ngang tama ang sinabi niya. Baliktad ang pagkakasuot ko ng damit! The side of his lips curl up for a smirk. Mabilis siyang tumalikod sa akin bago ko pa siya mabato ng matalim na tingin. I heard him laugh that sent chills down my spine.

Kinilabutan ako dahil parang ngayon ko lang siya narinig na tumawa!

Shit!

Sa sobrang kahihiyan ko ay mabilis kong inayos ang damit habang nakatalikod pa siya. Pagkatapos noon ay marahas kong kinalampag ang pinto. Sa sobrang rahas ay natanggal ang pagkakalock.

Sinubukan niyang lumapit sa akin at sinapak ko siya sa braso bago ako tumakbo papalayo sa silid na iyon habang inaayos ang buhok sa sobrang hiya. I was so embarrassed that I never turned back to him.

Napalakas ang sipa ko sa isang bato sa sobrang galit na kumunot ang noo ko nang makarinig ng pagdaing ng pusa. Natutop ko pa ang bibig dahil roon. Gumalaw ang mga damo sa pagtakbo niya papalayo dahil sa gulat sa pagbagsak ng bato sa malapit sa kanyang puwesto. 

I gasped and my thoughts vanish in surprise on seeing a gray cat. Mataba iyon at mabalahibo. Ang balat ay kulay abo at batik sa bandang paanan niya. He looks so healthy for a cat.

Paanong napunta ang pusa rito? Sa pagkakaalam ko walang ganoong uri ng hayop sa lugar na ito na makakalagpas ng buhay doon sa gubat. Sa dami ng mga mababangis na hayop sa loob kahit sa kalagitnaan pa lang ng gubat, itong pusa ay patay na sa dami ng hayop na maaring kumain sa kanya.

Ang paaraalan na ito ay nasa pinaka dulo ng gubat. Ang sabi nila walang lagusan sa paaralan na ito dahil ang dulo ng gubat ay may mga matatangkad at nakakalulang pader. Bukod pa roon, may matayog na metal din na harang na imposibleng maakyat ng mga tao. May mga daan daang kawal rin na magbabantay.

So it's really impossible to escape here.

Kung ganoon bakit may pusa rito? Alaga ba siya ng isa sa mga myembro ng konseho? But they are all heartless, so I think they doesn't suit to be a cat lover or cat taker. Kung ang tingin nga nila sa aming mga tao ay laruan at pinapatay lang. Paano pa ang pusa?

Sa kuryusidad kung paano nagkaroon ng pusa rito ay dahan dahan ko iyong sinundan. Marahan lamang ang mga hakbang ko para hindi makalikha ng ganoong ingay. So I won't startled the cat and he won't run again. I saw him just a few meters away from me.

Hindi na tumatakbo at mabagal ang paglalakad. I saw him biting a fish in his mouth. Bahagya pang gumagalaw at sariwa pa. Mukhang nakuha pa yata sa sapa. His tail is moving like he's happy on bringing that fish home.

Saan kaya ito pupunta?

Bahagya siyang napahinto at napatigil rin tuloy ako. He stop on his tracks like he suddenly feel someone is trailing after him. Kaya mabilis akong nagtago sa katawan ng puno. The cat turned to my direction and I hide myself more. Ang mga mata niya ay parehong matalim.

I think he thought a predator is wanting to snatch that fish from him. My eyes widen when he started to run. Nilakihan ko na tuloy ang mga hakbang.

"Shit!" I cursed when I step on the branches of the tree. Nakalikha tuloy iyon ng malakas na tunog ng mga pagbale. Mas lalong bumilis ang pagtakbo ng pusa. Napapikit ako ng mariin. Nagalit para sa sarili.

I keep chasing and following him. Kaso bahagya na siyang malayo sa akin. Wala naman akong balak na hulihin siya. Gusto ko lang siyang tignan para malaman kung saan siya papunta para malaman ko kung saan siya nagmula.

Kumunot ang noo ko ng mabilis siyang sumuot sa mga naglalakihang halaman. I was about to chase the cat when I saw two guards in a distance. Sa pagtakbo ko, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako doon sa harang.

They are six. Narinig ko na bawal ang magtangka na tumakas sa paaralan. Kung mahuli man na nagtatangka ay may kaukulang parusa. Naalala ko iyong babae na inutos ni Ambriel na patayin dahil sa ganitong paglabag. She was beheaded and I will be like her if one of those guard caught me here.

Kaya nagtago ako sa likod ng puno at sinilip na lang iyong pusa. I narrowed my eyes. Hindi ko na siya makita pa. Pero nagkaroon ako ng pag-asa ng makita ang buntot niya.

The first gate was metal grids with six guards watching. Ang pangalawang harang ay iyong semento na at may labing dalawang bantay. Doble ang higpit kaysa sa nauna. I gasped and my eyes widen when I saw the cat on the other side!

Lumusot lang siya roon sa isang butas ng metal na harang. Kumekembot pa ang puwet niya habang naglalakad na patungo sa sementong harang. Nagtatago sa mga naglalakihang damo kaya hindi napapansin ng mga bantay.

The cat seems professional on this. Para bang ilang beses niya na itong nagagawa at pabalik balik pa.

Tumakbo muli ang pusa. I saw an abandoned cars in the side of the massive concrete wall. Parang mga tambak na lumang sasakyan at puno na rin ng abandonado pang metal na kinakalawang na.

Sumuot ang pusa roon. Noong una nakikita ko pa siya na nasa loob ng abandonadong sasakyan but I can't see him anymore when he slid in one of the car again. Lumusot sa mas mababang sasakyan at nawala na.

Umawang ang labi ko. Hinintay ko pa kung makikita ang pusa pero wala na. Nanatili ako roon ng ilang minuto pero wala na talaga. I leaned my body when one of the guard glance at my direction.

Napatulala ako. May sumagi sa isip.

What if there's a way to escape here? What if there's a secret path? Paano kung nakalabas na ang pusa roon sa kabilang panig ng pader? What if he's running now behind that concrete wall?

Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang pabalik sa silid namin. I am still thinking about that until I turned the knob of our room. Napatayo ang apat ng makita akong iluwa ng pinto. Nakita ko pa si Klein at Zarco na alerto. Nawala lang iyon ng ako ang makita.

"Khaleerine!" may galak na sabi ni Lovelace at Anais. Mabilis silang tumakbo at lumundag para yakapin ako. Sinalubong ko naman iyon.

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" tanong sa akin ng dalawa at huminga ako ng malalim. Iniisip pa rin iyong tungkol sa pusa at doon sa posibleng daan palabas rito.

I'm having a mind battle if I should tell this to them. Hindi pa naman ako sigurado kung meron ba talaga dahil hindi ko alam kung nakalabas ba talaga ang pusa o nagpahinga lang at roon kinain ang isdang bitbit sa loob ng mga sasakyan.

"You look thinking something deep. Anong ginawa sayo ng lalaki na iyon?" si Zarco sa striktong tinig. Huminga lang ako ng malalim.

"Wala."

"Bakit iba na ang suot mo?" tanong ni Anais. Naningkit ang tingin nila sa aking apat. Bakas ang pagtataka.

"Pinahiram niya ako ng damit. Nagpalit lang ako. Iyon lang." sagot ko. Nanatili ang tingin nila sa akin.

"Iyon lang?" they said in unison and my forehead creased.

"Anong iyon lang?" tanong ko. Pinagkrus ko ang mga braso.

"Ano bang iniisip niyo?" nagpumewang ako sa kanilang apat.

"Your clothes are different so you couldn't blame us for thinking... something" si Anais at napailing si Lovelace.

Habang ako ay tumitig pabalik sa kanila.

"You're thinking that I fuck him?" diretso kong sinabi. Napasinghap si Lovelace roon. Nalaglag ang panga.

"Khaleerine!" sumigaw si Zarco at nagsalubong ang kilay ko.

"Tss. Nevermind. Kumain ka na ba?" bigla nilang iniba ang usapan. Nagtaka tuloy ako. Habang si Anais at Lovelace ay namumula ang mukha.

They can't still believe I said that straight.

"Mali kayo ng iniisip. I won't do that. He's not my type. Mahina nga eh, bumibigay agad." binulong ko ang huling pangungusap na sa tingin ko hindi na nila iyon narinig pa.

"Really? We won't judge you if you do. It's not wrong to got laid in the man on the opposite side. You know, we should experience a sex at least before dying." si Klein na ngumisi. My jaw dropped on his statement. Nag-init ang pisngi naming tatlong babae at pinagsasapak namin siya sa braso. Pinagtulungan namin at tawa lang siya ng tawa.

"Damn! Tama na! Masakit!"

"Huwag niyo ng pag-usapan iyan! Kumain ka na Khaleerine." si Zarco na pinatigil kaming apat. Humahalakhak pa si Klein. But he has some point.

Mabilis kong pinilig ang ulo roon. Damn it! Iyon pa ba ang iisipin ko sa sitwasyon namin ngayon?! We're just trap in a deadly game! I shouldn't think about it.

There's no room for that. Mas gusto kong mabuhay at makalabas kaming lima rito kaysa sa bagay na iyon!

Bahagya tuloy nawala sa pag-iisip ko angbtungkol roon sa pusa at sa lagusan.

Naging mahaba ang araw na iyon para sa akin. Lumubog ang araw ng nagsasanay kaming lima sa mga sandata na nakuha. I hissed when the arrow didn't hit the center for the nth time. The sun is setting on the horizon and still I can't have a bull's eye. Laging malapit lang o sa gilid.

Inaasahan ko na iyon dahil unang araw pa lang ito ng pagsubok ko ng paggamit roon. Pero hindi dapat ako makontento lang roon. Today is Monday, and we still have a few days left before Friday came. The First Death Friday.

Hindi puwedeng magpa tumpik tumpik lang kami sa pagsasanay.  Kaso hinahabol na namin ang hininga sa kanina pang pag-eensayo.

Mukhang narating na ng katawan namin ang limitasyon ngayong araw. 

I sigh heavily. Balak sana naming magsanay pa dahil lahat kami hindi pa kumbinsido at kontento sa pagsasanay na nagawa.

Pero delikado kung magsasanay pa kami sa labas kung madilim na. Our life in darkness is uncertain. Pagkatapos kumain, maligo muli at magbihis ay humiga na rin ako sa kama ko sa araw na iyon.

Lovelace place the lump at our side, serving us light in our dark room. May kuryente naman sa Raven University pero parang makaluma ang pamumuhay rito. The room is elegant but there's no modern lamp here. Iyong lampara lang talaga.

I look at the ceiling and I can feel my massive breathing again.

"You said there's no way to escape here." bigla kong sinabi at ramdam kong napalingon sa akin ang iba. Tinutukoy ko si Zarco.

"Kulong na tayo rito. Walang daan para makatakas." si Klein naman.

"But what if there's a way. Kakapit ba kayo roon para makatakas rito?" tanong ko. Mas lalo silang napatitig sa akin. Hindi agad sila nakasagot roon. Maybe they're thinking.

Bukod sa sinabi ko, may isa pa akong ideya na iniisip ngayon.

"If there's really a way. What would you choose then? Be a coward and use that way to escape here alone or be brave and fight until the end with all our might, so we can all escape here. Walang maiiwan, walang maghihirap, lahat makakatakas."

I decided to tell them what I've seen but will my conscience take it if we will just be the one who will use that way and escape? Kakayanin ba ng konsensiya ko kung pauulit ulit na sasabihin ng isip ko na makasarili ako at mas pinili kong kaming lima lang ang makatakas rito?

Iyon ang bumabagabag sa akin.

If we will get free and manage to escape, mabubuhay pa ba ako ng normal kagaya ng dati? Makakakilos pa ba ako ng maayos? I think I can't sleep in thinking that there's people who I left behind here because I become selfish and a coward not to fight. Tumakbo lang ako.

Hindi lang kaming lima ang gusto kong makatakas mula rito, gusto kong lahat na ng taong nakakulong kasama namin sa paaralan na ito. Gusto kong buwagin na ang paaraalan na ito at tigilan na nila ang pagpapatakbo ng ganitong karumal dumal na laro.

I can't even stomach their game. They see us as a toy and I won't let them do that! Sino ba sila sa akala nila?

"It's not easy to survive here Khaleerine. Kaya kung may lagusan man, gagamitin ko iyon at tatakbo. Then I will tell the police what I've seen here." si Anais.

"Sa tingin mo may maniniwala sayo kung sasabihin mo iyon?" tanong ko sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita.

"Kasama ko naman kayong lima. Sama sama tayong magsasabi sa kanila."

"The police will just think we're crazy. They will think that we are taking drugs on telling them nonsense stories. Kung gumawa man sila ng aksiyon at dalawang pulis ang magtutungo rito, makukuha lang rin sila at mapupunta sa paaralan na ito. Magagaya sa atin" sabi ko sa kanya. Natameme siya roon.

"Kung may lagusan man, hindi rin naman kasi natin puwedeng sabihin sa iba. If we try to do that, I'm afraid we will be betrayed. Tayo ang nakaalam pero sa huli tayo ang mapagkakaitan. If you're planning to escape all the people here Khaleerine.... mahirap. It's like placing a rope on the ceiling and you will kill yourself. Maraming traydor sa labas. Uhaw rin sila sa pagtakas kaya siguradong iisahan nila tayo." si Zarco at napaisip ako roon.

"This is a like a human chess game. The only thing to win is to check the king." dagdag pa ni Zarco.

"It's not easy to survive and it's not easy to fight. Kahit nagkasundo tayo ritong lima, wala pa ring kasiguraduhan na lalabas tayong buhay ritong lahat." si Klein.

"Kung ganoon mas pinipili mong tumakas kaysa kaharapin ang laban rito?" tanong ko kay Klein.

"I left a family behind Khaleerine. Probably they're thinking that I am dead now. Gusto ko pa silang makita." sagot sa akin ni Klein. Nanikip ang dibdib ko ng maalala ang sarili kong pamilya.

Are they thinking that I am also dead now? Umiiyak rin ba sila ngayon o nagbubunyi dahil wala na silang anak na sakit pa ng ulo? No one will give them headaches anymore.

They will have their peace of mind on my lost.

"Anong kaibahan ng makatakas rito pero mabubuhay tayo na pinapahirapan tayo ng konsensiya natin, sa manatili rito at may dignidad sa pagsubok na lumaban pero mabibigo lang rin at sa huli mamatay? I think that is both tragic, maliban na lang kung pagtagumpayan nating mabuhay hanggang dulo?" ani naman ni Lovelace. I turned to her and she smiled at me.

He held out a hand for me and my mouth parted. Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

"Sorry Zarco naunahan kitang hawakan ang kamay niya." my forehead creased on what Lovelace said. Unang humalakhak si Klein roon na sinundan ni Anais.

"Ang bagal kasi. Naunahan tuloy kumilos ni Lovelace." dagdag pa ni Anais at mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko. I look at Zarco and his face was crumpled. Tumawa rin si Lovelace.

"Khaleerine, you are brave and powerful. I think you have the strength to survive here. Kaya mo. Naniniwala ako roon, kaya kung ano man ang desisyon mo susunod ako sayo."

"If this is a human chess game I am your loyal bishop. They said this is a human chess game. So I think I can declare myself as my bishop because I am beside the queen always. Ganoon rin ang gagawin ko dito. I am your bishop Khaleerine." aniya at ngumiti sa akin.

My chest heaved and suddenly my eyes heated on it. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at ngumuti rin pabalik.

"Thank you." I said softly, she nodded on me.

"If you're a bishop, then I am a rook. Because I am always at the side of the knight and that is Zarco. Dude alam ko na agad na Knight ka." tumawa ang tatlo roon.

"Because we are the only two boys here, we will cover the girls in the center so they can be safe. Ako ang pupuwesto sa gilid para proketaktahan kayo." ani Klein at ngumiti rin sa akin.

"Hindi ko na kailangang sabihin kung ano ako, you already knew. But for formality, I am declaring myself as a knight. My move is the only move the Queen can't do, I'll do everything so we can win the battle." ani Zarco. He look at me and give me his sincere smile.

"You all has a big rule huh. Is it bad if I just wanted to be a pawn? Nasa unahan at maliit lang ang hakbang. That piece even considered as weak but I want to be simple. I want to have that rule. Kasi hindi katulad niyo ako ang pinakamahina rito kaya gusto ko lang gumawa ng maliit na hakbang sa laban na ito pero malaki ang epekto sa pagkuha natin ng pagkapanalo." si Anais. Napasinghap ako roon.

"You are not weak Anais." I also offered a hand for her. Ngumiti siya sa akin.

"I'm not athletic like the four of you. I'm not good too on fighting. Sa tingin ko baka---" I halted her.

"No! Don't think about that! Hindi ka mahina at hindi ikaw ang huli! We will all survive here and escape Anais. Lahat tayo ay makakalabas rito. Do you know that a pawn can check the king? So don't underestimate your role." I said. Her eyes glistened in what I said. Tumayo siya sa kama at tumakbo para yakapin ako.

I gasped when she suddenly sobbed and I embrace here too. Lumapit na rin sa amin si Lovelace at yinakap kaming dalawa. Zarco and Klein stood up and they both look at the three of us.

"Makakalabas tayong lahat rito."

Mas lalo kaming naging pursigido at matatag sa mga sumunod na araw. Thank God that I didn't encounter Ambriel on the following days. Ibang tao na ang napunta sa aming magtuturo. Dahil kung si Ambriel uli baka hindi na talaga ako makapagpigil.

I become serious on the training that I ignored Ambriel successfully. Kahit na pilit niyang inaagaw ang atensiyon ko para lang mawala ako sa konsentrasyon. But I didn't let her do that. I focused because we have an aim.

Noong sumapit ang gabi ng Huwebes ay seryoso kami na nakaupo sa bawat kama naming lima. Ang lampara ay nasa gitna namin. Habang nakabilog kaming lima roon. We are all thinking deeply. I am not scared but I admit that I'm a bit nervous for all of us.

Ano mang mangyayari bukas ay walang kasiguraduhan.

Tomorrow is the First Death Friday. The room is solemn because of our silence and seriousness. Si Zarco ang bumasag ng katahimikan na iyon sa paghinga ng malalim.

"We shouldn't overthink. Mababalewala ang apat na araw nating pagsasanay kung pangungunahan tayo ng sobrang pag-iisip at takot." aniya. Pinapawala ang mabigat na atmospera.

I straightened my back and cleared my throat.

"He's right. Hindi dapat tayo matakot, magkakasama tayo ritong lalaban lahat. Hindi tayo mag-isa. So there's nothing to worry about." sagot ko. Sumang-ayon rin doon si Lovelace sa pagtango. We hold Anais hand that's a bit cold. I caress her back and assured her. Tumango rin siya at ganoon din si Klein.

Tumikhim si Zarco pagkatapos mabalik sa kanya ang atensiyon naming lahat.

"Kailangan nating magplano ng gagawin para makalabas tayo ng buhay at malagpasan natin ang unang Death Friday." umpisa niya. Tumitig isa-isa sa amin.

"Kapag aksidenteng nagkahiwalay hiwalay tayo. Hindi puwedeng magsigawan tayo para magtawag ng pangalan dahil maririnig tayo ng kalaban." dagdag niya.

"Kung ganoon anong gagawin natin?" tanong ni Klein.

"We'll make a sound that can only us can understand."

"Anong tunog?" I ask.

"Do you know the chirp of a love birds?"

Ginawa niya ang huni ng ibon at umawang ang labi naming lahat ng magaya niya iyon ng perpekto. Ngumiti siya sa akin. Kumunot ang noo ko kung bakit sa akin niya lang binigay iyon. Siniko siya ni Klein at ngumisi si Lovelace.

Napakurap kurap ako at nag-init ang pisngi. He cleared his throat. Binawi ang tingin sa akin.

"Hindi puwedeng magsigawan tayo ng mga pangalan sa paghahanap. Bukod sa mga kalaban sa paligid ay may mga mababangis na hayop sa loob ng gubat, kaya naisip ko ang paraan na ito. This will be our code."

Nanatili kaming nakikinig sa kanya.

"Kung mawawala ang isa sa atin, kunyari ako, huhuni ako ganito para mahanap kayo. Kung malapit lang kayo sa akin at narinig ni Khallerine ang ganoong huni. Ganito rin ang ihuhuni niyo pabalik. Susundan ko kung saan mangagaling ang tunog at hahanapin natin ang isa't-isa. Hangga't wala akong maririnig na huni pabalik ay huhuni ako ng ganoon kada sampung minuto hanggang sa marinig niyo ako." paliwanag niya at umawang ang labi naming lahat sa paghanga sa plano niya.

"That's a good plan Zarco!" si Lovelace. She seems amuse too. Zarco just smiled.

"Kapag narinig ng kalaban natin ang huni na iyon ay maiisip lang nila na ibon iyon at iignorahin. Hindi papansinin at magiging ligtas tayong lahat." nagkatinginan kaming apat roon at alam kong tumaas ang kumpiyansa naming lahat para sa laban.

"Pag-usapan naman natin iyong sa pagkaharap ng kalaban." he shifted on his seat.

"My weapon is two large axe. Klein's using a two swiss knife. Anais is using sword, Lovelace has darts and you have bow and arrow Khaleerine. We will fight as a team. Hindi kanya kanya." panimula niya.

"Kapag may namataan tayong kalaban mula sa malayo. Ang aasinta ng mga iyon ay si Khaleerine at Lovelace, because they're weapon can use in a far range. Kaya kung may kalaban mang susugod o mababangis na hayop na lalapit agad na nating dedepensahan ang sarili." ani Zarco at tumango kaming dalawa roon ni Lovelace.

"At kung malapit na ang kalaban ay kaming tatlo nila Klein at Anais ang kakaharap. Nasa gitna kayong tatlong babae. Klein and I will cover you. Si Anais ay nasa gitna naming dalawa. You will back up us Khallerine and Lovelace. Kung may hindi man kami napansing atake kayong dalawa ang magpapatigil noon." ani Zarco at tumango kaming lahat sa kanya.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga plano niya.

"You are good to be a knight, Zarco. You have an excellent plan. Siguradong mahihirapan kami kung wala ka rito Zarco." saad ko. 

Kumunot lang ang noo ng magngisihan na parang aso ang tatlo sa papuri ko at tumingin kay Zarco. He cleared his throat and avoided their gaze

"Salamat Khaleerine." sagot niya at nilahad ang kamay sa gitna.

"Para lang ba kay Khaleerine iyan?" nanunuyang tanong ni Lovelace.  Nagtaas ako ng kilay.

"Psh, no. Para ito sa lahat. Mangako tayo na kakayanin natin at makakalabas tayo sa gubat na iyon ng kumpleto." aniya at tumingin sa aming apat.

"We can do this, right?" tanong niya.

"Of course." I said and put my hand on the top of his large hand. Ngumiti ang tatlo.

"We will." si Lovelace.

"We will survive." si Anais.

"Right." si Klein.

"Saluer Libra!" Zarco said.

"Saluer Libra!" pagsegunda naming lahat. Magkapatong patong ang kamay namin. Pinagsalikop namin iyong lahat.

Humigpit ang hawak ko sa pana at palaso ng unti-unting makita ang dahan dahang pagsilip ng araw sa kalupaan. I look at my boots in the ground. Sinisigurado na natali ko iyon ng maayos at hindi iyon maaalis sa pagkakabuhol.

The cold breeze sweep across my face and I closed my eyes. Hawak ko ang watawat namin ng Libra. We all stared at it as the sun light strike on it, highlighting the zodiac sign.

Lahat kami ay sumeryoso.

Ang tapang at buong pursige na mababakas sa ekspresyon namin ay parang mga mukha ng mga kabalyero na sasabak sa isang giyera.

This will be a horrible war, the blood and tears will be shed today.

Mula sa silangan ay tumingala ako pakanluran at doon ko nakita ang mga nakahilerang nakaitim na damit na mga myembro ng konseho. I saw Ambriel who smirk at me. Para bang nagpapaalam na sa akin. Umismid lang ako roon at tinignan pa ang isang pares ng mga mata.

My body trembled a bit on seeing his eyes.

His eyes were still dark and mysterious as the night. Lumiliwanag na ang paligid pero madilim pa rin ang kanyang mga mata. Sa tingin ko normal nang ganoon iyon.

Tinaas ko ang watawat ng Libra. Gusto kong makita nila iyon.

"The First Death Friday will start when the sun reach the peaks of your heads." ani Hasmed.

"You will surrender your scroll on the tower before six in the evening."

I look at Zuriel again who's also looking at me intently. Kagaya ng dati ay blanko ang ekspresyon niya at walang mababakas na kahit anong emosyon.

I smirk at him.

"I will see you again." pagkatapos ibulong iyon sa hangin ay tumalikod ako sa kanya.

"Saluer!" sigaw na ng lahat ng maabot ng sikat ng araw ang mga ulo namin. Senyales na magsisimula na ang giyera at nagsitakbuhan na ang iba.

"Saluer Libra!" sigaw naming lima bago tumakbo papasok sa gubat.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon