Kabanata 1

18.6K 762 146
                                    

Kabanata 1:
Salure

"Anong pinagsasabi mo? Raven University? Nasaan ako?" lumapit ako sa lalaki at hinawakan ang kuwelyo niya kahit na sumasakit pa ang batok ko.

"Hindi ko gusto na namamantsahan ang damit ko ng mga daliri mo."

"Hindi ko rin gusto na hindi sinasagot ang tanong ko. Ikaw ba iyong lalaking kumuha sa akin sa gubat? You abducted me!" sigaw ko at napasinghap ako nang mapaupo muli sa kama ng marahas niya akong itulak. Suot ko pa rin ang kaparehas na damit.

Mababa na ang sinag ng araw sa labas.

Hapon na at sa tingin ko ay ilang minuto na lang bago lumubog ang araw. The orange sunlight strike on the chipped off walls and on my eyes. Hindi ako nasilaw roon at matalim lang na tumingin sa lalaki.

"Hinahanap mo si Gadreel? Siya ang kumuha sayo. He's the guard of the forest. Kumukuha ng mga tao na nais magpakamatay. Kaysa masayang ang buhay niyo sa walang kuwentang dahilan. What if we use its worth on playing here." kumunot ang noo ko sa lalaki. Binigyan niya ako ng ngisi na nagpanindig ng balahibo ko.

"Wala akong oras sa mga walang kuwenta mong kalokohan. Kailangan ko ng umalis rito." sagot ko at muling tumayo. Mas lalo lamang humalakhak ang lalaki sa sinabi ko.

Siguradong malalim na ang gatla ng noo ko ngayon dahil sa panay niyang paghalakhak.

"You're lock here. You're now one of the students of Raven University. You are now finally registered as one of the survivor. Simula sa araw na ito, ang paghinga ay sobrang halaga ng bagay."

"I don't know what are you talking about. I didn't enroll in any school. Hindi ko alam kung sino ang nagpasok sa akin rito. I will drop." masakit pa ang ulo ko. Halos hindi ko maiproseso sa utak ko na buhay pa ako ngayon. I don't know why I can't remember anything or I lost a fragment of memory, hindi ko maalala kung paano ako napunta sa paaralan na ito.

"You're the one who enrolled yourself in this school when you entered the forest." natigilan ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"Shut up. Ilabas mo ako rito! Sinong nagpapasok sa akin rito!" mas lalong ngumisi ang lalaki.

May binanggit siyang pangalan kanina. Iyong Gadreel.

Kung ganoon ay iyong lalaki na sakay ng itim na kabayo ang nagpasok sa akin sa lugar na ito. Akala ko ay papatayin niya ako?

"Bakit hindi ikaw ang umalis mismo? Hindi kita pipigilan." ani ng lalaki at mabilis ko siyang hinawi para tumabi. Pinihit ko ang seradura ng pinto pero ayaw noong gumalaw. I gasped. I tried to pull it but I think it was lock. Umawang ang labi ko at tumingin muli sa lalaki.

"Kulong ka na rito. Walang makakahanap sayo na kahit sino. Sa ngayon, iniisip na ng pamilya mo na patay ka na. You're not now existing in the outside world. You are chained here." hindi ko siya pinakinggan at sinipa pa ang pinto.

Marahas na pinihit ang seradura. Nabuhayan ako ng gumalaw iyon pero agad ding bumagsak ang pag-asa ng may tao pala na nagbukas noon mula sa kabila.

Nakita ko ang isang babae na may edad na rin. The first thing I noticed to her is her creepy black dress. It's has long sleeves and a deep neckline that make her cleavage shows. The end of the skirt hits until her ankle. Nakita ko ang itim rin na sapatos na mukhang pang sinauna pa ang disenyo.

Her hair is in a french braid bun style. Makapal rin ang kolorete na nakalagay sa mukha. Her eyes shadow is black as well as her lipstick. She looks like a witch. Kulang na lang ay tambong hawak pero isang kuwaderno ang hawak niya sa kanang kamay.

"Sino ka?" agad kong tanong sa kanya. She turned to me. Even the way she look at me feels creepy that send chills down my spine. Tumaas ang kilay niya sa akin.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon