Kabanata 21:
Comrades"Delikado kung maghihiwalay pa tayong lahat sa paghahanap ng scroll. Lumalalim na ang gabi at malapit na rin tayo sa gitnang bahagi ng gubat kung saan mas marami ang mababangis na hayop." si Zarco habang naglalakad kaming lahat.
"I'm agree. If we are still together until we reach the tower, our defense rate is high. Mas madali ring makakahanap ng scroll kapag ganoon." ani Manuel. Tumango ang mga Gemini roon.
"Paano ang mga ibang grupo na makikita tayong magkasama? Isusumbong nila tayo sa konseho! Papatawan tayo ng parusang kamatayan kapag nalaman ng konseho ang tungkol rito." si Glydel.
"Isa pa iyong Leo. Hinayaan nating makatakas. They know now that we're forming an alliance!" Fury seconded and I heaved a sigh.
"Hindi nila tayo isusumbong." sigurado kong sinabi. Lumingon ang lahat sa akin.
"How do you say so?"
"Evan can't do that. Hindi niya kaya." saad ko at lumingon sa akin si Lovelace. Kitang kita ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata niya.
"Hindi kaya? Bakit?" kunot ang noong tanong nila.
"Hindi ko rin alam ang rason. Who knows? But I am certain he won't do that. Takot niya lang." makahulugan kong sinabi at nag-iwas ng tingin sa akin si Lovelace.
Kanina pa siya tahimik. After we encounter the Leo and she exchanged words on that girl Georgina. Hindi naman siya ganito noong magsimula kaming umapak sa gubat. She's so cold and silent now. I know she's still recovering on what happened.
Mukhang nagpla-plano na rin sila Zarco kung ano na ang gagawin namin. I think its past ten in the evening now. Kitang kita ko na ang bilugan na buwan na kapag tinaas ko ang kamay ay parang abot ko iyon.
I suddenly remember what Zuriel told me last time again.
Be careful on the middle part of the forest, we should use the path where we can hear the waves of waters.
Hindi ko man siya natanong kung para saan iyon, may ideya na ako. He's doing it again. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o matutuwa sa mga clue na binibigay niya katulad nito.
Kahit anong paliwanag niya ay hindi ko pa rin maintindihan ang saktong dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa.
"Hindi tayo dapat dumaan sa gitnang bahagi ng gubat. Gamitin natin ang gilid na bahagi kung saan natin maririnig ang paglagaslas ng tubig." bigla kong saad at napalingon sa akin ang lahat.
"Bakit naman Khaleerine?" si Zarco. Kumunot rin ang noo ng iba roon. Nangapa ako ng mga salitang gawin puwedeng palusot.
I can't just tell them the truth that Zuriel is giving me hints again to help me escape this Death Friday.
"It's j-just an... instict. Hindi lang maganda ang kutob ko kung sa gitnang bahagi tayo dadaan. N-Noong nakaraan, doon namin nakasalubong ang mga asong lobo. I just don't want to... happened that again." I said lowly.
What I said is true. Noong gabi na nawala si Anais sa amin, doon kami dumaan. We all thought that it's safe to take the middle route because probably everyone will take the side path to avoid those wild animals, pero mali ang desisyon namin.
Natahimik saglit ang iba roon. Nakuha agad ang sinabi ko. Zarco's expression shifted too and he pat my shoulder.
"That won't happened again, Khaleerine." aniya at ngumiti ako ng marahan sa kanya.
Kahit pala hindi ako sabihan ni Zuriel, parang alam ko na na hindi na dapat pa kaming dumaan roon.
"We will take the side route then. Mas ligtas roon." si Klein na ang nagsalita. Fury look at him. Klein arch a brow but she didn't say anything. Umikot lang ang mga mata niya sa kanya at umismid si Klein.
BINABASA MO ANG
Raven University
Mystery / ThrillerWelcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. This secret and hidden school is built where abducted persons train for combats and play a human dark g...