Kabanata 40:
Dama"Bitawan mo si Khaleerine." isang mariing tinig ang pumagitna sa amin ni Zuriel. Napalunok ako at nagtangis lang ang bagang ni Zuriel nang tapatan siya ni Zarco ng patalim sa likod.
"Zarco sandali lang." pigil ko.
Nakuha namin ang atensiyon ng lahat ng natitirang kasamahan namin rito. Napasinghap at naalarma sila ng makita si Zuriel sa harap ko. Mabilis rin nilang tinaas ang sandata at tinapat iyon sa kanya.
Zuriel's eyes darkened. Sumeryoso ang ekspresyon niya pero wala akong mabakas na kahit anong pagkabahala o takot sa kanyang mga mata. He didn't even budge to turned his head to them who's pointing all of their weapon to him. His expression is hard.
"Bitawan mo si Khaleerine, Zuriel o hindi kami magdadalawang isip na kumilos para kalabanin ka." humigpit ang hawak ni Zuriel sa palapulsuhan ko. I closed my eyes.
"Huminahon kayong lahat." awat ko muli sa kanila. Matalim ang tingin ni Zarco at Manuel sa kanya. Kumalabog bigla ang dibdib ko sa kaba. Bakit kung kailan niya pa ako lalapitan ay doon pa talaga kung saan kasama ko silang lahat! He's risking his life!
Mainit ang mga mata sa kanya ng lahat ng kasama ko. They all loathe him because he's one of the member of the council and he's even the highest!
"Ang lakas rin pala ng loob mong lumapit sa amin! Or you're looking high of yourself that you can face us alone Zuriel? And you have the guts to hold Khaleerine?" maanghang na sabi ni Manuel. Hindi pa rin bumabaling si Zuriel sa kanila. Nakatuon lang ang tingin niya sa akin.
Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko iyon magawang ikalma.
"I want to talk to Khaleerine. Wala akong balak na kahit anong masama sa kanya at sa inyong lahat."
There's still remnants of misery and pain in his eyes. I am surprised to see it. Mas lalong hindi ko inaasahan na magtutungo siya rito para kausapin pa ako.
I hurt him and myself so bad on my lies, but I never thought he will risk his self to talk to me! Na lalapit siya sa akin kung kailan kasama ko silang lahat at mag-isa lamang siya!
Natatakot ako ngayon para sa kanya.
Ayokong may mangyaring kahit anong masama sa kanya. I don't want him to get hurt. Ayoko na magkagulo at pagkaisahan siya ng lahat. Alam kong galit sila sa kanya, sa pag-aakala na siya ang utak ng lahat ng paghihirap namin. Ako lamang ang tanging nakakaalam na... hindi.
Hindi siya ang rason ng lahat ng ito.
Isa pa, sana hindi nababasa ng mga kakampi ko ngayon sa mga mata ko ang panghihina at panglalambot dahil nasilayan muli si Zuriel.
I am still guilty for what happened. He's crying when I left him. Hindi ko magawang paniwalaan iyon. I am in disbelief that he truly loves me. Hanggang ngayon hindi ko magawa iyong maiproseso.
Akala ko, ako lang iyong nahulog ng sobrang lalim, pero hindi ko inaasahan na bago pala ako tumalon ay hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nahulog sa bitag na nilatag naming pareho.
Mabilis ang tahip ng puso ko. My knees are wobbling as I feel the warmth from his palm in my wrist.
Kinausap ko si Zuriel gamit ang mga mata.
"I am not your enemy." dagdag niya pa. Lahat ay nakahanda nang itarak sa kanya ang mga sandata nila. Mukhang naghihintay na lang ng senyales.
Tumawa ng pagak sila Zarco. Patindi ng patindi ang tensiyon sa pagitan namin.
"Pinagloloko mo ba kami Zuriel? Isang maling galaw mo lang at matatapos ang paghinga mo rito!" si Zarco sa mariin na tono.
"Hindi ikaw ang kausap ko Zarco." mariing saad ni Zuriel. Zarco sneered on it, his eyes become sharp too.
BINABASA MO ANG
Raven University
Mystery / ThrillerWelcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. This secret and hidden school is built where abducted persons train for combats and play a human dark g...