Kabanata 34:
BattleHinihingal kami ng makatakbo papalayo roon kay Georgina. Naninikip ang dibdib ko habang iniisip kung anong nangyari sa kanya. Labag sa loob ko na iwanan siya pero wala kaming pagpipilian kundi gawin iyon.
Napasapo ako sa tuhod ng sa wakas ay huminto na kami. We're all massively breathing. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa paghabol ng hininga, sumabay pa ang paninikip noon.
"We can't stop running. Kailangan pa nating tumakbo nangg kaunti baka maab---" pinutol ko ang akmang sasabihin ni Allen.
"Nagdududa ka ba sa kakayahan ni Georgina? You're thinking that she's dead now and those bastard are currently haunting us?" he look stunned on my question.
Si Lovelace ay nakatukod ang kamay sa katawan ng puno. Si Klein ay napaupo at humilig naman sa katawan noon habang sa tabi niya ay si Fury na halos mapaluhod na rin. Zarco is beside me still standing and chasing his breath.
Habang sila Manuel ay nakabagsak rin sa lupa. Lahat kami ay pagod at nanghihina na dahil sa lahat nang nangyari. Hindi na iyon kataka taka lalo na at sumabak kami sa laban pagkatapos ay tatakbo para sagipin ang aming mga buhay.
Nakatunghay sila sa aking lahat.
"H-Hindi sa ganoon. Gusto ko lang makasigurado na ligtas na tayo." aniya at umismid lang ako.
"Then we doesn't need to run anymore because we are safe in this distance." I said in my stern and serious voice.
Hinawakan ni Zarco ang balikat ko. Para pakalmahin pero hindi ko magawa iyon ngayon. Naghahalo ang guilt at galit sa sistema ko. Naguguluhan na ako sa kung ano ang gagawin! I closed my eyes and inhale a breath.
"Paano kung may isa palang nakasunod sa atin?" giit niya pa ulit. Hindi ko magawang magpahinga, binabagabag ako ng isip ko.
"Isa lang iyon, bakit ka matatakot? Marami tayong narito para dumepensa."
"Ayoko lang na may mapuruhan na naman sa atin. I already have a trauma on losing one of our comrades."
"Hindi ka na ba natrauma na wala na ngayon si Georgina?" hindi ko makapaniwalang sinabi.
Hindi siya nakasagot roon at humigpit lang ang hawak sa sandata niya. Humilig sa puno.
"Damn it! Hindi natin nagawang ipagtanggol ang buong grupo ng Leo! Ano nang nangyayari sa kanila ngayon?" si Manuel na ginulo ang buhok. Bakas ang paghihirap naming lahat sa sitwayson naming dalawa.
"We still need to find their remaining members! Si Syd at Ronnavel. Hindi natin sila puwedeng pabayaan." ani Lovelace. She can't still recover on what happened to Evan, but it seems that she's forcing herself to be sane.
"Saan natin sila hahanapin? Hindi nga natin alam kung buhay pa ba sila." si Klein naman.
"Anong nangyari sa inyo?" lahat kami ay nag-angat ng tingin sa biglaang nagsalita. Napatuwid ako ng tayo para maging handa sa kung sino iyon pero napahinto ng makita si Syd. Isa sa mga myembro ng Leo. My mouth parted.
"Syd!" we gasped on surprise on seeing him. Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya at narito na ngayon. I sigh in relief in seeing him alive. Napatuwid ako ng tayo.
"Saan ka nanggaling? Anong nangyari sayo?" tanong ni Lovelace. I look at him. Bukod sa madumi niyang damit ay wala naman ng iba pang mali sa kanya at nasa maganda pa ring kondisyon.
"I am searching for all of you! Wala ba kayong kasama na kagrupo ko?" nag-iba ang ekspresyon namin sa tanong niya na iyon. Naalala ko ang lahat nang nangyari at napapikit ako ng mariin.
BINABASA MO ANG
Raven University
Mystery / ThrillerWelcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. This secret and hidden school is built where abducted persons train for combats and play a human dark g...