Kabanata 33

6.7K 314 38
                                    

Kabanata 33:
Sacrifice

"She doesn't need to decide. Kung kanina tinakbuhan namin kayo, ngayon hindi na." bago pa ako makabuo ng mga salitang dapat sabihin ay naunahan na ako ni Zarco na magsalita.

Nilabas niya na rin ngayon ang sandata at mahigpit iyong hinawakan. Habang si Klein ay nagtungo na rin sa unahan ni Lovelace. Ganoon rin si Zarco.

"Klein and I will be in front line. Allen you'll be at the back. Glydel, Fury and Lovelace you'll be at the two sides. Khaleerine will be in the center. Huwag niyong hahayaang may makalapit kay Khaleerine." utos ni Zarco at mabilis namang pumuwesto ang lahat roon.

"Zarco I can fight. Kakaharapin ko si Georgina. They are nine, kung proprotektahan niyo ako magiging dehado tayo." pagpigil ko. Nag-aalala para sa kanila.

"Khaleerine stay at the center. Ikaw ang gusto nilang kuhanin." si Klein sa akin pero umiling ako sa kanya. Pirmi ang desisyon ko na tumulong lalo na ngayon at buhay na buhay ang dugo ko para gawin iyon.

My hands are even itching now to moved. Hindi ko pa rin nakakalimutan sa isip ko kung ano ang ginawa nila. I thought I will just let my conscience bothered me every night for what I witness, but I think the justice is haunting me now and I must get it.

Hindi ko man kilala ang lalaki na iyon. Sapat na ang pagiging inosente niyang tao para bigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.

No one deserve that kind of horrible death even the wicked person. Kaya hindi sa ganoong paraan ko kukuhanin ang hustisya.

"Hindi dapat ako narito sa gitna. This is Anais place and she will be always here. Walang puwedeng umagaw ng puwesto niya rito." mariin kong sinabi at sinamahan si Glydel sa kanang gilid.

Napasinghap sila.

"Ang taas naman pala ng tingin mo sa sarili mo Khaleerine. Akala mo kapag sumama ka sa paglaban ay matatalo niyo na kami?" si Georgina at ngumisi. Mas lalong kumukulo ang dugo ko sa bawat pagrinig ko ng tinig niya.

We help her! May duda na ako sa kanya simula palang noong una. Pero nakampante ako na wala siyang gagawin dahil naroon si Evan. Ang tanging tao kung saan takot si Georgina. I can always see how she lost her facade once Evan speak.

Kumuyom ang kamao ko. 

"Ang kapal ng mukha mo Georgina!  Utang na loob mo ang buhay sa amin! Kung hindi dahil kay Khaleerine ay wala ka na ngayon rito!" sigaw ni Lovelace sa kanya. Tamad lang na hinilot ni Georgina ang leeg na para bang naririndi na siya sa mga binabato naming salita sa kanya.

"Shut up Lovelace." she sneered. Napamaang rin si Fury at Glydel roon. Matalim ang tingin na pinupukol ng dalawa sa kanya. 

"Sinasabi ko na nga ba! Dapat simula pa lang noong una ay hindi na natin siya tinulungan! She's really a snake and her real color is showing now!" si Glydel. Kita ko rin ang gigil ni Fury sa mariin na paghawak niya ngayon sa sandata.

Sa tingin ko ay hindi na rin makontrol ni Lovelace ang sarili kaya naman nagpakawala na siya ng mga darts niya sa direksiyon ni Georgina. Nakaiwas siya roon sa mga nauna pero nadaplisan ang balikat niya ng mga sumunod. 

Agad siyang dumaing ng sapuhin ang braso. Umusok ang ilong ni Georgina sa galit. Mukhang nasundot yata ni Lovelace ang pasensiya niya. She gritted her teeth.

"Oh, wala akong pakialam kung anong mga pangalan ang itawag niyo sa akin. Pakialam ko roon kung mamatay rin naman kayo sa huli." she said and smirk. Sumabay sa pag-ngitngit ko ng ngipin sa inis ang mas lalong paghigpit ng hawak sa palaso.

"Sa akin si Khaleerine! Kayo ang humarap sa mga pakialamero." utos ni Georgina at mabilis kaming humanda roon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa niya ito sa amin.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon