Simula

28.1K 800 167
                                    

Simula

Nabale ang mga sanga at lumikha iyon ng malalakas na tunog ng maapakan ko. Magkakrus ang mga braso ko habang naglalakad. Diretso lang ang tingin sa direksiyon na hindi ko alam kung saan ako itutungo. Sinusundan ko lang ang paa ko kung saan noon ako dadalhin. My destination is nowhere.

Napayakap ako sa sarili ng dumaan ang malamig na simoy ng hangin na bahagyang nagpangatal sa akin. Hinaplos ko ang braso na nilalamig na. Alas sais pa lang ng umaga kaya madilim pa ang loob ng malaking gubat. Wala pang sinag ng araw na dahil sa dami ng puno sa paligid at hinaharang ang dahon nito ang kahit anong liwanag. Para bang hindi hinahayaan na lumapat sa lupa.

Huminga ako ng malalim at nilibot ang tingin sa buong paligid. Pakiramdam ko parang may biglang susulpot na kung ano rito. Tumataas ang balahibo ko sa sobrang tahimik ng lugar na tanging paghinga ko lamang ang naririnig.

Napatingala ako sa mga naglalakihang puno na nakakatakot tignan, nakita ko ang bilang ng uwak na namamahinga sa malaking sanga na naroon at matalim ang tingin sa akin. Para bang gusto akong sunggaban. Napahinto ako sa paglalakad. Kinalibutan ako.

Mabilis kong yinuko ang ulo at iniwas ang tingin roon pero ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila sa akin. Para bang pinapanood ang bawat hakbang at kilos ko. Pilit kong hindi inalintana ang pakiramdam na iyon.

Kumakapit ang putik sa takampakan ng sapatos ko na pinapahirapan akong maglakad. Ang puti kong sapatos ay unti-unti nang nagiging itim dahil sa maputik na daan. Huminto ako sa paglalakad at pinahid iyon sa isang puno para matanggal ang makapal na putik.

Ang bigat na ng sapatos.

"AAH!" kaso ang akma kong pagpahid ay hindi natuloy. Napaigtad ako sa sobrang gulat ng hinawi ko ang malaking dahon at nakita ang isang ahas.

Ita sharp eyes immediately dropped on me. Before it can even move to bite my feet, I quickly retrieve a few steps back. Nawalan ako ng balanse sa sobrang pagmamadali at napaupo sa lupa. Napadaing ako sa malakas na pagbagsak ng puwet ko. Napahawak ako sa balakang at muling nagulat dahil sa paglipad ng mga uwak papalayo.

Nabulabog ko yata sa pagsigaw ko. Ang isa ay dumaan pa mismo sa mukha ko. I make a noise to break the silence of the forest at hindi ko alam kung bakit mas lalong lumamig ang paligid. The atmosphere shifted into a cold one that sent chills down my spine.

My breathing faltered. 

Tinikod ko ang dalawang braso sa lupa. The mud also stained the pants I'm wearing now. Hindi ko na inalintana pa iyong punasan. Para saan pa?

Bigla akong nanghina. Hindi alam kung dahil ba sa tagal ko ng naglalakad o dahil ba sa rason kung bakit narito ako sa Death Forest. Ang lugar kung saan pumupunta ang taong gustong tapusin ang buhay.

Ang gubat na ito ay hindi pangkaraniwan. The people called this Death Forest or Curse Forest. It was even closed now because of the raising incident of people who's committing a suicide and they doing it here.

Pare-parehas ang pagkakahilera ng mga puno at sa laki ng gubat na ito ay totoong nakakaligaw talaga. Lumingon ako sa pinagglingan at hindi ko na alam kung saan direksiyon iyon. I sigh.

Nahagip pa ng tingin ko ang isang kuwintas sa lupa. Kuminang ng matapatan ng kaunting liwanag. Probably from one of those person who commit suicide.

I'll be one of them. I'm here in the death forest to end my life. Ramdam na ramdam ko ang bigat na dala ng lugar na ito. I don't know if I'm just hallucinating but I can feel that someone is looking at me, and I know that's it's not only the raven.

The forest is solemn and serene. Kahit ang hangin, iba ang pakiramdam na hatid sa akin. I limped my body more on the ground and lift my both hands, attempting to reach the leaves that are a few meters from my distance. Walang pag-asa na maabot ko ang mga iyon.

Raven UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon