Chapter 20

10 3 0
                                    


Pagkaalis at pagkaalis si Mateo ay agad na akong umupo sa upuan para buksan ang laptop at magsearch ng pangalan na nagsisimula sa B.

Alam kong napaka impossible pero kailangan ko lang talagang pigain utak ko sa mga possible na pangalan niya na nagsisimula sa letter B, tapos titignan ko kung 'yung profile ba nung lalaki ay kaparehas ng nasa picture.

Buti nalang talaga natulog na agad si Rency kaya wala na akong babantayan.

Sinubukan ko muna yung pinaka basic, Bob.

Kaso walang kapareha.

Bernard.

Brent.

Benjamin.

Brandon.

Bryce.

Bruce.

Bruno.

Bryan.

Benedict.

Blake.

Beckett.

Bradley.

Baron.

Bernardo.

Wala, walang kaparehas.

Eh ano bang pwedeng ituloy sa B na pangalan na I and L?

Ang assumptions ko is, Dalawa 'yung first names niya which is B and I tapos apilyedo niya ay L.

Pero pwede ring letter I and middle name niya.

Putangina itanong ko nalang kaya kay ate?

Bumuga ako ng hangin at saka tumitig kay Rency na taimtim ng natutulog.

Bakit ginawa 'to ni ate? Hindi kaya niloloko lang niya si Jacob? Para lang may maipakilala samin si ate na lalaki?

Pero hindi ganon si ate eh, I know she wouldn't go that far.

I covered my face in so much frustration. Sino ka ba B.I.L?

I took the photo again and looked at his face closely.

Ngayon maikokompirma ko talaga na ama siya ni Rency. They both have the same facial features.

From eyes to nose to lips. Nakuha lang ni Rency yung face shape niya kay ate. But everything else was from his father.

Dapat pala tinanong ko si Rency kung anong pangalan ng tatay niya. Pero baka naman masyado siyang maoverwhelm sa mga tanong ko.

Ang pogi din, mukhang prinsipe.

"Siguro kung 'di ka lang tatay ni Rency magugustuhan kita noh? Pogi mo kasi" Napangiwi ako bigla.

"Ay, hindi pala. Mas pogi pa din si Mateo" At saka ako tumayo para ibalik yung picture sa cabinet, pero bago ko 'yon ginawa ay pinicturan ko muna 'yung litrato para maalala ko itsura niya.

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon