Chapter 24

9 4 0
                                    


Sabay kaming bumalik sa villas para magshower. God, that was one of the most memorable things I have with him.

Nakangiti kong tinitignan ang singsing na gawa sa dahon habang sinusuklayan ang buhok dahil kakaligo ko lang.

It felt so surreal, It was too good to be true.

"You really love him do you?" Napaigtad ako sa biglaang pagsalita ni Belle mula sa higaan.

Gising na siya?

Lumunok ako at saka siya sinulyapan. "A-Ah oo naman, boyfriend ko eh" She nodded, still not taking her eyes off me.

"Alam mo, I wish I have your life" Rinig ko ang pait na halo sa pagbigkas niya ng bawat salita, para bang sinusubukan niyang itago 'yong pait na 'yon pero hindi niya magawa.

"Belle, simple lang buhay ko. Walang kaingit ingit don-"

"Alexa, you have Mateo, and you have two guys chasing you" Kumunot ang nuo ko dahil don. Dalawa? Ang alam ko si Caleb lang ang may gusto sa'kin.

"Huh? Dalawa?" Kumunot ang nuo ko na ikinaiiling niya.

"Mr. Blade Ignatious Lorenzo. 'Yung pinsan ng kaibigan ni Sir Mateo" Umawang ang labi ko dahil don. What? sino sakanila?

"Kaninong pinsan?" Tanong ko. Ba't hindi ko 'yon alam? Akala ko magkaibigan lang sila ni Mateo, hindi ko alam na pinsan pala siya ng isa sa mga kaibigan niya.

What the heck.

"Adrian Stravinsky, hindi mo alam? You're so close to them" I licked my lips. Wow, okay now it makes more sense.

Pero bakit hindi sila magkaugali ni Adrian noh?

Sabagay, hindi naman kailangan na magkaugali ang magpinsan.

"No, and hindi kami close ni Adrian. May amnesia siya. Hindi niya na ako kilala" I said like it wasn't a big deal at all.

That's when I realized what I've said.

Napatakip ako sa bunganga. Oh my God! Ang tanga tanga ko talaga putangina.

"Ha? Magkakilala na kayo dati-"

"Shh! Wag kang maingay" I looked around to see if someone is close or if Kacy is still asleep.

"Ano?! Hindi ko gets" Halos maghistera na si Belle nang marinig ang sinabi ko. Tangina, nadulas ako.

"Oo, oo, oo! Kilala ko na sila dati pa. Nung college pa ako. Si Mateo, simula bata palang ako kilala ko na siya" Her eyes almost escaped out of it's sockets.

"W-We broke up. Basta madmaing nangyari. Matulog ka na, kalimutan mo nalang lahat ng nalaman mo ngayon" I finished my skin care routine as fast as I can to try and calm myself because of the situation.

Grabe, kahit kailan talaga napakatanga ko.

"Alexa, 'yun ba dahilan kung bakit ang sama ng tingin ni Sir sayo nung una niyong pagkikita?" Napatigil ako sa pagaayos. Napansin niya talaga yon?

I turned my head to face her. "Ah, napansin mo din 'yon?" Tumango naman siya.

Nagkibit balikat ako. "Ewan, siguro nga. Sino namang hindi" Wala na siyang sinabi pagkatapos no'n. Buti nalang talaga, siguro kung si Kacy kausap ko ngayon pinaulanan niya na ang ng mga tanong.

Baka nga hindi siya makatulog kakatanong sa akin tungkol sa past namin ni Mateo.

Anyway, I don't care about our past. What I care about now is the present.

I just hope it'll be more easier now and we wouldn't have to face any circumstances that will be a threat to our relationship.

***

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon