"Ma, aalis na ako mamaya. Babalik na ako sa ano...sa New York" Marahang anas ko habang kumakain. Andito kaming lahat sa hapag kainan, kasama din namin si Stella na tahimik lang na kumakain, parang malalim ang iniisip.
Gulat akong tinignan ng lahat. "Ano?! Bakit hindi mo sinabi sa'min agad? Paano si Mateo anak? Diba kayo na?" Tumikhim muna ako bago pinilig ang ulo.
I know they're gonna ask me this, and I've already prepared what I'm going to answer.
"Uhh, opo. Pero ano kasi ma, parang ano..." Nawawala lahat ng dapat kong sasabihin sa utak ko! Para bang nabablangko ako, tangina.
"Ano? Napano ba Alexa?" Tanong ni Ate. Wala pa rin si Blade, she told me earlier that they'll have lunch with his family tomorrow, busy lang daw ngayon si Blade sa kompanya nila.
"Wala..." I ran my tongue on my lips before drinking water.
Nagtama ang mata namin ni Stella, mukhang guilty siya at malungkot pero nginitian ko pa din siya, assuring her that I'm fine.
"Anak may problema ba?" Kapagkuwan ay tanong ni papa nang malagay ko na ang pingan at kubyertos ko sa lababo.
"Wala po" Tipid akong ngumiti bago ako umupo sa sofa para kunin ang cellphone ko mula sa gilid.
I texted the gc just to let them know.
Samahan ng mga babaeng magaganda:
AlexaG: hello, balik nako NY walang sasabay?
Glaizzaaa: Ha?
elainerxthy: bakit biglaan ata? Paano si Mateo?
chesandrada: break na kayo? kailan pa?
Nagtipa ako agad doon bago suminghap.
AlexaG: Mamaya makikipagbreak ako, wag niyo ng isipin explain ko nalang sa susunod. Sige bye
Huminga ako ng malalin bago tumayo. Lahat sila nakatingin pa rin sa'kin , nanantaya.
"Ma ano-"
"Anong bang nangyari? Bakit ata biglaan anak?" Pumirmi ako sa kinatatyuan, hindi malaman laman kung anong dapat gawin.
"Kaya ba umiiyak ka nung isang gabi?" Natulos ako sa kinatatayuan nang bangitin 'yon ni ate. Parang nanigas bigla ang buo kong katawan sa sinabi niya.
She was awake? But I thought everyone was already asleep that night.
"Hindi ako umiiyak kagabi-"
"Wag kang magsinungaling, narinig ko 'yon. Nakipag break ka sakaniya?" Agad akong umiling do'n bago umupo uli sa dating pwesto.
"H-Hindi, If I continued being with him...h-he won't achieve anything" Malungkot akong ngumiti. Naalala ko nung asa balesin kami, balak niya palang ipagpatuloy ang residency niya sa Spain pero hindi lang natuloy dahil sa'kin.
"Anong ibig mo bang sabihin?" Tanong ni ate, siya lang talaga ang halos nagtatanong. Si Stella ay tahimik lang at sina mama at papa ay halatang gulat at kyuryoso.
"Basta ate, maintindihan mo naman sa susunod" She scowled at that, akmang magsasalita pa nang tumunog ang cellphone ko.
Nagkatinginan muna kaming lahat bago ako tumayo para kunin 'yon.
Mateo<33 calling...
Umawang ang labi ko sa kaba, abot tahip ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin kina Mama.
Lumunok ako bago ko 'yon sinagot at saka lumabas ng bahay.
"Hello?" Panimula ko, nagnunuyo ang lalamunan ko sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)
Romance[Forgiving Her 2] How can someone look this dreamy? How can someone look like a prince. I knew, from the very day I laid eyes on him. I loved him. Alexa Celine Garcia is a simple, go wtih the flow type of girl. She's the type to give you comfort, to...