Chapter 9

25 8 4
                                    


Tears pooled in my eyes. I can't believe this!

Ganito na ba ako katanga? Ni hindi ko man lang iniisip na pwede nga pala 'eto yung paraan niya para maghiganti.

Of course he'll make it look like he's slowly forgiving me when he's not! Masyado akong nagbulagbulagan, naniwala ako sa sinabi niyang magkaibigan lang sila, I am such a fool!

Pinunasan ko ang luha bago suminghap. My chest feels heavy like I can't breath properly anymore.

I really believed him huh? That's how dumb I am?

But his acts were so believable! Ang pagsagip niya sa'kin lagi, ang mga ngiti niya, mga tawa niya. They all seemed so fucking real!

Mabilis kong pinaalis ang luha sa pisnge ko nang marinig kong bumukas ang pintuan. It's Mateo of course.

He licked his lips before sitting again. I plastered a straight face in front of him.

"Let's eat?" He asked. Oo nga pala, kakain muna ako tapos papauwi na ako agad.

"Uhh" I tilted my head to the side.

"Yes? Do you want anything else?" Taas kilay na tanong niya sakin. He's probably very happy now that Vanessa has finally said yes to him. Siguro nagmamadali siyang umalis ako para masolo na nila isa't isa noh?

I smiled bitterly. "Gusto ko ng kumain tapos uuwi na ako" Umawang ang labi niya.

"You should stay here atleast for one night-"

"Mateo hindi ako naaksidente okay? Nasprain lang paa ko pero 'di ako nasagasaan" Malamig na tugon ko bago ko dali daling kinuha ang lugaw na binili ng ingratang Vanessa na 'yon.

His lips formed a thin line. He seems confused, why would he be?

Is this one of his acts again? Kunwari madidismaya siya na pwede na akong umuwi?

"Kaya dalian mo nababagot na ako rito" Marahan siyang tumango, nakatingin pa din sa'kin. Medyo nailang ako dahil pinapanood niya akong kumakain.

"At wag kang magalala, oo di ako papasok ng one week. Tetext ko nalang si-"

"I already did" Lumunok ako bago tumango. Buti naman.

"Okay" Simpleng tugon koz

I heard him place the bowl of rice porridge down before looking at me. I kept a straight face, like his gaze isn't bothering me whatsoever.

"Are you okay?" Akmang hahawakan niya ako nang ihawi ko ang kamay niya. He really is doing this? kahit may girlfriend na siya. He's really obsessed with his revenge.

Lumutang sa ere ang kamay niya bago yon nahulog sa hita niya.

"Ayan tapos na gusto ko ng umuwi" Talagang binilisan ko talaga ang pagkain ko, nakakahiya naman sakaniya. Mukhang atat na talaga siyang makipag bonding kay Vanessa.

"Why do you want to go home so early? Don't you want to rest for a little bit?" I scowled.

"Ayaw ko, gusto ko sa bahay magpahinga" Humalukipkip ako.

He breath out heavily before placing the bowl down. "Do you wanna go now?" I nodded immediately.

"Fine" His jaw clenched before fixing my things. I just sat there watching him.

Nang matapos siya ay bumaba na ako. Naalarma agad siya roon at dali daling kinuha ang beywang ko para iupo ako ulit sa higaan.

"Stay there, behave Alexa" Kinabahan ako bigla sa paraan ng pagtingin niya sa'kin dahil sa ginawa ko. Natatakot ako na baka saktan niya ako dahil matigas ang ulo ko.

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon