Chapter 11

28 6 0
                                    


Hindi ko alam kung anong pinagagawa ko kanina, basta ang alam ko lang nagkasagutan kami at itinaboy ko siya. Hindi ko na masyadong naalala kung paano.

I feel so embarrassed for myself. Bakit ko 'yun sinabi? Bakit?

He didn't even bother saying anything kasi ayaw niya akong masaktan! Mas pinili niyang itikom ang bibig niya.

Bakit hindi niya nalang ako dineretso na ayaw niya sa'kin? Bakit kailangan niya pang sabihin na sa bahay nalang daw niya ako matutulog?

Mukha ba akong laruan sakaniya?

He doesn't love me anymore and it shows...

Tahimik akong napahagulgol habang binubuksan ang pinto ng bahay namin. Buti nalang binigyan na ako ng susi this time.

Anong oras na din, mga 11:00 pm na siguro.

"Oh! Napano ka? bat parang ang haggard mo?" Bumungad agad sa'kin si ate na tahimik na umiinom ng kape sa sala.

Pagod kong nilapag ang bag ko sa sofa at saka kumuha ng tubig bago ako umupo sa harapan niya.

"Wala birthday ng kaibigan ko" Nagkibit balikat ako at saka uminom uli. Sa sobrang dami kong sinuka kanina, sure ako sobrang dehydrated.

"Eh bat ganiyan mukha mo? Para kang...umiyak" Inipit niya ang ilang strands ng buhok ko sa tenga para mas makita niya ng maayos ang mukha ko. Agad akong nahiya at inilayo ang mukha sakaniya.

"Umiyak naman talaga ako" At saka ako suminghap.

"Ha? e' bakit? napano ba si Glaiza?" Huminga ako ng malalim bago ko siya tinignan. Kunot ang nuo ni ate habang nakatingin sa'kin, halatang naguguluhan sa mga sinasabi kong kahibangan ngayon.

"Hindi si Glaiza ate, si Mateo" She licked his lips before getting closer ready for what I'm about to say.

"We're just not meant for eachother" Mas lalong kumunot ang nuo niya.

"Ha? paano mo 'yan nasasabi?" Natawa ako ng marahan. I shifted on my seat a little.

"Ate, kung kami. Kami talaga" She scowled. Totoo naman diba? Hindi naman kami aabot sa ganitong punto kung kami talaga ang para sa isa't isa.

"Akala ko pa naman ikaw love expert sa'ting dalawa! Big no! Alexa" Pinagtaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng tubig.

"Wag iasa lahat sa tadhana, kung gusto niyong dalawa na kayo talaga pipilitin niyong maging kayo hanggang huli. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin Alexa. If you really want to grow together, to have a future together you'd always choose that person no matter how hard it is! You don't just give up on the person you love, My gosh!" Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya.

"Ate ikaw ba yan?" Tumawa naman siya.

"Oo ako 'to, kaya matulog ka na ang baho mo amoy alak ka!" Pero hindi ako nakinig sakaniya, bagkus at sumandal ako sa upuan habang humalukipkip.

"Kaya ba hindi mo maiwan iwan si Jacob?" Ngumisi ako. Nawala ang kaninang naglalarong ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng malamig na tingin.

"Matulog ka na" At siya na mismo ang nangiwan sa'kin. Nagalit ata sa'kin.

"Hoy! Ate sorry na!" Sigaw ko.

"Oo na sige na! matulog kana na" Huminga ako ng malalim. Kaya niya hindi maiwan iwan ay dahil siya ang ama ng anak niya, ni Rency.

***

Kinaumagahan ay nagising ako at naligo dahil syempre may trabaho na ako.

I decided to wear white cargo pants and a black sleeveless cropped top and white sneakers. Naisipan ko ding gawing headband ang bandana na may iba't ibang design. Oh! and stud earings too.

Lost in the heavenly skies(Forgiving Her Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon