Chapter 23

312 6 0
                                    

MIKAEL POV;
Pagpasok palang ng babaeng nagpakilalang si Maureen na kamukhang kamukha ni Cassy, at paraan nya ng pagsasalita kaparehong kapareho kay Cassy. Ay nagsitinginan na kami sakanya.

Tapos ng marinig nya ang last name namin biglang sumakit ang ulo nya. Ikaw ba talaga si Cassy? O kamukha mo lang talaga sya. Nang dumating kase sya lahat kami natigilan, ultimong si tita Reign at tito Kevin natigilan din.

"Ah excuse me po"saad niya kaya napatingin ako sakanya.

Tumayo sya at pumasok muna sa loob. Tumayo rin ako at sumunod sakanya.

"Hello?"saad nya pa.

Lalapit na sana ako sakanya ng lumapit naman sakanya si Kyle Elves. Parehas silang nakatalikod saken kaya hindi nila ako nakita.

"Hey, anong problema?"tanong pa ni Kyle.

"Ah wala wrong number lang siguro yun tara balik na tayo doon"saad pa ni Maureen.

"Tara"tugon naman ni Kyle.

Pagharap nila sa pwesto ko ay nagtama ang paningin namin ni Kyle.

"Oh nandyan ka pala Mikael"tugon pa ni Kyle.

"Oh sir Mikael, may kailangan ka po?"tanong naman ni Maureen.

"A-Ah wala pupunta lang sana ako sa CR"saad ko. At saka ako naglakad papunta sa Unahan nila.

Bahagya naman syang natawa at saka lumapit saken. Parang nawala ang hininga ko ng ilang layo nalang ang agwat ng mukha namin.

"Ah sir Mikael, Sa pagkakaalam ko hindi po dito ang daanan ng CR nila Sir Kevin, doon po"saad nya pa sabay turo sa likuran ko.

Ngayon ko lang napansin na nasa living room pala kami at napahiya ako doon!!

"A-Ah O-Oo"Saad ko at dalidaling pumunta sa CR.

Pagkapasok ko sa CR ay nilock ko agad yun at naghilamos.

"Buwisit! Nakakahiya yun!"saad ko bago nagpunas ng mukha.

Pagkatapos ko maglabas na sama ng loob dahil sa napahiya ako ay lumabas Na ako. Pagpunta ko doon ay naguusap si Kyle at Maureen kaya padabog akong naupo sa upuan ko kanina.

"Ikaw Mikael, wala ka pabang girlfriend?"tanong naman ni Tita Reign.

"Ah wala po"maikling sagot ko.

"Why? Your handsome naman at graduate kana, bakit hindi ka pa nag kakagirlfriend?"tanong nya pa.

"Wala pa yan, tita sa plano ko"tugon ko pa.

"May hinihintay kase yan mom"sabat naman ni Xander na tumingin pa saken kaya pinandilatan ko sya. Alam naman ni tita Reing kung sino ang hinihintay ko.

"Ang swerte siguro ng babaeng magiging girlfriend mo sir Mikael"tugon ni Maureen kaya napatingin ako sakanya.

"Ah hindi naman"saad ko.

"Here Maureen eat this"saad ni tita Reign saka inabot kay Maureen ang bowl ng crab.

"Sige po,"saad ni Maureen.

Kumuha sya at saka kumain. Nagkuwentuhan ulit sila habang ako ay tahimik lang.

"San ka pupunta Maureen?"tanong ni Kyle kaya napatingin ako sa gawi nila.

"Sa Cr lang"sagot naman ni Maureen saka nagmadaling pumunta sa loob.

Ilang sandali pa ay bumalik si Maureen na matamlay at kamot ng kamot.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now