Chapter 32

421 14 0
                                    

MIKAEL POV;
NANG sabihin ni Cassy ang salitang ako na ang bahala dito sa bahay, parang nagkaroon ulit ako ng pag asang maibalik ko ang kung ano kami dati ni Cassy. And I think she's just playing hard to get.

I promise you Cassy, that I bring back to what we used to be before. Just wait.

Gaya nga nang sinabi nya ako na ang naghugas ng pinagkainan namin at pinunansan ko narin ang lamesa. Pagkatapos ko nun ay nagtootbrush na ako at naghilamos. After that ay nagtungo ako sa sofa kung saan nakabukas ang TV at nagpapahinga si Cassy.

"Bakit nya pa binuksan ang TV kung matutulog rin lang naman sya?"bulong na tanong ko pa sa sarili ko.

Lumapit ako sakanya. Nakaupo sya habang nakahilig sa gilid ang ulo nya habang natutulog. Naupo ako sa tabi nya at nilagay sa likod ng tenga nya ang mga hibla ng buhok na napunta sa mukha nya.

You look similar with Cassy who I love and who loved me. Kahit tumingin at magmahal ako ng iba, masasaktan ko lang sila. Kasi alam ko sa sarili kong ikaw ang mahal ko, at walang ibang makakaparamdam ng pinaramdam mo sakin Cassy. Bading man kung pakinggan pero, ikaw lang ang babaeng hindi ko kayang makalimutan ng basta basta. Because I loved you so much, and I willing to risk everything to make you mine again.

Nulapit ko ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa makalapat na ang labi namin. To remind you Cassy, this kiss is not our first kiss, I hope one of my kiss to you is you still remember. Kasi ako, every single word you say to me nung unang pagkikita natin hanggang sa wala kang maalala ay nasa ulo at alalang ala ko pa.

Nagilang segundo ang halik ko sakanya hanggang sa pinutol ko na at binuhat ko sya para dalhin sa kwarto nya. Hiniga ko sya sa bed nya at kinumutan at saka ko sya hinalikan sa noo.

"Goodnight my Cassy, "bulong ko sakanya habang hinihimas ko ang ulo nya. At saka na ako lumabas ng kwarto nya.

Nagtungo ako sa labas ng bahay ni Cassy at naupo sa bench malapit doon, at nilanghap ang malamig na hangin. At tumingala ako, marami ang stars at bilog na bilog ang buwan. Ganito kami ni Cassy nangangako at nagbibitaw ng patakaran sa isa't isa tuwing marami ang stars at bilog ang buwan, kunwari magbibitaw sya ng patakaran at ayaw nyang suwayin ko yun kasi pag sinuway ko yun, one month hindi ko sya makakausap o makikita. Tapos pagnangyayari ulit ganon na naman magbibitaw ulit ako at sya ng patakaran. Pero minsan half moon lang ang nagpapakita. At masaya ako kasi lahat na binitawan naming patakaran, natupad namin. Kaya nga lang yung isa at huling patakaran kong binitawan sakanya hindi nya natupad.

Yun ang kahuli huling binitawan kong salita o patakaran sakanya. Ang binitawan kong patakaran sakanya ay.....

"Wag mong hahayaang makalimutan mo ako kahit anong mangyari, at ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba pa."gaya ko pa sa sinabi ko sakanya dati.

Namimiss ko na ang dating Cassy. Yung masayahin, palabiri, natakaw at malambing sa lahat ng bagay. Yung tipo na ikaw yung may kasalanan pero ayaw ka nyang hindi mo sya kinakausap sya na ang mag fifirst move para magkabati kayo. Pero once ko lang nakita si Cassy na magalit, at ang galit na yun ay magpaparamdam sayo ng guilt. Nung time na yun na nagalit sya sakin, that's was a long time ago, girlfriend ko pa sya nun. Nalaman nya kasing nakipaginuman ako sa barkada ko that time at hindi ako nakapagpaalam sakanya.

Nakakatuwa pa nga eh, sya mismo ang pumunta sa bar kung saan ako at ang mga kaibigan ko nagiinuman. At tumayo sya sa harap ko, sandali nya lang ako tiningnan tapos nag walkout na. Syempre good boyfriend ako, sinundan ko sya at nagsorry kasi hindi ako nakapagpaalam sakanya bago kami maginuman. At ang pinakamasakit pa noon ay yung may hindi nya talaga ako nagawang pansinin at kausapin matapos kaming maginuman ng nga barkada ko.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now