Chapter 18

371 9 0
                                    

THEA'S POV;
Nandito kami ngayon sa Pearns hospital. Kanina tinawagan na namen sila tita and tito na nawawala si Cassy. Pero di pa namen nahahanap si Samie kaya kami pumunta dito sa pearns hospital para I check kung tama ang hinala namen ni Luis.

"Ah May dinala ba ditong--"

"Oh Thea, Luis, your here"napatingin kami ni Luis sa nagsalita and I saw tita Margaret mom of Samie. Namumugto ang mga mata.

"T-Tita, what are you doing here?"tanong Ko.

"Hindi nyo ba alam ang nangyari sa anak ko? kay Samie? She's unconscious"mangiyak ngiyak na saad pa ni tita.

Lumapit kami sakanya ni Luis at saka sya niyakap.

"Sorry, to hear that tita, but why? I mean.. What happened?"saad ko pa ng kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya .

"Hindi pa din namin alam, pero ang alam ko kasama nyo sya?"sabi pa ni tita habang nagpupunas ng luha.

"Dapat, kasama dapat namin sya pero nung nasa location kung saan kami magkikitakitang apat kami lang ni Luis ang nandon, hinintay namen sila ni Cassy pero hindi na sila dumating"I explain. Pinaupo muna namin sya sa may upuan atsaka inabutan ng tissue kase hindi maubos ubos ang luha ni tita. "Tapos biglang may tumawag saken, unknown number nung sagutin ko si Samie at sabi nya pa may nangyari daw kay Cassy, at hindi nya nasabi kung nasaan sila,"dugtong ko pa.

Mas lalong humagulhol sa iyak si tita Margaret at saka naman sya niyakap ni Luis.

"Don't worry tita, magigising din si Samie,"pagpapagaan ni Luis sa loob ni Tita.

"Luis ikaw na muna bahala kay tita, tatawagan ko lang sila tita Reign para papuntahin dito"saad ko. Tumango lang sya.

Lumabas na muna ako ng hospiral at doon ko nilabas ang phone ko at dinial si tita Reign. Pero ring lang ng ring.

"Tita pick up the phone.."sabi ko pa at umaasang sasagot sya pero wala hindi nya sinagot. Pagtingin ko sa screen ko... Shutdown.

Tang*na naman oh, bakit ngayon pa?! Buwisit! Bat dika nalang nakisama buwisit kang cellphone ka!!

Papasok na ako sa may building ng hospital ng may nakita akong lalaking nakasandal sa pader malapit sa entrance ng hospital. Kakapalan ko na ang mukha ko I need lang talaga ng phone para matawagan sila tita o kahit na sino sa bahay nila Cassy.

"Ah,  kuya pwedeng makihiram ng phone"kapal ng mukhang saad ko.

Nagaangat naman sya ng tingin at nagtama ang tingin nameng dalawa.

"why?"saad nya.

"Makikitawag lang sana"sabi ko.

"Meron ka namang cellphone oh, bakit makikitawag kapa?"saad nya pa.

"Eh lowbatt ako eh, sige na nga wag nalang salamat"inis na sambit ko.

Tumalikod ako at naglakad pero nakakailang hakbang palang ako hinawakan nya na ang kamay ko. As In sa kamay para tuloy kaming nagholding hands. Natigilan ako sa ginawa nya at napatingin naman ako sa mukha nya nakangiti sya. Abay loko pala toh eh,.

"Huy! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sakanya pero ngumiti lang sya saken. "Wag mo nga akong ngigiti ngitian jan, gusto mo masapak ng dumugo lamang yang ilong at labi mo?!" Mas malakas na sigaw ko Kesa kanina.

"Hey, tone down your voice, pinagtitinginan na tayo oh"saad nya pa.

"Anong tone down tone down your voice jan, sipain kaya kita jan sa ano mo tsansing ka!"sigaw ko ulit.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now