Chapter 20

386 6 0
                                    

Maricar Pov;
Nandito pa kami sa hospital at kahapon pa hindi nagigising itong batang nakita namin kahapon sa dalampasigan.

"Mahal, seryoso kabang kukupkupin natin ang batang iyan, baka may naghahanap rin sakanya"saad ng asawa ko.

"Pag may naghanap sakanya di ibabalik natin, pero pag wala eh saatin na sya."

"Paano kung alam nya, kung saan ang daan pa uwi sakanila at may maalala syang pwede nyang kontakin?"

"Di tutulungan natin sya mahal, ganon lang naman kadali eh,"

"Sana tama tong pinapasok mo mahal"tugon nya bago sya lumabas.

Ano bang mali? Sinabi nang tutulungan din naman namin tong bata eh, kahit kailan talaga napaka advance magisip ng asawa ko.

"Hmm"pagungol ng bata at agad naman akong lumapit sakanya ng bigla nyang unti unting imulat ang mga mata nya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko.

Tinitigan nya lang ako at saka umupo sa hospital bed. Tinulungan ko rin syang umupo.

"Anong masakit sayo? Meron bang masakit sayo?"tanong ko pa.

"A-Ah S-sino po kayo?"tanong nya. Hi di agad ako nakasagot at hindi ko alam ang isasagot ko. "At s-sino ako?"tanong nya ulit. Doon ko lang nagawang magulat dahil sa tanong nyang yun.

Sino sya? Ibig sabihin wala syang naaalala? Ibig sabihin...... May amnesia sya?

"Wala kaba talagang naaalala?"pagkukumpirma ko Umiling sya at saka ko hinawakan ang balikat nya.

"Sino po ba ako? At sino po kayo?"tanong nya pa.

"Ikaw si.... M-Maureen, tama ikaw si Maureen Vin Valdez"saad ko pa. "At ako naman si Maricar Valdez, ako ang nanay mo"dugtong ko pa.

"K-kayo po ang nanay ko?"tanong nya pa at tumango tango namana ako. Agad nya akong niyakap at niyakap ko rin sya.Hanggang sa humiwalay na sya saken. "Pero, bakit wala po akong maalala?"tanong nya pa.

"Naaksidente ka kasi, kamalas malas na napuruhan yang ulo mo, kahapon ka pa namin dinala dito at ngayon ka lang gumising"pagsisinungaling ko.

Siguro pwede na to, na saamin na muna ang batabg ito lalo na ngayong wala syang maalala. Mabait naman siguro ang batang ito eh.

"Nagugutom kaba anak?"tanong ko.

"Medyo po, may pagkain po ba jan?"tanong nya naman.

"Ay oo anak nagpabili ako sa papa mo"saad ko at inabot ang isang mangkong lugaw.

"Salamat po"saad nya pa. Napangiti naman ako.

"Gusto mo subuan kita?"pagpiprisinta ko.

"Hindi na po, kaya ko naman po, salamat po"Tugon nya pa.

Naupo ulit ako sa maliit na sofa at tiningna sya. Ang ganda nya talaga, sana ganyan kaganda si Light pag laki nya. Ay dapat nga palang makilala ni Light ang ate nya.

"Ah Maureen, may kapatid ka"sabi ko pa na kinatingin nya saken.

"Talaga po? Babae po ba Sya?"

"Oo sya si Light Wen Valdez,nakababata mong kapatid"sabi ko pa.

"Wow, talaga po gusto ko po syang makita"Excited pang ani nya.

"Baka mamaya nandito narin sya kasama ng papa mo"Tugon ko pa.

"Sige po"saad nya.

Ilang sandali pa ay natapos na syang kumain. Tumingin tingin lang sya ng magazine ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang asawa ko at ang tunay kong anak.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now