Chapter 33

353 10 0
                                    

MIKAEL POV;
           NAGHIWALAY kami ni Cassy kanina, hiwalay lije uuwi sya tapos ako dito sa bahay nila, kasi panay daw ang tingin ko sa phone ko. Kaya hinayaan ko nalang syang umalis kesa malaman nya ang plano ko mamaya. Hindi na nga kami naka pag groceries kasi badtrip na badtrip na daw sya sakin. Nandito ako ngayon sa bahay nila Xander. Kasama ko silang magplano ng proposal ko kay Cassy.

"Bakit mo naman kasi sya sinigawan?"ani Xander.

Nakuwento ko kasi sakanya yung nanagyari nung paalis kami sa bahay. Yung nasigawan ko si Cassy, yun lang kasi ang paraan para hindi nya malaman ang plano ko.

"Wala na akong maisip na paraan para hindi nya malaman ang plano ko, pag nalaman nya useless lang ang pagpaplano natin"

"Yan ang pinakaayaw ni Cassy, yung sinisigawan sya"

"Wala na nga akong maisip na ibang paraan"

"Sige na sige na, pupunta na kami doon sa venue kung saan ka mag popropose, tinawagan ko narin sila Thea para sunduin si Cassy, at makapag usap narin silang magkakaibigan."

"Sige bro, susunod nalang ako."

Pinanood ko nalang silang sumakay sa kotse at umalis. Pumasok naman na ako sa loob ng bahay nila at nandoon naman sila aling Maricar, aling Miriam at Rica.

"Oh Mikael may problema ba?"tanong ni aling Mariam.

"A-Ah w-wala po,"

"Kinakabakan kaba iho?"ani naman ni aling Maricar.

"Parang ganon na nga po"

Kinakabahan ako kasi nakikita ko lang tong gagawin ko sa mga romance drama.

"Naku iho, natural lang yan basta galingan mo mamaya at dapat mapapa oo mo ang alaga ko ha"ani aling Miriam.

"Syempre naman po,"pagmamayabang ko natawa naman sila.

Hinintay ko na tumawag si Thea or kung sino na kasama ngayon ni Cassy para malaman ko kung nasan na sila.

"Oh pano Mikael, hindi kapa ba pupunta doon?"tanong ni Rica.

"May hinihintay lang po akong tawag."

"Oum... sige una na kami doon nila ate"saad pa ni Rica na ang tinutukoy sila aling Miriam at Maricar.

Tumango tango lang ako hanggang sa nawala na sila sa paningin ko at nakaalis na nga sila. Ako nalang ang nasa bahay nila at hinihintay ko pa ang tawag ni Thea o kung sino man sa kasama ngayon ni Cassy.

Nilagay ko sa center table nila ang phone ko habang naghihintay ng tawag. Ilang saglit pa ay umilaw na phone ko.

~~Xander~~

("Hello bro?")

"Oh bro napatawag ka?"

("Nasiraan daw ng kotse sila Cassy at malayo pa daw sa venue")

"What!?"

("Yes bro, but don't worry may pinadala na akong van doon para mag pick up sakanila")

"Thanks bro,"

("Always bro, sya nga pala pumunta kana dito habang wala pa sila dito, na lowbatt daw si Thea, tapos wala palang contact sila Samie, Amber and Luis sayo")

"Ay oo nga pala, nakalimutan kong si Thea lang ang merong contact ko. Sige na pupunta na ako jan"

Binaba ko na ang call at naghanda na ako umalis. Lumabas na ako at pumunta na ako sa garage nila Cassy at sumakay sa kotse ko.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now