Chapter 26

285 10 0
                                    

MAUREEN POV;
        AFTER 2 weeks nung magkasakit ako ay gumaling din naman ako at nagpasalamat ako kila maam Reign at sir Kevin sa pagaalaga saken habang may sakit ako.

At sa mga dumaang araw naging close na kami nila sir Mikael sir Xander at sir Jack. Sobrang babait nila, kaya lang si sir Mikael lagi akong inaasar pero sinasakyan ko nalang kase alam ko na biro lang lahat yun.

Si sir Xander naman tinanong nya ako kung pwede nya daw akong tawaging little sister, kahit na ayaw ko pumayag na ako kase gusto konrin naman makaexperience na ginagawang bunso. Hehehehe...

So sa ngayon, kasama ko ngayon si Yuhan at nag dedate kami. Tinanong nya kase ako kung pwede nya daw ba akong ligawan, gusto ko sanang tumanggi pero nasa gitna kami ng mall at doon nya ako tinanong kaya hindi ko sya nagawang ireject kase alam kong mapapahiya sya sa harap ng maraming tao.

"Maureen san mo gusto kong kumain?"tanong saken ni Yuhan.

"Kahit san nalang Yuhan, gutom narin naman ako eh,"nakangiti pang sabi ko sakanya.

Walang akong nararamdaman sakanya bukod sa kaibigan wala na. Kaya pipilitin kong gawing dahilan ang mga oras na magkasama kami para mahulog din ako ng tuluyan sakanya.

Dinala nya ako sa mcdo at doon nga kami kumain. Humanap muna kami ng upuan saka. Nagprisinta si Yuhan na sya na daw ang magoorder ng kakainin namin.

Nilabas ko muna ang phone ko at nakita ko na.may message si Bam saken kaya binuksan ko yun.

("Huy! Kamusta date nyo ni Yuhan masaya ba?")_text ni Bam.

"Oo, ito kami ngayon kakain kase nagutom kami kakaikot dito sa mall"_text ko naman.

("Umikot lang kayo? Hindi kayo namili ng kunwari couple bracelet?")_text nya pa.

"Aanhin naman namin yun? Gastos lang, sya nga tong nagsasabi saken na pumili lang daw sya na daw ang magbabayad ayaw ko naman kase gastos nga lang"

("Eh hindi naman ikaw ang magbabayad eh, sige na. Text nalang kita mamaya pag sara nitong shop. Bye.")_text nya ulit.

"O sige"huling text ko sakanya saka ko binalik ulit ang cellphone ko sa shoulder bag ko.

"Huy ang cute ng guy doon sa counter oh"rinig kong sabi pa nung girl sa katabi nya.

"Sino? Yung kausap ng casher?"tanong pa nung girl na kausap nya.

"Oo, yan na yan uupo sya malapit satin"sagot naman nung girl.

Nakita ko naman na palapit saken si Yuhan kaya doon ko lang nalaman na si Yuhan pala.ang sinasabihan nilang cute guy. Hehehe cute at gwapo naman talaga ng kadate ko hehhe. Huhuuhu! Di ko pa kase sure ang feelings ko for him.

Nilapag na ni Yuhan ang mga inorder nya at natigilan ako sa sobrang dami.

"Ang dami naman nito, kaya mo bang ubusin to lahat?"tanong ko.

"Hindi lang naman ako ang kakain eh, ikaw rin naman"saad nya pa.

"Pero hindi naman ako marami kung kumain"saad ko pa.

Nilagay nya ang kamay nya sa lamesa at saka bahagya pang nilapit saken ang mukha nya.

"Edi kumain ka ng marami ngayong first date natin, hehehe"saka ngumiti at parang walang ng mata sa sobrang kasinkitan.

"Ayy, may girlfriend na pala si cute guy, sayang"saad pa ng babaeng kanina sa tabi naming table.

Naptingin naman ako sa mga babae.

Hate Into Love [COMPLETED] Where stories live. Discover now