“Tuldok”
A short spoken poetryTuldok,
Isang simbolo.
Tuldok,
Isusulat pag nais ng huminto.
Simple lang hindi ba?
Mas simple pa sa pagbibilang at pagbabasa.
Ganun ka simple,
Ganun kabilis.
Walang pasabi,
Kaya’t sobra ang sakit.
Ako ang nagsulat,
Ako ang sumulat ng simbolong yun.
Ngunit sa bawat pahina,
Hanggang sa pinakadulo.
Ako, ako pa rin.
Ako lang ang nasasaktan.
Ako ang nagpahinto,
Ngunit ang sarili kong damdamin,
Hindi ko mapahinto.
Pano ba to?
Sabihin mo.Ctto of the picture used
-YourRetardedBicolana🍂
Note:
This poem is also posted on my FB page called Nonsensical... Don't forget to vote, leave your thoughts about this poem, and if you can please follow me.
-Love,YourRetardedBicolana🍂