"Sana ikaw din"
Natatawa ako sat'wing inaalala,
mga araw na pumapasok pa sa eskwela.
Ikaw ang rason kung ba't sa security guard ako ay mas maaga.
Ikaw ang alarm clock na gumigising sa puso kong natutulog pa.Hindi ko labis maisip
Posible pala na ikaw ay magustuhan.
Mula sa simpleng paghanga
sayo, umusbong aking pagkagusto.Sumusulyap lang ako sa puwesto mo.
Umiiwas ng tingin kapag nililingon mo.
Ayoko kasing tuksuhin, ikaw man o ako
baka kasi lalo lang lumala ang pagwawala ng puso ko.Oo na, gusto kita.
Hindi nga lang gaya ng pagkagusto ko sa kanya.
Siguro mababaw pa ang nararamdaman,
tipong mga paru-paro pa lamang sa aking tiyan.Ngunit, subalit, datapwat alam mo ang posibleng kalagyan
Nitong puso kong wala na sa katinuan.
Hindi pa kita lubos na nagugustuhan,
Pero hindi magtatagal posibleng ako'y mahulog na ng tuluyan.Sana lang handa mo 'kong saluhin,
sapagkat mahirap maiwan sa ere at umiyak ng palihim.
Sana naman iyong pansinin.Nagmamahal, sana ikaw din.
