BRENT'S POV*Alarm clock ringing
"Damn this!" angil ko matapos marinig ang tunog ng alarm clock sa side table ko. Pinatay ko ito habang iiling-iling na nakapikit.
Wait, anong oras na?!!
Bigla kong naimulat ang mga mata ko at agad na tumingin sa orasan.
"Fuck, 9 AM na?!" Bigla akong napabangon sa kinahihigaan ngunit hindi pa man ako nakakatayo sa kama, naramdaman kong masakit ang ulo ko. Parang binabarena! Tss
"Arrrrrrrgh!!! Hangover sucks!" sigaw ko at dali-daling pumasok sa bathroom para maligo. Matapos n'yon ay nagbihis ako agad ng uniform at dali-daling bumaba.
"Oh iho, kumain ka muna." ani manang na ngayon ay naghahanda ng agahan.
"I can't make it manang, I do have class pa by 10 AM. I'm late already." nagpatiuna na ako sa paglalakad at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Narinig ko pa siyang sabihing magbaon na lang ako ng niluto niya pero wala na talaga akong oras na hintayin pa 'yon.
Shit, 9:30 na!
Gamit ko ngayon ang Benz ko dahil 'yon ang mas gamay ko sa ganitong klase ng mga sitwasyon. Habang nasa biyahe, iniisip ko kung paano ako makakarating ng EIS ng before 10.
'yon pa naman ang terror na prof namin sa first class. Tss
EIS Parking lot.
Agad kong ipinarada ang kotse ko sa space na talagang para sa akin. Ito ang maganda sa EIS, may kanya-kanyang parking space ang mga estudyante. So kahit late ka na, hindi ka pa rin mamomroblema sa parking dahil may pu-pwestuhan ka pa rin.
"Hoy Cel ang gwapo niya!!" dinig kong sabi ng isang babae na medicine student din pero ibang block.
"Ano ka ba baka marinig ka. Hinaan mo naman ang boses mo!" sabi ng kasama niya.
"Eh ano naman kung marinig niya? Isn't it a good idea?! Basta gwapo talaga siya! Omg kinikilig ako Sis!!!"
Rinig ko ang bulungan ng magkaibigang babae nang dumaan ako sa harap nila. Hindi ko naman na sila pinansin dahil nagmamadali na talaga ako.
Sorry girls, but I'm on a rush.
Nang makarating sa classroom ay nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala pa ang terror na professor namin sa subject na 'yon. Nang makaupo ay pansin kong wala pa rin si Seb sa upuan niya.
Late na nga ako, mas late ka pa rin?!
Maya-maya pa ay dumating na rin ang professor at agad na kinuha ang IPad niya to check the attendance. Nagsipag-ayusan naman na kami ng mga upo.
You dead, Sebastian! Where the hell are you?!
"Abelardo!" sigaw niya. Tumaas naman ng kamay ang lalaki kong kaklase. Galit talaga? Tss
"Andrade!" tawag niyang muli.
"I'm here, Sir." tugon ng isang babaeng may salamin.
"Baluyot!"
Hindi ba uso dito kay Sir ang maging chill lang? Tsk
Abala naman ako sa katitingin sa labas dahil inaabangan ko ang pagdating ni Seb. Nasaan ka na ba? Yari ka na naman eh!!!
"Bro, tawag ka na si Sir." kalabit sa akin ni Callum.
"Where's Cojuanco?!!!" agad akong napatingin kay Sir ng marinig ko ang apelyido kong kanina pa pala niya tinatawag.