CHAPTER 8

13 2 0
                                    


SEB'S POV

HINDI ko na napigilan ang sarili ko na maging emosyonal matapos kong tugtugin at awitin ang kanta. Hindi ko na rin inisip na maraming tao ang nakapukol ang tingin sa akin sa mga sandaling ito at hindi rin malabong nakita nilang naging emosyonal ako kani-kanina lamang. Sa isip ko, ay para bang wala akong ibang nakikita kung 'di siya lang at wala ng iba pa habang inaawit ko ang awiting iyon sa harap niya.

Isang taon na Seb, isang taon na!

"Are you okay?" bungad agad sa akin ni Brent nang makababa ako sa stage. Nginitian ko lang siya bilang sagot. "Look, I know you're not. You can talk to me, I am willing to listen." natuwa naman ako sa sincerity niya. Nakita rin siguro nito na umiyak ako kanina.

Malamang! Nasa harap mo lang kaya siya nakaupo. Tss

"I'm fine, don't worry about me." Binigyan ko siya ng kampanteng ngiti para tumigil na siya sa kakaalala. "Let me help you with that." alok niya nang makita nitong nililigpit ko na ang gitara. "No need, I can manage. Salamat." sagot ko. "I'll just go to the restroom. Dito ka lang at hintayin mo ako."

Iniwan ko si Brent at agad na pumunta sa restroom para maghilamos. Nang makitang ako lang ang tao sa loob ng restroom ay agad akong naghilamos upang hindi mahalata kahit papaano na galing ako sa pag-iyak.

Matapos makapaghilamos, napatitig ako bigla sa sarili ko sa harap ng salamin nang mag-angat ako ng tingin dito. Malungkot ako. Ang mga mata ko ang patunay na taliwas ang ngiti sa labi ko na makikita sa mga mata ko ngayon. Hindi ko alam kung kailan mawawakasan ang lungkot sa sarili ko pero sa ngayon ang tanging alam ko lang ay malungkot ako.

Hanggang kailan ka magiging ganyan Seb?

"Tangina talaga ayan na naman. Tsk" sambit ko nang tumulo na lang ulit ng kusa ang luha sa mga mata ko. Pinahid ko 'to agad dahil nakakahiya kung may pumasok at makita na ganoon ang sitwasyon ko. "Buyset talaga ayaw-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mag-ring ang cellphone ko.

Unknown number calling...

Nag-aalangan akong sagutin ang tawag dahil unregistered contact ito. Sino naman 'to? Saglit pa akong napatitig sa numerong tumatawag bago ko ito alangang sinagot.

"Hello?" alangang sagot ko. Hindi ko naman maramdamang may kausap ako sa kabilang linya kaya nagsalita muli ako. "Hello? Who's this?" inis kong sabi. Rinig ko namang malalim na bumuntong hininga ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita.

"It's me." anang boses lalaki na pamilyar sa akin. Natigilan ako. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdamang bumilis ang tibok nito. Makikita sa mukha ko ngayon ang gulat, pagtatanong at matinding lungkot dahilan upang sakupin na naman ang mukha ko ng sunod-sunod na pagpatak ng mga hindi mapigil na mabibigat na luha. "Kumusta ka?"

Mahigit isang taon na rin ng huli kong marinig ang boses na ito. Boses na nagpapasaya sa akin sa araw-araw, nagpapawala ng pagod ko, nagiging dahilan kung bakit ganado ako sa lahat ng bagay at higit sa lahat, boses na nagpaniwala sa aking espesyal at mahal ako.

Noon Seb, noon.

"Sorry, hindi kita kilala." tanging nasabi ko na lang at binaba ang tawag.

Hindi pa rin kita kayang makausap.

Nang makabalik ako ay siya namang paglapit agad sa akin ni Pao.

"I already deposited your fee sa bank account mo. Thanks for tonight, Seb." nakangiting aniya.

"Wala 'yon, basta ikaw. Kailangan ko rin eh." sabi ko na ang paningin ay nakay Brent.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now