SEB'S POVMatapos ang klase kay Sir Bayut ay nagtungo ako sandali sa CR para maghilamos. Ganito talaga ang trip ko kapag inaantok, kailangan kong basain ang mga mata ko. Hindi pwedeng hindi. Wala eh, nakasanayan ko na.
Kaya lumalabo ang mata ko eh, sutil! Tsk
"Buyset na prof 'yon, yabangan ba naman ako? Ano namang pakialam ko kung grumaduate ang mga 'yon with latin honors? Tss." usal ko habang tinitignan ang sarili sa salamin.
Shit, hindi ko ba naayos ang buhok ko kanina bago umalis?!
"Kung iyayabang man lang din niya sa akin ang mga sinasabi niyang "bright students", siguraduhin man lang niya na makakasagot sa mga tanong niya, hindi 'yong halos hindi na nga maibuka ang bibig sa pagsa—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle.
Sino naman kaya 'yan? Narinig kaya ako niyan? Wala naman akong binanggit na pangalan 'di bale na.
"Ayy? Ang gwapo sana kaso nagsasalita mag-isa. Tse" rinig kong pabulong na sabi ng isang baklang med student din na mukhang galing sa ibang block.
Excuse me?!
"Tss."
May 15 minutes na break bago ang susunod na klase kaya may oras pa ako para magkape. Dumiretso naman na ako sa cafeteria pagkatapos.
"The Medicine Department already posted this year's top medicine students. Have you seen it already?"
"Wait, why is it late? Usually they post it ahead of time. I mean, like before the semester starts. Just like last year."
Iyan ay ilan lamang sa mga usapan na naririnig ko ngayon habang papasok ng cafeteria. Gusto ko na talaga magkape at wala ng panahon pang pag-aksayahan na pakinggan pa ang mga bulungan sa paligid ko ngayon. Isa pa, inaantok ako kanina pa lang sa klase ni Sir dahil wala akong tulog.
I badly need a coffee!!!
"Wait, is he the guy I saw yesterday from class A? OMG girls!!!"
"Lower your voice girl, he might hear you. Nasa likod lang natin siya for heaven's sake!"
"That would be great then, I want to get his attention!" Ako ba pinag-uusapan nila? Tsk
"Wait, si conyo ba 'yon?" pabulong na sabi ko.
Lumapit ako dahil mukhang may hinahanap siya. Hindi mapakali sa kalilingon sa paligid.
"Were you looking for me?" pabirong tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. Kita ko ang pagkabigla ngayon sa mukha ni Brent nang bumaling siya paharap sa akin. Sa reaksyon ng mukha niya ay para bang gulat siyang nasa harap niya ako.
Tinatanong ko lang naman pero parang kabadong-kabado na. Yes or no lang naman. Tsk
"The usual, Miss." baling ko sa kahera. Dali-dali naman itong kumilos para asikasuhin ang order ko.
Hindi ko na napigilan gamitin ang edge ko sa sitwasyon ngayon sa cafeteria dahil ilang minuto na lang ay next class ko na.
Bakit naman kasi sabay-sabay ang break time ng mga students!
Palibhasa ay kasama ako sa priority student ng university bilang kanilang scholar, kaya naman ganito. Ayaw ko mang gawin, pero mukhang kailangan.
Pansin ko ring ibinaling ni Brent ang paningin niya sa kahera na may halong pagtataka sa mukha. Iniisip siguro nito na sumingit ako sa pila. Lol