CHAPTER 2

28 5 2
                                    


SEB'S POV

SOBRANG nakakapagod ang unang araw na 'to para sa akin kahit halos wala naman kaming ginawa sa lahat ng subjects. Sa totoo lang, halos nangalay lang ang puwitan ko kauupo sa maghapon kong schedule. Sa lahat ng pinasukan ko, pulos pagpapakilala lang sa isa't isa ang ginawa namin which is sa tingin ko ay usual lang na ginagawa kapag first day of school. Pero dahil nga nasa EIS ako pumapasok, bilang lang sa mga daliri ko ang nagkaroon ng interes na kilalanin ang isa't isa sa tuwing may magtatangkang kumausap para makipagkilala.

Well hindi ko naman sila masisisi, mga anak iyon ng mga kilalang mayayaman ng bansa kaya may karapatan silang piliin kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat ng kanilang oras, panahon at interes na magpakilala. Ganyan siguro talaga ang sistema ng karamihan ng mga nasa upper class, ka-level mo lang ang dapat mong kaibiganin at pakisamahan.

"Grabe ibang level ang yaman nila ah?" usal ko sa harap ng salamin habang nagtatanggal ng uniform para maligo. "Siguro wala ng mga problema ang mga 'yon bukod sa mag-aral lang nang mag-aral?" dagdag ko pang sabi. "Ano kaya sa pakiramdam ang nasa ganoong buhay? Ang swerte lang nila." natatawa ngunit mababakas ang bahagyang pagkamangha.

Mabilis akong naligo para makapag-advance reading pa pagkatapos bago kumain ng hapunan. 7:30 PM na ako nakauwi ng bahay kanina dahil dinaanan ko pa si Doctora Chavez para sa bago kong glasses sa mata. Habang lunch break kasi kanina, nakarecieve ako ng text galing sa kanya na daanan ko na raw sa clinic niya 'yong glasses ko. Natuwa naman ako kasi finally napalitan na rin.

Hindi rin kasi ako sanay na ang gamit ko ay lens dahil mas sanay talaga ako sa glasses bata pa lang. Kaya naman kanina sa first day, wala tuloy akong choice kung hindi maglens. Ito pa, napilitan din tuloy ako na huwag nang sumabay kay ate umuwi kanina dahil bukod sa mas mauuna ako sa kanya, magrereklamo na naman 'yon. Nagcommute tuloy ako umuwi instead tumawag sa bahay at magpasundo sa driver. Tss

Habang nagbabasa, bigla ko tuloy inis na sinara ang libro na binabasa at padabog na kinuha ang unan na nasa tabi ko at mabilis na isiniksik ang ulo sa inis dahil sa naalala kong katangahan na nangyari sa'kin kanina. First day pa talaga Seb? Pwede namang second o third day pero bakit first day mo pa piniling ipahiya ang sarili mo at hayaang ipakilala mo ang sarili sa mga kaklase mong ikaw ang 'Mr. Late' ng section niyo? Grr "This is bullshit!" biglang bulalas ko sabay bato ng unan sa pinto dahilan para gumawa ito ng ingay sa labas.

"Sebastian anak? Are you okay? Why are you shouting? Is there any problem son?" sunod-sunod na katok ni mommy nang hindi ko siya pagbuksan ng pinto. Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari sa'kin kanina. HINDI KO PA RIN MATANGGAP ANG KATANGAHAN NA GINAWA KO. I GOT EMBARASSED JESUS! "Yeah I'm okay mom, don't worry about me. May ipis lang na lumipad." pagkukunwari ko habang kunot-noo pa ring nakikipagtitigan sa kisame at gigil na gigil na kuyom ang mga palad.

Sinungaling! walang ipis sa kwarto mo Seb, napaka OC mo remember? Tss

"You sure? Well dinner is ready, bumaba ka na maya-maya okay? Your dad is here already. Don't keep us waiting." aniya at narinig ko na itong lumakad papalayo sa kwarto ko.

Naiinis man ay dali-dali na akong kumilos at hinayaan lang na nagkalat ang mga gamit ko sa hindi mapangalanang ayos niyon. Istrikto si dad lalo na pagdating sa pagkain. He wants us to eat all together in one table as much as possible kung hindi sila busy ni Mommy. Usually kasi, dinner lang kami madalas kumain nang sabay-sabay kaya ganoon na lang kahalaga iyon sa pamilya namin. After all, dad and mom always make sure that they have time to eat with us despite of their busy schedule everyday.

Pababa na ako sa kusina nang bigla ko na namang maalala 'yong nangyari kanina. For sure, they will ask me how my first day went.

Should I tell them? Ay ewan, bahala na!

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now