CHAPTER 11

18 3 0
                                    


POLO'S POV

Gumising ako na dinaramdam ang sakit ng ulo ko dala ng hangover na inabot ko sa sobrang kalasingan kagabi. Hindi ko nga rin alam kung paano ko pa ba nagawang magmaneho pauwi kung gayong umiikot na ang paningin ko sa pagkalasing.

Sanayan na lang.

Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa bathroom upang maligo. Matapos ay nagbihis ako agad para pumasok sa unang klase ko sa umaga. Buti na lang scrub suit ang type of uniform ko ngayong araw kaya hindi na rin hassle sa pagbibihis.

Late na rin akong nakauwi kagabi kaya late na rin akong gumising ngayong umaga. Kaya naman ganito na lang ang pagmamadali ko sa pagkilos dahil ayokong malate sa unang klase. Well sabagay, hindi ko naman ugaling maging huli sa ano pa mang lakad ko sa buhay.

"Ugh, damn this hangover!"

Nang makababa ako sa sala ay siya rin namang pagbaba ni Dale na talagang ikinagulat ko.

"Good morning everyone!" masayang bungad niya.

Wait, nandito na siya?!

"Don't look at me that way, gulat na gulat?" natatawang aniya.

Napako pa rin ang paningin ko sa kanya at hindi ko man lang magawang alisin 'yon.

"Baka gusto mo munang maupo Polo Dior? Tsk" dagdag pa niya.

"Kailan ka dumating?" takang panimula ko. Nginiwian niya ako.

"Last night lang. Pero dahil wala ka pala dito kagabi sabi ni Manang, kaya 'di mo ako nakita. Okay na?"

"I went outside with the boys. Nandito na rin si Arth eh. Kahapon lang din umuwi. We had a welcome-home celebration so that's why."

"I see." aniya habang kumakain ng hotdog. "So how are you? How's med school?" tanong niya.

"It's good Dale. Kinakaya pa naman." walang gana kong sagot. Itinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain.

"Wait, did you just call me Dale?" may bahid ng inis sa tono niya. Ayaw na ayaw niyang 'Dale' lang ang tawag ko sa kanya dahil feeling niya ay nababastusan siya sa akin.

Tsk.

"Okay, ate." sarkastiko kong sabi. Umaliwalas naman ang mukha niya.

Hindi kami medyo close ni Dale sa isa't isa sa totoo lang. Madalas nagkakainisan kami dahil sa mga bagay na hindi namin mapagkasunduan. Pero may mga araw din namang ayos kami ngunit ang kaso nga lang, sobrang dalang. Siguro isa lang ang napagkakasunduan namin sa buhay, iyon ay kapag may kinalaman ang isang bagay sa Medisina. Pareho kasi kaming nasa medical field kaya gano'n just like our parents.

In short, we're family of doctors.

Iba kasi ang hilig niya sa buhay at iba rin naman ang akin. Talagang nagkakainitan lang kami kapag ipinipilit niya ang gusto niya sa gusto ko.

Dalawa lang kaming magkapatid at kamalas-malasan namang siya pa ang naging ate ko. Mabait naman siya oo, masyado nga lang talagang OA at authoritative most of the time. Tss

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Talagang tatahimik ka lang diyan?" pagbasag niya sa katahimikan.

"So tell me, ano bang gusto mong marinig sa'kin ate?" inis kong sabi.

Ayan na naman siya, namimilit.

"Like, "How's US ate? Did you miss me?" ganun! Ano pa't naging kapatid kita Polo! Hays."

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now