SEB'S POV"Class dismiss" ani professor sa last subject ko ngayong hapon.
Maghapon kaming puro lectures at discussion kaya naman kanina pa nangangawit ang pwet ko sa kauupo at medyo inaantok ako.
Imbes na umuwi agad, nagdesisyon akong dumaan muna sa library at magpalipas ng oras habang inaantay si Mang Bitoy na dumating.
"Excuse me, do you have your library card already?" sabi ng librarian kaya naman agad-agad kong inilabas ang library card ko.
"Ah yes, here." abot ko sa kanya.
"Great! Kapag manghihiram ka lang ng books at saka ko 'yan kukunin. Okay?"
So bakit mo pa hinanap? Tss
"Got it, Miss."
At dumiretso ako sa medical section books gaya ng itinuro ng librarian at nagsimulang maghanap-hanap at magbasa-basa ng mga libro.
"Ayan siya oh."
"Really? Siya ba ang tinutukoy mo?!"
"Oo nga, ang gwapo 'di ba?! Ang talino pa!"
"Worth it ang sundan natin siya girl!"
Naagaw niyon ang atensyon ko kaya naman pasimple akong lumingon sa bahaging pinanggalingan ng usapan. Napansin kong nasa likuran ko lang na isang shelf lang ang pagitan mula rito sa kinasasandalan ko kaya naman rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"OMG! lumingon siya!"
"Gawwd! Napansin niya kaya tayo?!"
Dalawang babae at mukhang magkaibigan base sa nakikita ko. Hindi ko pinahalatang nakita at naririnig ko sila kaya naman itinuon kong muli ang atensyon ko sa binabasa.
"Bakit naman kasi may ganyang kagwapong nilalang?!" ani noong isang babae na mas matinis ang boses kaysa sa isa.
Ang sakit sa tenga!
"I like the way how serious he is. Like look at his face with glasses? Girl I'm dyinnnn'!!"
Lalo pang tili nito dahilan para mapapikit ako sa tinis at sakit sa tenga nito."Girl look at his lips O-M-G!!!" banat naman ng isa. "Paanong may ganyang halos perpektong labi?! It's like his lips are fit to mine!!!" sinasabi niya yan habang hinahaplos-haplos pa ang sariling labi nito.
Wth?!
Naiirita man ngunit pinipigilan ko ang sarili kong hayaan na lang sila dahil alam kong mawawala rin 'yan.
Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil pansin kong sinasadya nilang iparinig sa akin kung ano man ang pinag-uusapan nila.
As if naman interesado ako lol
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa at pinilit na ituon ang atensyon doon.
Dumaldal kayo diyan maghapon.
"What's his name again?! You met him yesterday right?"
"Tss. Stalker." mahinang bulong ko sa paraang ako lang ang makaririnig.
"He is Timothy Del Mundo," kinikilig nitong sagot. Para siyang inasinan na uod sa ginagawa niya ngayon. Nakakairita. "an anti-social yet acquisitive and drop-dead gorgeous class A med student." dagdag pa nitong aniya.
Drop-dead gorgeous?! Hahaha
"Sa mga sinabi niya, 'yan lang ang nagustuhan ko ah? Nice." bulong ko pa at bahagyang napangiwi dahil sa narinig.