SEB'S POV
Walang tigil na pagbati ang natatanggap ko simula kaninang umaga pa lang hanggang ngayon mula sa mga hindi ko naman kilalang estudyante, faculty, professors at ultimo maging classmates ko ganoon rin.
Ito na ba 'yong sinasabi ni
Keyah na magiging kilala ako dahil do'n? Tch kornyLunch break na kaya naman ang daming students mula sa labas ng cafeteria hanggang sa entrada nang makarating ako.
Nagugutom pa naman din na ako hays
"Sebastian!"
Napalingon ako ng biglang may tumawag sa akin na hindi ko matukoy kung nasaan. Kaya naman takang hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.
"Hey, Mr. Topnotch! Here!"
At sino naman 'to? Tss
Isang lalaki na hindi ko kilala ang tumawag sa akin sa hindi kalayuan. Nasa counter siya ngayon at hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay. Ang lapad ng pagkakangiti niya sa akin dahilan para tignan ko siya ng may halong pagtataka.
Aba! Kumakaway pa nga?!
Lumingon pa ako sa gawing likuran ko dahil baka ibang tao ang tinatawag niya at nagkakamali lang ako.
Hindi ako sanay na tinatawag akong Sebastian kaya malakas ang paniniwala kong ibang tao ang hinahanap ng lalaking 'yan.
"Hey! It's you!" dagdag pa niya. Itinuro ko pa ang sarili ko sa kanya kung ako ba talaga ang hinahanap niya. Tumango naman ito at sinenyasan akong lumapit sa gawi niya.
Lakas mang-utos nito ah!
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.
"Wala naman. It's just that, baka gusto mo lang kakong isabay na kitang iorder dahil as you can see..." lumingon siya sa gawing likuran namin na may mahabang pila. "ang daming nakapila oh, kung pipila ka pa eh baka matagalan ka. You know, we still have class pa."
Tinignan ko naman siya ng may nagtatanong na tingin.
Ganito ba talaga mga students dito? May weird, may conyo, may paladesisyon. Tch
Nang hindi ako sumagot sa sinasabi niya ay nagsalita muli ito.
"Look, hindi mo ba ako nakikilala?" nakangiting tanong niya. Lalo naman akong naguguluhan sa kanya.
Obligado ba akong kilalanin ka? Tch
"Wait, sino ka ba? Bakit kilala mo ako? Hindi nga kita kilala eh." inis kong sabi sa kausap.
"Fine, let me formally introduce myself to you. I'm Cal" lahad niya ng kamay. "Callum Tan, Brent's bestfriend. Also from class A."
Kaya naman pala. Tch
Hindi ko inabot ang kamay niya sa halip ay tinanguan ko lang ito.
Bakit parang hindi ko naman siya mamukhaang blockmate ko siya?
"Tama nga si Brent, masungit ka na nga, suplado ka pa. Now I know hahaha!"
"Tss"
"No need to ask you anymore, I'll treat you a lunch. Alam ko kasing tatanggihan mo ako."
"You don't ne—" hindi na ako natapos pa sa sasabihin ko nang bumaling siya sa kahera.
Bastos! Kinakausap pa kita!
"Another set of order Miss, same na rin noong sa akin thanks." at humarap muli siya sa akin. "I ordered you already. You can't say no."