PROLOGUE

57 6 1
                                    

Naisipan kong maglakad-lakad sa bahaging madilim at hindi mataong parte ng dalampasigan. Bagay na bagay ang malamig na panahon sa lungkot na nangingibabaw sa sarili kasabay ang mga tala sa kalangitan na animo'y nararamdaman ang emosyon na bumabalot sa'kin sa mga sandaling ito. Bago humiwalay sa mga kasama kanina, naisipan ko na lang bigla na kumuha ng isang canned beer at hinayaan ang sariling mga paa na dalhin ako sa kung saan.

Naisip ko, matagal-tagal na rin noong huling nagkaroon ako ng oras para sa sarili upang mag-isip-isip. Matapos mangyari ang lahat, sa tuwing pumapasok sa isip ko at pilit na sumisilip ang lungkot ng nakaraan, mas pinipili kong takasan ito at ituon ang atensyon sa mas mahahalagang bagay. Nakalimutan ko, na ang bagay pala na pilit kong tinatakasan noon ay ang bagay din na sa tingin ko ang magpapalaya sa'kin sa sakit ng nakaraan.

Sa mga oras na ito, hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa buhanginan at nakaunat ang dalawang binti na malayang pinadadaloy ang tubig-dagat sa mga paang sabik sa pakiramdam na iyon dala ng matagal na pagkawala sa lugar na kung saan nagsimula ang lahat.

Ang kaliwang kamay ko naman ay nakatukod sa parteng likuran habang hawak naman ng kanang kamay ang malamig na beer na ngayon ay pawis na pawis sa sobrang lamig nito. Binuksan ko ito at tahimik na tumungga habang pinagmamasdan ang paligid. Mukhang ganoon pa rin ang lugar, walang pinagbago. Kung anong itsura nito noong huli kong parito, mukhang ganoon pa rin ang ayos at istilo.

Kahit noon pa man din, hindi talaga naiaalis sa'kin ng lugar ang laging pagkamangha sa ganda nitong taglay. Ano pa man ang pinagdadaanan mo sa buhay, lagi at lagi mong pupurihin ang lugar. Hindi mo mababago sa lugar ang likas nitong ganda at katahimikang ibinibigay sa pakiramdam sa mga taong pinipili ito bilang lugar ng pahingahan at panandaliang kapayapaan sa buhay.

Kalmado ang dagat. Ang mahinang tunog na dinudulot ng maliliit na alon ang nagpapadagdag sa aking pakiramdam at nagsasabing ito na ang tamang oras. Na ito na ang tamang pagkakataon na harapin ang lahat sa nakaraan. Ipinararamdam sa'kin ngayon ng kalmado't mapayapang dagat na hindi niya ako iiwan, handang makinig ng walang panghuhusga at magiging saksi sa lahat ng sakit na idinulot ng nakaraan sa sandaling magkwento ako na kanya namang walang alinlangang pakikinggan.

Ang liwanag na dulot ng buwan na nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng dalampasigan ang tanging nakikita kong kanlungan sa mga oras na ito. Kasabay nang pagkinang ng mga bituwin sa kalangitan ay ang unti-unting panlalabo rin ng aking mga mata dala ng luhang namumuo mula rito.

Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang pag-agos ng mga ito ngunit hindi ako nagtagumpay dahil sadyang traydor ang emosyon at hindi mo makukuhang pigilan kahit na gustuhin mo man. Dire-diretso. Walang tigil, walang hinto.

Ang patuloy na pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi ang patunay na nasasaktan ako. Hindi tulad ng mga tala sa kalawakan, kumikislap ito dala ng natural nitong kinang, hindi tulad sa mga mata ko ngayong kumikislap sa kinang dulot ng luha mula sa lungkot at sakit na hindi ko alam kung kailan mawawakasan at matutuldukan.

"Hindi ko namalayang, sa iba na pala ang sentro ng mundo mo.
Hindi ko namalayang, sa piling ng iba na pala ang nais mo sa mga sandaling ako ang kasama mo.
Hindi ko namalayang, hindi ka na pala komportable sa tabi ko dahil sa iba mo na nararamdaman ngayon ang kapayapaan na dati'y ako ang nagbibigay sa'yo.
Hindi ko namalayang... hindi na pala ako at iba na ang mahal mo."

"Kailan nagbago ang lahat?
Hindi ba ako naging sapat?
Sabihin mo ng totoo't tatanggapin ko ng buong puso't tapat.
Kahit masakit, dahil iyon ang nararapat."


W A R N I N G:

* the author himself is a bit attitude.
* a bit intimidating
* serious most of the time
* a bit scary
* willing to slap someone else's face due to bad temper.
* stubborn for progress, unless momentum has arrived. 

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now