CHAPTER 15

15 0 0
                                    


SEB'S POV

"I'm jealous."

Did he say he's jealous?

"W-what? Excus—"

"I said I'm jelous Seb! I'm damn jelous!

Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang sinabi niya.

He's jelous? Of what? W-whom?

"Now it's your turn. I gave you the reason why." Lumapit siya ng bahagya sa akin at hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. "Now it's your turn to answer me."

Damn this! Move Seb!

Siguro isang dangkal na lang ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa tantiya ko. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.

"Ano ba! Lumay—" tinulak ko siya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Naroon ang kamay niya sa likurang bahagi ko.

"Not until you give me an answer who the hell was that. Now tell me." lalo niya akong hinigit papalapit sa kanya.

"W-why?" napapalunok kong sabi. Nangangapa sa sasabihin. "I mean... w-why are you j-jealous?"

"I should be the one only asking you."

Lalong humigpit ang hawak niya dahilan para lalo akong mapalapit sa katawan niya. Naririnig ko ang kabog ng dibdib ko at natitiyak kong nararamdaman niya rin yon at maling galaw ko lang, mahahalikan niya ako.

This is bullshit

"I'm waiting Seb." diretsong sabi niya habang nakatingin sa mata ko pababa sa labi ko. "I'll kiss you if you don't answer me. You cho—"

Tf?!!!

"He's Bry." napapapikit kong sabi. Napapaiwas. "Now let go off me." at pinilit kong kumawala sa kanya pero sadyang malakas talaga siya.

Lasing pa siya nito ah?!

"Who is he? Who's that Bry?" may inis sa mukha niya ng sabihin niya 'yon.

"Bakit mo ba tina—" naputol ang sasabihin ko nang biglang nangibabaw ang pamilyar na boses.

"Seb?" may pagtatanong sa tinig at mga tingin niya. Kitang-kita panigurado nito ang sitwasyon ko ngayon sa mga bisig ni Brent.

Damn this!

Nakatingin lang siya sa amin ngayon sa ganoong sitwasyon habang bitbit ang dalawang plastik ng basura. Mukhang magtatapon ata siya.

Now I'm dead!!!

Naramdaman ko namang kumalas sa pagkakahawak si Brent sa akin at humarap ng walang alinlangan kay Sab.

"Who is he? Your new bo—" pinigilan ko agad si Sab sa sasabihin niya ng makuha ko ang ibig niyang sabihin.

"N-no he's n—"

"I'm Brent. Brent Cojuanco." pagpapakilala nito sa ate ko sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman ni Sab ang kamay niya ng nag-aalangan.

Why is this happening?!

"I'm sorry for what you saw by the way, It's not like of what you th—"

"Are you drunk?" maarteng tanong ni Sab.

"Sort of but I'm sober." sagot nito.

Bumaling siya sa akin.

"Mom and Dad are waiting for you. Finish now your business here and we'll talk later about this, I'll go in first." sabi niya. "Nice meeting you drunky boy." baling niya kay Brent at tuluyan ng pumasok sa loob. Napapapikit naman akong bumuntong-hininga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now