POLO'S POV
"Sa tingin mo, sino kaya 'yon?" ganoon na lang ang kyuryosidad ni Mavy, ang tinutukoy ay 'yong estudyanteng nakwento ni Doc. Bayut sa klase namin kanina lang.
"I have no idea, Mav." tipid kong sagot.
"Ang lakas niyang sagutin ng ganoon si Doc ah? That student must be out of his mind." iiling-iling pa niyang dagdag.
Naglalakad kami ngayon papuntang library para maghanap ng ilang reference books na kakailanganin namin ni Mavy sa case presentation kay Doc. Bayut. By pair kaya naman kaming dalawa ang magkapares.
Every year ay humahawak si Doc. Bayut kung hindi isa ay dalawang subjects sa block namin every year. This year, Neurosciences ang hinawakan niya sa amin at happy to say, isa lang na subject this semester sa kanya.
Kalbaryo ang buhay med school kapag siya ang professor. Hays
Actually base sa experience ko, every year ay hindi nawawala sa list of professors si Doc. Bayut. Mula freshmen, sophomore at ngayon bilang junior med student, professor ko pa rin siya. Para sa kanya, dapat laging may hawak siya every block sa Medicine Department lalong-lalo na sa mga Class A sections every year level. Ganoon siya kahigpit at katutok sa amin bilang mga magiging doktor years from now.
Nang makapasok sa library ay napansin kong bukod sa amin ni Mavy ay may iba pang mga students na naroon. Halatang karamihan sa mga ito ay medicine students din pero from lower years.
"Ano bang mga libro ang kailangan natin bro?" biglang tanong ni Mavy nang makahanap ng pwesto at naupo. "Teka nga, nasaan ba ang listahan?"
Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam kong siya ang nagtake down notes kanina ng mga kakailanganin naming libro pero siya 'tong nagtatanong ngayon. Psh
"What? Nasaan?" bagot niyang tanong.
Nasapo ko naman ang noo ko. "Tsk. You wrote it down sa tablet mo."
Agad naman niyang tinignan ang IPad niya at nakumpirma nga niyang naisulat niya doon. "Sorry bro hehe"
Nginisian ko lang siya. "Give it to me, ako na lang ang maghahanap ng mga 'yan sa book shelves as always. Tch"
Ito lagi ang role ko kapag kapair ko 'yan si Mavy, tagahanap ng libro! Wala eh, tamad at walang tiyaga maghanap.
"Thank you and I love you na agad bro! Mwah!" nang-aasar niyang sabi.
"Ewan ko sayo! Prepare my laptop for the powerpoint presentation old man!" at saka naglakad papalayo at nagtungo sa book section na related sa neurosciences.
Hindi na sana hassle kung ang e-library ang gagamitin namin para maghanap ng reference dahil computer-based na ang mga naroon which is katabi lang din naman nitong kinaroroonan naming building. Pero sa case kasi namin ngayon, mga lumang medical books talaga ang dapat namin makuha and worst, somewhere 1900's pa na book ang edition ng mga ito.
Habang pinipili isa-isa upang tignan ang mga nakahelerang libro ay panay tingin ko rin sa tablet para sa list ng kailangan ko. Sa itsura ko ngayon, hawak ng kaliwang kamay ko ang IPad habang abala ang kanang kamay ko para isa-isahin ang mga librong nakahilera na nakikita ko. Palipat-lipat ang tingin.
Nakakahilo!
"Ito pwede." sambit ko nang may makitang posibleng magamit. Tumingin pa muna ako sa kaliwa't kanan ko kung may ibang tao o wala bukod sa akin. Nang makumpirmang wala, ay nagpatuloy ako sa paghahanap. "This one is also related." dagdag ko pa.