AUTHOR'S NOTE:
Ito ang kauna-unahang bl story na tahasang isinulat ng awtor. Hindi naging madali para sa kanya ang naging proseso ng pagsulat para rito. Panahon, pagsisikap, sipag, at interes ang naging puhunan ng may-akda sa pagbuo ng obrang ito. Ngunit dahil sa layunin niyang maipamulat sa lahat ang mensahe ng obra, ito ang naging lakas niya upang mabuo ito sa paraang maraming mambabasa ang mabibigyan ng inspirasyon sa buhay upang magpatuloy.
On the other hand, expect also some typographical errors or even grammatical errors while reading. The author himself isn't expert that much in writing and still learning.
Lastly, he just want to say 'thank you' dahil nandito ka, kasama niya. Ramdam niya ang saya sa pagsusulat dahil alam niyang mayroong ikaw, na tumatangkilik at sumusubaybay sa kanyang likha.
SEB'S POV
MAAGA akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog dala ng ingay na naririnig ko mula sa ibaba. Isa lang ang nasisiguro ko niyan, nagtatalo na naman sina mom at ate kung sino ang magluluto ng agahan. Ewan ko ba pero sa maniwala kayo o sa hindi, araw-araw silang ganyan. Well, para sa kaalaman ng iba, mahilig silang dalawang magluto kung kaya't hindi na nakapagtataka kung namana ni ate ang galing ni mom sa pagluluto.
Mula sa kwarto ko, naririnig ko kung ano ang pinagtatalunan nila.
Tss, ang aga-aga sa inyong mag-ina for heaven's sake!
"Mom, ako na kasi diyan, ikaw na kahapon eh, pati ba naman ngayon ikaw pa rin ang magluluto?" dinig kong reklamo ni ate.
"Aba tumigil ka nga diyan Sabrina, umupo ka na lang diyan at hintayin mo na lang akong matapos makapagluto rito. Baka sa pagpupumilit mong ikaw ang maghanda ng agahan eh malate ka naman sa klase mo." tugon ni mommy na medyo natatawa marahil siguro sa nagiging reaksyon ng mukha ni ate.
"Thank you, Lord!" sambit ko pagkabangon sa higaan habang nag-uunat ng mga braso sa ere.
Kinasanayan ko na talaga sa paglaki na sa bawat umaga na gigising ako, lagi akong nagpapasalamat sa buhay na natatanggap ko pa rin hanggang ngayon. Naks, God-fearing! Good thing, even up to now ay hindi ko pa rin nababago ang ganitong nakasanayan.
Inayos ko rin mula sa magulong ayos ang mga unan, tiniklop ang ginamit na kumot at panghuli, pinatayo ko si spongebob na human size stuff toy na gabi-gabi kong kayakap sa pagtulog. Regalo pa sa akin 'yan ni Dad noong 7th birthday ko kung hindi ako nagkakamali. I'm a very sentimental person though. Sobrang pinahahalagahan ko ang mga bagay na binibigay sa'kin lalo na kung galing ang mga ito sa parents ko. But yes, tama kayo nang narinig, I'm a fan of spongebob since when I was a kid.
Who cares? Basta I'm a fan!
7:30 na ang oras sa phone ko nang lumabas ako sa kwarto para mag-agahan. Pero siyempre bago yan, nagmumog muna ako.
I know what you're thinking though, tss...
Ngayon din pala ang unang araw ng klase ko sa Med school as a first year medicine student. Sobrang saya ko lang talaga dahil finally, pakiramdam ko eh napakalapit ko na sa pangarap ko -ang maging isang Doktor. That 'MD' in my last name.
Naalala ko pa nga kung paano ko ginusto na maging Doktor noon at patuloy na ginugusto hanggang ngayon. Sa pagkakatanda ko, dahil iyon sa isang batang nakilala ko sa isang palaruan noon malapit sa dati naming bahay 15 years ago na base sa pagkakaalala ko, inatake ng sakit niya sa puso habang naglalaro. I was with my cousins that time playing around and he was with his yaya noong mga panahong iyon. Binabantayan siya I guess habang nakikipaglaro sa ibang bata. Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin kung paano inatake ang batang iyon. Tumatakbo siya ng biglang natumba ito sa hindi malamang dahilan. Noong nagkagulo ang mga tao dahil sa kanya, nagsimula na siyang dumugin at kasama na kami doon siyempre. Dahil nga bata rin kaming katulad niya, tinignan namin siya kahit hindi naman namin kilala kung sino talaga siya.