ARTH'S POV
"Polo called me and he's now on his way na raw sa bahay nila. How about you bro?" tanong ko kay Enzo matapos niyang sagutin ang tawag. Pinatutuyo ko naman ngayon ang buhok ko gamit ang blower habang kausap siya.
"Nagbibihis na ako. Anyway, are you sure we're going to surprise him? Baka magalit 'yon sa 'tin siraulo ka." ramdam ko ang kaba sa boses niya. Pero dahil kilala ko ang isang Polo Dior Lorenzo, tuloy ang prank.
Patawarin mo na ako Polo ngayon pa lang hahahaha
"Hindi 'yan. Kilala mo ang isang 'yon, hindi marunong magalit sa 'tin. Inis pwede pa!" kampante kong sagot. Lumabas naman na ako ng bathroom at pumunta sa closet area ng room ko para mamili ng susuotin.
"Siguraduhin mo lang Domingues at baka tuluyan na kitang burahin sa buhay ko 'pag nagkataon. I'll see you there then. Bye." sabay baba ng tawag. Halatang mahihimigan ang sarkasmo sa boses niya. Hindi naman na ako natitinag diyan sa linyahang 'yan ni Enzo dahil palagi niya 'yang sinasabi sa 'kin even before kapag nag-aaway kami yet we're still bestfriends up to now.
I think that's what makes our relationship stronger lol
Aminado naman akong, ako ang medyo loko sa aming tatlo at madalas na kinaiinisan nilang dalawa. Pero anong magagawa ko? Domingues will always be a Domingues.
Natawa ako sa sariling naisip.
Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa garahe para gamitin ang mahigit 3 taon ko nang hindi nagagamit na kotse na regalo pa sa'kin ni Dad noong debut ko. Mabuti at kahit nasa Australia ako, hindi ito nakalilimutang i-check ni Kuya Larry kaya mukhang bago pa rin hanggang ngayon.
"What's up, Bumble? How are you? You look much better now unlike before." pagkausap ko sa kotse. Para akong wala sa sarili habang niyayakap ang unahang bahagi ng sasakyan bago tuluyang pumasok sa driver's seat at pinaharurot ito.
Bumble ang ipinangalan ko sa kanya dahil 'why not?' isn't it cute for my baby boy? Lol
Makaraan ang 30 minuto, nakarating din ako sa wakas sa Jam. Ang lugar na kung saan panandaliang nakalilimutan naming magkakaibigan ang mga problema namin sa buhay kahit noon pa man. Masyadong sentimental ang lugar na ito para sa aming tatlo nila Polo at Enzo. Dito namin nakukuhang maging totoong kami nang hindi iniisip ang sasabihin ng iba.
Makikita sa loob ng bar na parang halos walang pinagbago. Sa pagkakatanda ko noong huli kong parito, ganito pa rin ang setup ng mga furnitures at tables. Siguro designs at lightnings lang ang binago. The rest are almost the same.
Grabe I really miss Manila night. I miss Jam!
Hinanap ko naman si Marco na paborito naming server na magkakaibigan. Sana he still works here pa. Lumapit ako sa kitchen island at tinanong ang nakatayong bartender na nag-aassit doon.
"Excuse me, does Marco still work here?" tanong ko sa lalaking ngayon ay nagmimix ng drinks. Tumigil naman siya saglit at inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.
"Hi Sir, yes po dito pa rin siya nagtatrabaho. Ano pong kailangan ninyo sa kanya?" sagot nito. "Actually ayun po siya." turo niya sa isang lalaking nasa dulong bahagi ng lugar. Halatang busy si Marco kaseserve ng mga orders ng customers. "I see. Can you please tell him to look for me right after? I'll just sit there." turo ko sa pwestong madalas at paborito naming inuupuang magkakaibigan. Malapit kasi ang bahaging iyon sa stage na madalas ay may nagpeperform na guest at maganda talaga ang ambiance. Palibhasa'y VIP spot kaya maganda talaga.
"Ano po bang pangalan ninyo Sir? By the way, nakareserve po ba kayo for that sit? Nakalimutan ko pong itanong." kakamot-kamot niyang aniya.