POLO'S POV*Phone ringing...
"Sorry guys, would you mind if I excuse myself for a while? I really need to take this call. Kanina pa 'to tawag nang tawag eh" pakiusap ko sa mga kasama ko sa table. Hindi ko naman na sila inantay pang sumagot at dali-dali akong lumabas ng gym.
"Hello?" bungad ko sa kabilang linya. Mahihimigan sa boses ko na nangangapa sa kausap dahil unregistered contact ang tumawag. "Who's this?" malumanay kong tanong sa kausap. Tinatahak ko rin ngayon ang daan papuntang parking lot dahil may nakalimutan din akong document sa kotse na kakailanganin kong ipasa mamaya sa professor pagkatapos ng event.
"Hey bro! Bestfriend!!!" tinig ng isang lalaki sa kabilang linya na tunog-australian base sa accent nito.
"Art? Is that you?" hindi siguradong tanong ko sa kausap.
"Yes I am! Have you forgotten already your bestfriend's voice huh?" natatawa nitong sabi.
"Damn it's really you, Bro! Kumusta na? Are you currently in Manila? It's been a while! I miss you, Arth!" natutuwa kong sabi sa bestfriend ko. Totoong namiss ko ang mokong na 'to dahil medyo may katagalan na rin noong huling kita naming dalawa. Sa Australia na kasi siya nakabased dahil nandoon ang pamilya niya. Doon na din siya nag-build ng career at umuuwi na lang siya dito sa Pinas for vacation.
"Well I'm good bro. Same old Arth pa rin I guess? I'm still your poging bestfriend pa rin naman." biro nito. Natawa naman ako dahil wala pa ring pinagbago ang loko.
Siya pa rin nga talaga si Arth. Ang ultimate bestfriend kong mayabang!
"Well I guess, Arthur Domingues will always be Arthur Domingues. Mayabang na mahangin ka pa rin!"
Pang-aasar ko sa kanya sa kabilang linya. "Accent lang pinagbago mo bro, the rest ay mukhang ikaw pa rin!" tumawa siya. "Kailan ka pa pala dumating? Hindi ka man lang nag-message sa'kin nang nasundo sana kita.""Kanina lang ako actually dumating. Besides, alam kong sobrang bsuy mo na sa buhay lalo na sa med school para abalahin ka pa. By the way, where are you now? Are you busy tonight? Let's hangout!"
"Well, I'm currently at school. Med school sucks and busy as always. We have an orientation actually today when I had to excused myself from there just to answer your call." nangongonsensya kong sabi.
"I see. But you're free tonight right? Hindi ka pwedeng tumanggi Polo! Ngayon na lang ulit tayo magkikita at magkakasama baka nakakalimutan mo? Magtatampo ako sa'yo niyan. Hmm" bumabawi ang mokong sa pangongonsensya. Alam ko namang wala akong magagawa kapag si Arth na ang nag-aya. Hays
"Okay fine. Let's meet later right after my class. I'll text you once my class is over." pagpayag ko sa kanya.
"See? Hindi mo talaga ako mahihindian Polo. So paano ba 'yan, sa dating gawi? Namiss ko na mag-bar hopping dito sa Manila!" mababakas ang excitement sa tinig ni Art sa kabilang linya.
Nako mambababae ka lang. I know you well Domingues.
"Sure bro. So, sa Jam tayo magkita mamaya okay? Since doon naman ang fave place natin to unwind. Oh sige na at baka hinahanap na ako doon sa loob. Ang tagal ko nang nawala pero ang paalam ko lang ay sasagutin lang ang tawag at hindi makikipagtelebabad." natatawa kong sabi.
"Okay, I'll see you later then. Bye!" pagputol nito sa kabilang linya. Dali-dali naman akong lumabas ng kotse para bumalik sa loob ng gym.
Ilang dangkal na lang ang lapit ko sa kinalulugaran ng puwesto namin nang makita ko ang isang lalaki na dalawang beses ko nang nakita, na ngayon ay nakatayo sa harap ng table namin. Sa puntong ito, kasalukuyan siyang tinatanong ni Keya habang nakatingin lang si Nanie sa lalaking nakatayo sa harap nila.