CHAPTER 5

19 2 0
                                    

SEB'S POV

"Sige fine, I'll be there later 8 PM. 10 AM naman first class ko bukas so I'll go this time." sagot ko kay Pao sa kabilang linya. Abala naman ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa locker nang tumawag siya.

"So paano ba 'yan, I'll see you later then? Huwag mo 'kong indiyanin Sebby ah! Aasahan kita. Bye!" then he hangs up. Kung 'di ko lang talaga sana kailangan ng pera eh baka hindi ko na itutuloy 'tong raket ko. Dagdag allowance din.

When I decided to be independent, I rarely ask my parents to support me in everything I need in school or in anything. Financial man 'yan o kung ano pa man. Even me, entering med school, my parents didn't pay anything for me. Though I still live in my parent's house, I act as if I run my own life already without them. Ganoon ako kapursigido na patunayan ang sarili ko na kaya ko without asking my parents help kung maaari. Without bothering everyone's lives. So I took the chance of being a fully supported scholar ng EIS.

"Are you going out later? Where?" muntik ko nang maibuga sa gulat ang iniinom kong tubig nang bigla na lang magsalita si Brent sa likuran ko. Hindi ko alam pero tinignan ko lang siya na para bang walang interes na sagutin ang tanong niya.

"I'm sorry, I heard kasi that you were talking to someone else over the phone an—..." hindi ko na siya pinatapos pa nang magsalita ako. "So what about that?" walang interes kong sabi. "Does it concern you anyway?" sabay lock ko ng locker at humarap muli sa kanya.

Ngumisi lang siya. Nakakaloko. "So tell me, what did you hear Mr. tsismosong conyo?" pinipilit kong magtunog sarkastiko sa harap niya pero parang walang epekto sa kanya. Nakatingin lang siya nang diretso sa mga mata ko.

Nakakailang ah?

"Hmm... I was thinking If I could join you wherever you'll go later? That sums up I guess of what I heard earlier." nang-aasar niyang sabi. Napapikit na lang ako sa inis dahil nalaman niyang may lakad ako.

"No." walang reaksyon kong sabi sabay talikod sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo. Naramdaman ko namang sumunod din siya at pumantay sa pagkakalakad ko.

"I have nothing to do later Seb. Next week pa naman ang submission ng individual case study so please take me with you? Please?" nagpapaawa niyang sabi. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Tell me, what do you want me to do only to convince you? Name it, I'll do it for you. Just take me only with you sungit, please?" humarang na talaga siya sa harap ko.

"Ano ba?! Nang-aasar ka na naman ba? No nga 'di ba? No!" singhal ko sa kanya.

"Magpapapilit ka na naman ba Seb? Pa-hard to get ka na naman sungit ah? I like that." sabay kindat ng loko. Naiinis man pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Shit, ang daming tao. Sabay-sabay ba talaga ang dismissal ng freshies?

"Wait, what?! Ako nagpapapilit sa 'yo? Are you insane?" sarkastiko kong sabi. Hindi naman ako makalakad nang mabilis dahil medyo masikip sa ground sa dami ng lumalabas na students. "First of all, hindi ko sinabing sumama ka Tsismosong conyo para sabihin mo sa 'king nagpapapilit pa akong sumama ka. I planned to go out alone so you better kick your ass out of my sight. Tabi nga!" kahit anong pigil ko, he always gets into my nerves. Fuck this.

"Everyone..." pag-agaw pansin ni Brent sa mga estudyanteng nandoon kasama namin. Nagsipaglingunan naman ang mga students na ngayon ang mga mata ay nasa kanya.

What the hell is he doing?

"Everyone, can you guys do me a favor?" walang hiya niyang sabi sa mga nandoon. Nagtataka naman ang mga students sa ginagawa niya.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now