POLO'S POVHINDI ko pa rin maalis-alis ang paningin ko sa kanya. Namamangha pa rin akong pagmasdan siya habang kinakalabit ang strings ng gitara niya. Para bang may hipnotismo siyang taglay na mahirap alisin sa sistema ko sa mga sandaling ito. Hindi ako pamilyar sa kanta na tinutugtog niya ngunit nararamdaman kong malungkot iyon.
May pinagdadaanan ba 'to?
Hindi ko makuhang kumurap dahil abala ang mga mata ko na pagmasdan siya. Kahit na alam kong may tama na ako ng alak at pipikit-pikit na sa mga sandaling ito ay pinipigilan ko dahil ayokong alisin ang paningin ko sa kanya.
"Somebody told me you were leavin', I didn't know..."
Panimula niya sa kanta. Una pa lang ay mararamdaman mo talaga ang emosyon sa pagkakaawit niya. Ramdam kong bawat salita ay dinaramdam niya dahilan para maapektuhan ang mga nakikinig sa kanya. At isa na ako doon.
"Somebody told me you're unhappy
But it doesn't show...
Somebody told me that you don't want me no more
So you're walkin' out the door."
Hearing the lyrics, I know this song is something sad. Gagawin ka nitong malungkot kahit hindi ka naman malungkot. Katulad ko, I know I am okay. I'm happy. But hearing his voice and his music, ngayon ay hindi ko na alam. Para bang hahayaan ka nitong maramdaman kung ano ang dapat mong maramdaman matapos mapakinggan ang kanta.
"Nobody told me you've been cryin'
Every night...Nobody told me you'd been dyin'
But didn't want to fight.
Nobody told me that you fell out of love from me,
So I'm settin' you free..."
Tumigil siya sa pagtugtog. Bumuntong-hininga bago yumukong pumikit. Hindi ko maaninag ang buong mukha niya dahilan para hindi ko masabing okay lang ba siya o parte lang iyon ng ginagawa niya. Hindi eh, feels like there's something.
Tumungga ako ng beer habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Ganoon pa rin ang posisyon niya. Nakayuko habang hinihimas-himas ang gitara niya. Siguro mga 5 minuto siyang ganoon at itinuon muli ang atensyon sa pagkapa ng susunod na parte ng kanta.
Ang ganda ng boses niya. Malamig sa pandinig at paluluhain ka sa sakit kapag tinamaan ka ng kanta. Para bang patutulugin ka nito at hahayaan ka nitong damdamin lahat ng emosyon sa buhay. Hindi ko alam pero lubos talaga ang paghanga ko sa mga kilalang singer na nagagawang isama ang mga nakikinig sa kanila sa emosyon ng kanta.
"Let me be the one to break it up
So you don't have to make excuses
We don't need to find a set up where
Someone wins and someone loses..."
Nang mag-angat siya ng tingin sa harap, nagtama ang mga mata namin. Malungkot siya. Ang lungkot na nakikita ko sa kanya ngayon ay makikita sa mga mata niya. Pakiramdam ko ngayon ay marami siyang gustong sabihin tungkol sa nararamdaman niya. Hindi ko mawari kung ano ito ngunit alam kong malungkot siya. Tanging ang musika lamang sa tingin ko ang paraan niya samga oras na ito upang masabi ang tunay na nararamdaman.
Hindi naman nagtagal nang sandaling magkrus ang paningin namin dahil agad din niya itong binawi at itinuong muli ang atensyon sa ginagawa. Nakita man niya ako, hindi niya pa rin ako makikilala. Ako lang ang nakakakilala sa'yo sa ating dalawa.