Chapter:13

19 2 0
                                    

Kasama ko si Jessica at Gavin sa bahay dahil nasa trabaho si Kuya at nag-aapply daw si Kalvin para sa trabaho. Jonas was working at his company na pinamana sa kaniya ng Lolo nila kasi laging wala si Tito Todd at Tita Joriella.

"Alam mo ba, laging bukang-bibig ni Kuya si Karie?" Parang wala ako sa harap nila ah? Hayop ka Jessica!

"Oo naman! Halata nga sa mga titig niya na mahal niya si Karie."

"Akala niyo wala akong masasabi? Heh! Nag-confess siya sa akin dahil tanga siya na akala ay tulog ako." I said then heard their gasps.

"Leche! Bakit hindi mo sinabi agad?!" Jessica acted hurt.

"Kasi lagi kang wala at kasama si Kalvin."  Tumawa muna si Gavin bago umimik.

"So anong plano mo? It's obvious na may nararamdaman ka pa rin para sa kaniya. He's so flipped for you and you're still in love. I say go for it."

"I don't want to get hurt. He's just like Papa, gwapo at maalagain. Ayaw kong magaya kay Mama na after 5 years ay dinadamdam pa rin ang sakit."

"Then bakudan mo. Ilagay mo sa fb status mo na married to Johnson Arnolds."

"Para kang tanga, Gavin." Humalakhak lang siya. "Pero what's the point? I'm not even half as pretty as the girls who run after him."

"Make over kaya natin?" Jessica mumbled.

"Pwede din. Kaya naman ng powers natin eh, she's already pretty pero let's put on weight on her." Gavin touched my hair and I think examined it? I don't really see. "Ang daming buto." Sinundot niya ang tagiliran ko.

"Aray ko naman!"

"Kasi naman kung kumain ka ng marami edi hindi ka ganiyan ka-payat. Mukha kang nag-kasakit." Jessica pointed out.

"Kesa naman sa mataba ako. I'm not body-shaming ah? I just don't know how to gain weight. Kain ako ng kain pero wala pa rin."

"Kaya uminom ka ng gatas na pang pa-taba. I forgot the name pero may stock ako sa bahay kasi binebenta ng Ate ko. Want mo? Ibibili kita at siymeps may discount."

"Bibili ako pero walang discount." And so our journey from 44kg to 50 daw. Ang tangkad ko naman daw kaya hindi daw mahahalata na may laman ako. Well, I'd like to try gaining weight.

Kaya bawat umaga ay kasama sila sa kain, tanghalian pati hapunan. Pang-patulog ko na raw 'yung gatas na binigay sa'kin ni Gav. It took long pero not so long, maybe after 10 months ay may improvement, ang hirap kasing mag-gain ng weight.

Exercise. Drink Milk. Eat.

Ganiyan lang ang takbo ng buhay ko simula noong sinimulan namin ito. I don't feel different kaya walang point ito.

"Do you feel progress?"

"Not really." I answered Gavin's question.

"Don't worry. I'm sure makakakuha ka ng weight." Jessica patted my back. "Back to exercise ladies!"

For 6 months, I've been repeating this. 6 months rin akong hindi nakakarinig kay Jonas. It's been so long, baka naman kasi busy. I won't rush into things, like Mama said.

"May laman ka na! Timbang muna tayo bakla!" Gavin cheered me on. "44 ka dati ngayon ay?" Tumong-tong ako sa timbangan namin at hinintay ang sasabihin ni Gavin. "My dear! 48 kilograms ka na! I can't believe it!"

"Tara shopping mamaya! I'm sure may mga damit na hindi na kasiya sa'yo." Jessica said.

"Tumaba ba talaga ako? I don't feel it."

"Of course! Look at her, Jess. She looks so beautiful, finally hindi ka na mukhang ginutom." Ay ganon ba ako dati? I wanna see how I look! Damn you temptation of drugs!

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon