After a few weeks ay naayos na ang lahat. Mama was better, the company was stable and I was back to my job. Nalaman ko na hindi na bumibisita si Vince kaya nagulat ako na andito siya sa harap ng WD.
"Karie." He smiled then gave me roses.
Tinanggap ko kahit hindi ko gusto ang roses. "Thank you." I told him to come with me. "May appointment ka?"
"Wala. Nabalitaan ko lang na nakabalik ka na kaya bumisita ako." He stared at me. "You have glasses now."
"Yep." I placed the roses in some water. "Remember, if you want to give me flowers don't buy roses. I prefer tulips."
"Bakit? Parehas namang bulaklak ah?"
Tumawa ako sa mukha niya. "Roses are common, I love the sight of tulips. Isa pa, they represent declaration of love."
"Got it, I'll keep that in mind."
We hung out for the day. I think I won myself a new best friend. Nilibre niya ako ng ice cream tapos nag-kuwento ako ng tungkol sa amin ni Jonas.
"Ikaw ba? Why is he your enemy?"
"Hindi naman kami 'yung mag-kaaway talaga." Natawa siya saglit. "We're more like frenemies. Maayos naman kami kaso kapag nag-kakaasaran kami ay malala. Pikon siya eh." Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano.
Sabi niya i-iyak ko muna ang sakit pero kahit pilitin ko, walang pumapatak. Ayaw kong umiyak because I still love him. I still want to be with him but things just came up. Hindi ko lang kaya na makasama muna siya. Masakit pa.
Habang nag-tatrabaho ako ay umalis na si Vince. Gusto kong malasing for some reason. Gusto kong makalimot sa problema. I wanted to do that pero may trabaho pa ako bukas. Baka kung ayain ko si Jessica ay sumama si Kalvin at isasama niya si Jonas kaya sa bahay na lang ako iinom.
Days passed and naisipan kong humiwalay ng tirahan. I wanted to live in a Condo near my job. Gusto kong malapit lang dahil sa masyadong traffic. Trabaho lang ang nasa isip ko sa mga nakaraang araw. Hindi ko sinasabing hindi dumadaan si Jonas sa isip ko pero ayaw ko, he just makes my heart bleed.
Madali lang makahanap ng Condo. Kaso ang problema ay ang Condo na ito ay ang tinitirhan nina Jonas. I asked them if they had a room na malayo kay Johnson, I didn't care if I'd see him here basta hindi niya ako lalapitan. Mababaliw ako kapag lumalapit siya sa akin. I don't want to be caught up in a toxic relationship. Kahit gusto kong ipaliwanag niya, hindi ko pa kinayang pakinggan pero ngayon pwede na...if only I had enough courage.
"And here is your unit, Ms. Rivers." Napalingon ako sa babae. "Sorry, Ms. Rivers. Ito na lang talaga ang unit na available sa amin. Pero katabi naman ang unit ni Ms. Arnolds, just inform us if Mr. Arnolds bothers you."
"Alright, thank you." Umalis siyang may ngiti kaya pumasok ako sa unit ko.
I started cleaning and organizing everything. Kulang ang gamit sa bahay ko kaya isasama ko si Jessica bukas. I should tell her I live here now. I styled my hair into a messy bun tapos lumabas na. Kumatok ako kay Jessica and Kalvin opened it, he looked shocked.
"Karie." He pushed me outside then shut the door. "You need to leave. Jonas is inside Jessica's Condo and he's drunk. Hindi namin mapigilan."
"Then let me in." Kahit kinakabahan ay pumasok pa rin kami. Nakita ko si Jessica na pinag-sasabihan si Johnson at siya naman ay nagui-guilty.
Tumikhim si Kalvin. "We have company."
Jessica looked at us and she smiled. "Baklaaa!" Tumakbo siya palapit at niyakap niya ako. "Umalis ka na bago pa bumaha ng luha ni Kuya."
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...