Kumakain kami habang naririnig ko ang away ni Ivy at Tervian. Ang cute nila, they're like an old married couple. I had some troubles eating a few times pero kinaya ko naman. Gavin helped me with it too.
"Tapos diba si Karie 'yung lumaban sa debate team kahit ayaw niyang umimik noon." Ivy said. "Pero na trigger ata 'yung inner monster niya dahil gobyerno ang topic. Buti na lang at nanalo siya dahil may point siya."
"Ang daldal mo." At hindi na natapos ang bangayan nila ni Tervian. Ganito naman sila lagi pero mamaya sila na ang nag-haharutan sa gilid. "Pasalamat ka mahal kita."
"Duh! Mahal din kita besh ko!" Napangiti ako sa kanila. "Oh! Bakit ngumingiti ka, Kariessa?"
"Wala ang cute niyong pakinggan." Natapos na kami kaya lumabas muna ako. Alam ko pa rin ang paikot-ikot sa bahay kaya kinaya ko. "Ang baho." Napatakip ako sa ilong ko dahil sa amoy ng sigarilyo.
"What are you doing here?" Of course it's him.
"Bahay ko ito." Muntik akong mawala sa balanse pero may sumalo sa'kin.
"Falling for me again I see." Tinulak ko siya palayo. "Careful."
"Heh!" May humila sa'kin paloob. "Aray ko!"
"Sorry my beshy!" Jess said tapos hinila pa ako lalo. "Dahil diyan, girls talk!"
"Jess, ikaw muna. Ikaw nag-yakag eh." Ivy said. "Ano bang pag-uusapan natin?"
"Si Karie at ang halik nila ni Kuya Jo." I heard Ivy squealing. "Mamaya ka kiligin girl, wala pa."
"Kinikilig ako! Wala ka na kung kelan ako pedeng kiligin." Ivy told Jess.
"Si Tervian asan?" I asked kasi imposibleng malayo si Tev kay Ivy.
"Kausap sina Kuya Jo at Kuya Kalvin." Jessica answered. "Tapatin mo nga kami, kayo na ba?"
"No." I can't see anything pero alam kong umiirap si Jessica, maldita 'yang baklang 'yan eh. "I hate him now. He made me feel useless then he kisses me? Eh kung ipabisita ko si Papa sa kaniya."
"Ikaw talaga! Don't be harsh on him!" Ivy said. "Ay putragis! Uuwi na ako, magagalit na si Mama. Love you Karie!" Yumakap siya at umalis na pero... "Tervian Dutch! Aalis na tayo! Ihatid mo ako!"
"Ang ingay talaga ni Ivy." Jessica laughed tapos may pumasok.
"Kariessa bruha ka!" Typical Gavin. "Naloka ang beauty ko sa nabalitaan ko tungkol sa'yo." Tumabi siya sa'kin. "Pero ayos ka ba sis? Di ko nakaya ah."
"I'm fine. May appointment ako kay Tito Lito."
"Good. Kailangan 'yan kundi masasapak kita." May humiga sa hita ko pero hinayaan ko na lang. "Ang tigas ng hita mo sis, kumakain ka pa ba?"
"Oo naman kaso medyo konti lang."
Sumunod na araw ay ang appointment ko kay Tito Lito and sinundo ako ni Nate pati ni Jessica.
"Hi Ate Karie!" Nate's voice echoed through my ears. "Si Kupal? Este Koral?"
"Kupalin mo mukha mo!" Hindi ko alam kung paano nila ako dadalhin sa opisina ni Tito.
"At dahil wala akong kotse ay si Kuya ang mag-dadrive kaya let's go." Jessica announced. Great, makakasama namin ang hayop niyang Kuya. "Kuyaaaa!"
"Nakakarindi ka, Jess." May bumuhat sa'kin bigla kaya nagulat ako. "Stop moving around."
"Kuya sa passenger seat na si Ka. Para mas madali ka naming matulungan." It doesn't make a difference kung saan ako umupo, Jess just said that para makatabi ko si Jonas.
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...