Hinihintay ko siya sa harap ng kumpanya nila. Pinakiusapan ko na lang ang guard na sabihin sa kaniya na naririto ako. I was waiting when I saw two kids. Nilapitan ko sila para malibang ako, naaawa ako dahil dito lang sila nakatira.
"Hello." Tumingin sila sa'kin at ngumiti. "Bakit andito kayo? Gusto niyo bang kumain?"
"Hindi na po. Napakain na po kami kanina ni Ate Karie." Karie? "Kaso hindi pa siya kumakain eh, pinadalhan lang kami."
"Bakit daw hindi pa siya kumakain?" Tinignan ko ang lunchbox na hawak ko.
"Busy po kasi eh." Napailing siya. "Pero alam niyo po? Nakakaawa ang itsura niya kanina, mukha siyang nawalan ng minamahal."
Tumikhim ako. "Sa tingin niyo? Sasaya pa kaya si Ate Karie? Tatanggapin niya pa kaya ang taong nanakit sa kaniya?"
"May posibilidad po." Sagot ng babae. "Mabait po si Ate Karie, sigurado po kami na mapapatawad niya ang taong nanakit sa kaniya pero tanggapin ulit? Hindi ko na po alam."
Napatango na lang ako. "Ano nga ulit ang pangalan niyo?"
"Ralph at Pat po." Sagot ng lalake.
I was smiling at them and offering them some beverages when the guards came out with a girl.
"Good morning, Mr. Arnolds. Ako po si Alora." She introduced herself. "Ako ang nag-sisilbing sekretarya ni Ms. Rivers ngayon, she told me to let you leave. She's really busy now."
Tinignan ko ang bintana niya and I saw her looking at us. Binalik ko ang tingin ko sa sekretarya niya.
"Okay. Salamat na lang, oh please give her this." I gave her the lunchbox that I packed for Karie.
Nag-baka sakali lang naman ako na kausapin niya ako. Baka...pwede kong sabihin sa kaniya ang rason kung bakit niya ako nakitang kahalikan si Emilia.
"Hahalikan mo ako o papabagsakin ko si Karie? Kaya kong gawin iyon, Sir. I can make her life hell."
No...hindi pwedeng si Karie! Kahit ako na lang, not my woman.
"Sumosobra ka na, Emilia. I already said yes to lunch with you kaya please tama na. I love my girl, hindi ko siya gustong masaktan." She doesn't know pero nararamdaman ko na. Nasasaktan na si Karie. Nasasaktan na ang babaeng mahal ko. "Baka masisante kita."
"Wala akong pake."
Napalingon ako sa babaeng kumausap kay Ralph at Pat. She looks like a girl from a private school.
"Again, I'm sorry." She said. "If you want, pwede ko kayong daanan and ilibre like what Ms. Rivers did. Gusto niyo ba?"
"Ate...ang bait niyo po." Pat said then smiled at her. "Mukha ka pong prinsesa."
"Kids, kilala niyo siya?" Tanong ko sa dalawa.
Tumingin naman ang babaeng estudyante. "Ako po si Eva Maruques. Nag-kasagutan na po kami ni Ms. Rivers kahapon pero hindi ko po sinadya. I wanted to fit in kaya ko nagawa iyon."
Tumango na lang ako. "Have a nice day, kids."
Somehow, I felt proud with Karie. Alam ko kung paano siya umimik. I also know how she limits her insults, I know how she can see through people's attitudes.
I went to work, hindi ko pa sinisisante si Emilia. Dapat nakinig na ako kay Karie noon pa. I didn't want her to work for me anymore. Even before Karie told me to fire her, alam kong walang magandang maiidulot si Emilia sa'kin.
"Sir." Bati niya. "Have you eaten lunch yet Sir?"
Tinignan ko siya sa mata ng walang emosyon. "Ms. Lim, hindi trabaho ng sekretarya ko ang alamin kung kumain na ako pero yes."
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...