Naka ilang months na rin simula noong nag-trabaho ako sa WD. Si Jonas na ang nag-hahatid sundo sa'kin lagi. Lahat na kasi ng gamit ko ay nasa Condo niya. He wanted me live with him forever.
"Therapist ka talaga?" My client asked, rudely. "Eh bulag ka naman ah?"
"Name sir?" I tried to be professional. "Oh baka iyan hindi mo alam?"
"Ano?!"
"Sir, hindi ako bingi. Name?"
"Vince." I can feel him rolling his eyes. "Pre seryoso ka ba dito? Hindi ko naman kailangan ng therapist na walang makita."
"Pre kailangan mo, sira na buong mental health mo."
"Sa kaniya talaga?"
"Siya ang pinaka hinahangaang therapist dito."
"With all due respect mga Sir, hindi ako bingi. Naririnig ko ang pinag-uusapan niyo. And Sir Vince, wala man akong makita sigurado akong babalik ka sa mga susunod ng dalawang linggo."
"At bakit naman?"
"Because like your friend said, I am the most admired therapist here." I smirked when he scoffed.
"Dami mong alam. Sige na para matapos na ito at FYI, hindi na ako babalik sa'yo."
"We'll see."
Naumpisahan na namin ang appointment at nalaman ko na hindi siya nag-oopen up kahit sa isang tao lang. His parents both died right in front of him by a car speeding directly towards the road where his parents were walking. He was 11 at that time.
"Alam ko ang feeling ng ganiyan."
"Talaga Ms. Rivers?"
"Yes. My father also died in front of me. A drunk police shot him without an explainable reason. He...was dead when we arrived to the hospital. Ibinasura lang ng gobyerno ang kaso na iyon and they never fought for my father's peace."
"Masakit diba?"
I nodded. I wasn't lying, seeing your own parent die right in front of you by a drunk police man was horrible pero in his case, he lost both parents.
"Ms. Rivers, hindi ko sinasabi sa iba ito pero...the reason I kept this anger fuming inside of me was because no one would understand how my pain felt. Ang mga kaibigan ko buo ang pamilya. Ang mga pinsan ko lahat mag-kakasama. Ako...hindi na alam kung saan pupulutin. Sinubukan kong sundan sina Mama at Papa kaso hindi ko nakayanan. Nakita kong kakauwi lang ni Vhan at pagod na pagod na pumasok sa bahay. Saka ko lang narealize, I didn't need to die yet. May kapatid akong kailangan pa ako. And doon ko nakita ang rason ko para manatili sa mundong ito."
Despite being a rude bastard, he was really a soft guy.
"Tapos tinanong niya kung anong meron sa lubid sinabi ko, wala lang. Baka may gusto akong isabit na dekorasyon balang araw."
"That's a stupid excuse."
"Yes, yes it is. Pero alam mo? He believed it. He didn't ask anymore. Ngayon ginagamit niya ang lubid na iyon para gumawa ng nakakaaliw na bagay."
"You sound happy, bakit ka dinala ng kaibigan mo rito?"
"Sinubukan ko ulit." He needs help. Buti at dinala siya rito. "Si Vhan kasi sumama sa Lola namin papuntang Mindoro para mag-aral ng maayos. Nawala na naman sa akin ang taong pumipilit sa kaluluwa ko na manatiling buhay."
"Alam mo, hindi masamang kumausap ng tao tungkol sa mga bagay na ganito." Naalala ko tuloy ang mga oras na kinikimkim ko rin ang problema ko pero hindi ako nag-sabi. "I'm sending you home with a warning, huwag mong susubukan ulit. Kapag ikaw nakabalik dito ng wala pang dalawang linggo ay may gagawin ang team namin para maiparamdam sa'yo na hindi kailangang tapusin ang buhay mo para sumaya. Remember, suicide is another tragedy for the wounded."
"Paano?"
"Sasaya ka ba talaga kapag ginawa mo iyon?" Natahimik siya. "Exactly."
"Salamat Ms. Rivers, pero hindi na talaga ako babalik dito."
"Try again." I chuckled when he groaned. "See you in 2 weeks, Mr. Uzon."
The day went by quickly. Wala naman akong masyadong client because WD wasn't really giving me some people. Nabalitaan ko na in a few months ay pwede na akong makakita, Tito Lito has made the lense already, kailangan lang ng frame.
"Ms. Rivers, your boyfriend is here to pick you up." Judy said.
"Okay, tell him to come up here. I'll just clean up."
Sumara ang pinto at inays ko ang gamit ko, mostly just my papers na hindi ko alam kung anong meron. Bumukas ang pinto and I can smell his perfume and...
"Nanigarilyo ka?"
"Sorry." Humawak siya sa kamay ko at nag-lakad na kami. "Hindi ko mapigilan eh. I feel so stressed at work and so many things happened."
"What kind?" Hindi siya sumagot. "Jonas, what is it?"
"Emilia-."
"Edi sesantihin mo!"
"Baby hindi ko kaya. Please don't think that I'd replace you. Hindi mangyayari 'yon."
"Siguraduhin mo. Makakatikim ka talaga kapag niloko mo ako."
"I didn't wait for 2 years just to replace you ok?"
Umuwi na kami sa Condo niya. After changing I slept already.
Dahil Monday bukas, I woke up late. Wala na si Jonas pero andito si Jess kasi may Unit din siya dito. Jessica wanted to go out pero alam niya ang rules ni Jonas sa'kin. Bawal akong lumabas ng Condo kapag wala siya.
"Ka, may nag-text."
"Sino? Ikaw mag-basa."
Natawa siya ng malakas. "Seriously? Vince Uzon?"
"Kilala mo si Mr. Uzon?"
"Duh!" Tumatawa siyang hinampas ako. "Pinagseselosan ito ni Kuya noon pa. Dahil lagi silang mag-kalaban."
"What did Mr. Uzon say?"
"Wait," She read it first before telling me. "Ms. Rivers, so uhh tuloy ba ang appointment natin in 2 weeks?"
"Sabi na!" Natawa ako dahil tinatanggi niya na magkikita ulit kami in 2 weeks. "Tell him, I'm free on that day."
I heard her typing then laughing. Parang baliw, tumatawa mag-isa.
"Anong meron sa inyo ni Vince? I mean he's not the type of person to text you. Anong meron?"
"He's my client. We experienced the same problem kaya siguro nag-kasundo kami."
"Siguraduhin mong walang namamagitan sa inyo. Kilala mo naman si Kuya diba? Seloso. Silent but deadly."
"Alam ko naman. Hayaan mo na, nothing is going on between us."
"Sabi mo eh."
Nakauwi na si Jonas ng gabi at hindi umalis si Jessjca. They were arguing while I just play with a squishy ball.
"Jessica may unit ka sa harap, please go."
"Ayaw! Andito ang best friend ko kaya dito muna ako."
"What about Kalv? Asaan ba si Kalvin?"
"Ewan." She sounded irritated. "Mag-uusap kami ni Karie eh! At ikaw tigilan mo na ang sigarilyo. Kapag si Karie may lung cancer, sasalpakin kita."
"Jonas, itigil mo na ang sigarilyo o mag-hihiwalay tayo."
"Fine. I'll try again."
Tinapon ulit ni Jessica ang lahat ng sigarilyo ni Jonas. He promised that he wouldn't buy anymore kaya hinayaan na namin siyang mag-trabaho.
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...