Ilang araw akong tinulungan ni Jessica na mag-hanap ng trabaho. I can't live like I'm some paralyzed human. Kailangan kong mag-trabaho and my lost sight can't affect me.
"Sa Office na lang kaya ni Ate Aileen?" Jessica suggested. "Kaklase siya dati nina Kalv at ni Kuya Jo."
Bumangon ako sa kama. "Close mo? Baka naman hindi ako tanggapin at may gusto pala kay Jonas."
"Si Ate Aileen? Imposible." Narinig ko ang mahina niyang pag-tawa. "Mga trip ni Ate Aileen 'yung mga taga ibang bansa, may asawa na nga siyang Amerikano. Dylan Warren daw ata."
"Ahh." I said. "So pwede mo ba siyang tanungin kung pwede akong mag-apply bilang therapist sa kaniya?"
"Sige. Akong bahala sa'yo." May narinig akong kaluskos sa paligid. "I'll call her."
Maya-maya ay umimik na si Jessica.
"Hello Ate Aileen! Kilala mo ba ako?" She asked.
"Hello Jessica! Bakit napatawag ka yata?" Her voice sounds so angelic.
She cleared her throat. "Ahh Ate kasi gusto ko sanang itanong if may spot pa sa office niyo?"
"Oh yeah! Para sa iyo ba? You're a therapist right?"
Tumawa si Jess. "Yes Ate pero hindi para sa akin. Para kay Karie, do you know her?"
"Miss Debate Team? Yes of course I know her!" She sounds excited. "Kamusta na siya. Huling balita ko sa kaniya ay noong sumali siya sa Debate Team eh. I already graduated pero trending sa buong school district."
"Well Ate...she'd like that pero there's one tiny problem."
"I'm sure there's a solution to that problem. What is it?"
"She's blind." Jessica said then sighed. "Apparetnly the woman has been taking drugs but luckily she stopped. So what do you say Ate Ai? Can she work for you?"
"Uhh...I'm not so sure about it."
"But I can do it!" Biglang natahimik. "Please, Ate Aileen. I really want the job. I need the job."
Nakarinig ako ng mahinhin na tawa. "No silly! Of course I'll hire you pero...paano na si Jonas? Payag ba ang mokong na 'yon?"
"The hell?! She knows?" I asked Jessica.
"Idiot!" Jessica said then laughed. "The whole school knew, Kuya was just good at hiding it so well from you."
"That man!"
Natawa si Ate Aileen. "Ok, I'll send in some news. I'll just fix your schedule then you can start."
"Thanks Ate!"
"Maraming salamat po talaga, Ate Aileen." Nag-kamustahan sila ni Jess then nawala na.
Ilang araw na akong nag-hahanda para sa sarili ko. Si Jonas busy pa rin. Ugali na niya ang ganiyan lagi, kaharap papel. Minsan hindi ko alam kung jowa ba niya 'yung papeles niya na iyon.
May bagong sekretarya daw siya sa kumpanya. Si Emilia raw na dati niyang kaklase. He also admitted na crush niya ito noong college, kahit medyo nag-selos ako ay hindi ako nagalit. Nag-sabi siya ng totoo kaya hindi ko dapat iyon ikagalit.
Kasama ko siya sa bagong Condo niya na gusto niya raw tirhan kasama ako. Hindi pa nga kami kinakasal tapos ganito agad.
"Hello?" He answered a call while we were eating. Nasanay na akong kumain ng ako lang. "Yes, Emilia." Ay putris! Dinahan-dahan ko ang pag-nguya. "Oo. Nasa desk ko lang ang mga papeles na kailangan nina Tito. Yes can you take care of it? Ok, highly appreciated."
Natapos na ang tawag nila. Hinayaan ko lang kasi anong gagawin ko eh wala naman silang ginagawang masama.
"Karie?" Tumigil ako sa pag-kain. "Can we talk after this?"
"Tungkol saan?" Hindi siya sumagot. "Sige. After I eat."
"Thank you." Humalik siya sa pisngi ko.
Tinagalan ko para hindi mahalata na gusto kong malaman ang sasabihin niya. I can't risk it. Natapos na ako at pumunta kami sa kwarto niya.
"Ano nga ulit ang sasabihin mo?" Tanong ko.
"Karie...don't be mad ok?" Tumango na lang ako. "Si ano...si Emilia kasi...uhhh kasi ano eh."
"Wait, ikakagalit ko ba iyan?" I felt him being nervous, halata naman sa inaakto niya eh. His voice is shaking.
"Ayon na nga. Hindi ko alam." He said. "Si Emilia...she tried to kiss me."
"Well what did you do?" Natahimik muna siya bago humawak sa kamay ko. I feel something different, parang hindi tama. Everything feels so wrong pero ayaw kong unahan ang sitwasyon.
"I-I...before I can react she already kissed me. She immediately stopped kasi may pumasok." He sounds guilty and I don't want to know more.
"Please...Jonas, fire her." I begged. "Sesantihin mo si Emilia as your secretary."
He chuckled lightly. "Karie, I can't. Masyado pang magulo ang schedule ko kaya kailangan ko siya."
"Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"That was just a kiss. Hindi kita ipag-papalit ok? I won't do that."
I hope he stays true to his words. Hindi ko kakayanin kung mangangaliwa siya.
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...