Ilang araw din akong nasa ospital. Hindi na bumalik si Jonas pero hindi ko rin makalimutan ang ginawa niya sa'kin. I was dreaming about it and I didn't like that. Bangungot na siya sa'kin. Mama said that she wasn't mad anymore pero huwag ko na daw uulitin. She didn't blame me, hindi naman ako maka move on sa pag-kamatay ni Papa Endrio.
Jessica was always with me and hindi niya alam ang nangyari sa'min ng Kuya niya.
"Hindi mo ata binabanggit pangalan ni Kuya?" Jess asked all of a sudden.
"Wala naman akong masasabi sa Kuya mo eh." Ayon lang ang naisagot ko.
"He's been constantly asking about you. Parang ewan." She said pero hindi ko na pinansin. I don't care if he'd like me. "Malapit na ang graduation, hindi ka pa nakakakuha ng final exam."
"Can't the exam be a recitation?" Natawa siya tapos naputol noong bumukas ang pinto. I looked like I was asleep.
"Kuya?" Pucha.
"Jess. Dad told me to watch you and Karie here kasi aalis daw siya." Umalis ka na din! "Is it ok?"
"Sure. Diba Karie?" I didn't answer. "Ambilis makatulog ng bruha, ano ka pagod?"
"Let her rest, Jess." He sat near me kaya tumulog na lang talaga ako, it doesn't make a difference if I open my eyes.
Jonas
Karie's been asleep for 2 hours now. Si Jessica umalis at bumili ng pagkain dahil hindi raw masyadong kumakain si Karie noong nawalan siya ng vision. I took her hand then squeezed it a bit.
"Bakit hindi ka nag-sabi na may problema ka pala?" Tinignan ko siya, I don't like seeing her in a hospital bed.
I let her hand go then took my phone. Mang-iistalk ako ng isang Kariessa Catherin Rivers. Her username was Cath.Rives on instagram. Hindi siya katulad ng mga ka-batch nila na sina Ivy at Jessica. She doesn't post herself on ig pero she posts about her family. Minsan lang lumabas ang mukha ni Karie dito. I stopped on the very first photo she posted, it was her and Tito Endrio. He was an old coach at our school pero natamaan siya ng ligaw na bala noong pauwi na.
@Cath.Rives hey Papa! Happy birthday, we love and miss you so much! Ingat ka diyan ah? I'm not happy about what happened pero atleast wala nang masamang mangyayari sa'yo. Love you! #Daddy'sgirl.
She never stopped loving Tito kahit wala nang pag-mamahal na madarama ang pamilya nila. She's that girl na hindi mo mapapansin kung puro ganda lang ang hanap mo, she's not ugly and she's also not beautiful. Pero tama lang, sobra pa nga ang ugali niya kesa kay Jessica. She's that girl na kapag nakita mo ay maiisip mo agad ay, 'Kung pwede lang, siya na sana ang pakasalan ko.' Yep, she's that type of person.
Tinignan ko ulit si Karie and natutulog pa siya. I kissed her hand then smiled. "Sana masuotan ko iyan ng singsing one day."
"Talaga?!" Nabitawan ko si Karie dahil sa sigaw ni Jessica. "Kelan pa, Kuya?!"
"Matagal na. When she participated in the debate team. 'Yung pinag-laban niya talaga na masama ang gobyerno."
"Pucha ka! That was 2 years ago!" Binatukan niya ako. "Kung siya easy to get, ikaw naman pakipot! Para kayong si Ivy at si Tervian, manhid at torpe!"
"Manahimik nga 'yang bunganga mo. Ang ingay eh." Nakakainis si Jessica minsan eh.
"Eh tapatin mo ako, Kuya. Bakit sa ilang taon na gusto ka niya at gusto mo siya ay hindi ka umamin?" Ang tsismosa talaga nito. "And don't say you have reasons kundi kakatayin kita."
"Fine." She squealed then sat next to me. "I made a promise to myself, as long as walang ibang nag-kakagusto sa'kin except for Karie, ay aamin ako. I want to make her feel that she doesn't have a competition and kilala mo siya diba? Kapag talo, talo na talaga. Hindi niya ipipilit kung hindi dapat ipilit." Napatango siya sa sagot ko. "Oh and torpe ako, it's easier to ignore her and watch from a far, instead of confessing." Relate yata ang karamihan.
BINABASA MO ANG
Love is Blind
Random(COMPLETED) This is one of my old works, kung matatandaan ko pa ang mga sinulat ko. In a glimpse of an eye, she won't be able to be the same person anymore. Good thing he wants to be there for her. "I already engraved on my heart that nothing wrong...